Chapter 15

103 4 11
                                    


"REPORT us the details about this case." Pagsisimula ko ng meeting sa conference room.

Umupo akong muli at pinagsalikop ang aking mga kamay. I focused with the reports my subordinates is giving.

Pero hindi lahat ng aking atensyon ay nakatuon lamang rito. Dahil ang kalahati ng aking atensyon ay nasa taong umalis ng walang pasabi isang buwan na ang nakalilipas.

I was about to visit him that night. I want to surprise him. Pero pagdating ko sa klinika nito, ako pala ang masusurpresa.

I saw him and a girl kissing.

I felt pain in my chest that made me walk out and leave him with that girl whom I don't know. I want to regret because I left him without hearing his explanations.

Pero wala akong lakas para gawin iyon.

I just watched him from the distance but I didn't have the chance to see my Cedrick. All I saw is a cold and lifeless man who is walking around, driving around his house and clinic. Para bang bumalik ang sinasabi nila Apollo na walang pakialam na version ng kanilang kapatid.

Hindi ito tumawag o bumisita man lang sa kaniyang ina't kapatid. His temper became worse and his patience turned thinner than I can remember.

Until one day, Apollo told me that his brother left the Philippines.

I feel guilt and pain dahil may ambag ako sa mga nangyari.

'Sana pinakinggan ko siya. Sana pinakinggan ko ang kaniyang paliwanag, sana inintindi ko siya.'

Pero, hindi ko nagawa man lang ni isa sa mga sana ko na iyon.

"Chief, ayos ka lang ba?" Pilit akong ngumiti habang patuloy at pinipilit kong basahin at unawain ang mga reports ng mga tauhan ko.

"Yes, don't you worry about me." Tugon ko at saka sila nagpatuloy sa kanilang report.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Apollo ng matapos ang aming meeting. I smiled at him and reviewed the reports my subordinates gave to me.

"Oo, ayos lang ako."

"Liar."

Masama kong binalingan ng tingin si Apollo. He smirked because he knew me very well, he knew how to get my attention, he knew how to piss me off.

Kung nakakamatay lang talaga ang aking mga tingin, tiyak na matagal ng patay ang lalaking ito. Gayundin ang mga kriminal na isinusuko at nahuhuli namin.

"By the way, I am here to ask you a favor." Seryosong pag-iiba ni Apollo sa usapan naming ito.

"Ano iyon?" I asked him without wasting any glance for him.

Alam ko kasi na puro kalokohan ang lalabas sa bibig ng lalaking ito. Kaya naman kung anuman ang seryoso na sasabihin nito, masasapak ko talaga ito lalo na kung puro kalokohan lang din ang lalabas sa bunganga nito.

Sa halip na sumagot, inilapag nito ang isang folder na may nakasulat na confidential sa harapan nito na naka-capslock pa.

Kinabahan ako at napalunok ng sariling laway.

Sa hindi ko malamang dahilan, naniniwala na ako kay Apollo sa sinasabi nitong seryosong pabor.

My hand is trembling while I slowly held the folder on my table.

At sa unang pagkakataon, I want to puke right away as I saw the large picture at the first page. I looked at Apollo who is also looking at the picture. He is serious and I can see fury in his eyes.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now