Chapter 25

99 3 9
                                    


"ANO ba ang mayroon ang babaeng iyon na wala ako? Ano bang kasalanan ko para parusahan mo ako ng ganito? May nagawa b--"

"Tigilan mo na ako Sanya. Dahil wala kang mahihita sa akin ni kusing na pagmamahal. Matagal ko ng sinabi sa iyo at pilit na sinisiksik sa isipan mo na ayoko sa'yo. Ano bang hindi mo maintindihan sa mga salitang iyon?" Nanggigigil kong tanong rito.

Pero sa halip na sumagot ay umiiyak itong pilit akong inaabot para magkalapit ang mukha namin. Pero hindi siya uubra sa akin. Walang ibang makakaangkin sa labi ko kundi si Viola lamang.

"Tigilan mo na ito, Sanya. Ayokong masaktan ka ng dahil sa akin." Sabi ko rito ng mahinahon.

Mahinahon kong hinarap si Sanya at saka pinantay ang sarili ko sa kaniya. Maluha-luha pa itong tumingin sa akin kaya naman pinunasan ko angbluha nito gamit ang hinlalaki ko.

Alam ko na ang pagtago ng bagay na ganito ay hindi makakabuti sa relasyon namin ni Viola. Pero kung ito lang din ang paraan para maprotektahan ko siya, mas pipiliin ko na maglihim sa kaniya.

"Patawad Sanya. Pero hanggang kaibigan lang tayong dalawa." Sambit ko bago ako tumalikod at maglakad papalayo.

"Babawiin kita sa kaniya! Tandaan mo iyan! Gagawin ko ang lahat para mapasa akin ka Cedrick! Tandaan mo iyan!" Sigaw ni Sanya, 'di alintana ang mga tumitingin sa kaniya, 'di alintana ang kahihiyan sa kaniyang mga ginagawa.

Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng paliparan kaya naman naharang na si Sanya ng mga guwardya sa labas kaya naman nakahinga na ako ng maluwang.

Gusto kong gumalaw. Gusto kong makita si Viola. Gusto kong masiguro na ayos lang siya. Gusto kong makita si mommy, Apollo at Artemis. Pero bakit? Bakit 'di ako makagalaw? Bakit ang dilim?

'Pakiusap, kung may nakakarinig sa akin, pakiusap tulungan niyo akong makabalik sa kaniyang piling. Pakiusap.'

SA PAGMULAT ko ng aking mga mata kulay puti lamang na pader ang aking nakikita. 'Nasaan ba ako?' Nagpalinga-linga ako at napagtanto ko na lamang na nasa loob ako ng isang kwarto.

Nasa ospital ako.

Napahinga ako ng malalim pero natigilan ako ng maalala si Cedrick. Naluluhang napadako ang aking mga mata sa aking ama na halata sa mukha ang pag-aalala sa likod ng mga ngiti niya.

"Viola, my dear. How are you? Are you hurt? Please my dear, talk to daddy." Anito pero lumuluha lang ako na nagsimulang humikbi.

Alam ko na naiintindihan niya ako, alam niya ang ibig kong sabihin sa aking pagtangis.

Agad na nagtawag ng doktor si daddy at sa wakas ay may boses ng lumabas mula sa aking bibig. "W-where i-is C-Cedrick?" Garalgal ang boses kong tanong.

"He is critical." Sagot ng aking ama.

Natutop ko ang aking bibig sa natuklasan ko. 'Hindi naman siguro... HINDI! HINDI PWEDE IYON!'

Nagpumilit ako na makatayo kahit pa may nakabalot na benda sa binti ko, sa katawan ko at sa balikat ko. Kailangan kong puntahan si Cedrick. Hindi mamaya, at hindi bukas! Kailangang mapuntahan ko na siya ngayon din!

Iika-ika kong hinanap ang information desk at saka nagtanong rito sa kinaroroonan ni Cedrick at Apollo. Pero hindi ko akalaing mahahagip ng mata ko si Artemis na umiiyak na sumusunod sa isang stretcher kung saan nakahiga si... Gerald.

Para bang dumoble ang bigit sa dibdib ko sa mga nasasaksihan ko.

Una, si Apollo, ikalawa si Cedrick at ngayon naman ay si Gerald? Ano ba ang nagawa ko?

Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait. Sapo ang aking ulo at iika-ikang pinuntahan ko ang waiting room kung saan naroroon si Tita Athena. Umiiyak ito habang yakap ang mga damit ng mga anak. Bago pa ako maka-upo ay dumating ang aking ama at inalalyan ako.

Nagyakapan kami nila Tita Athena habang nananalangin kaming dalawa na sana ay maging ayos lang sila.

"Hindi ko alam kung paano na ang buhay ko pag may nangyari sa kanila." Umiiyak na sabi ni Tita Athena.

"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit nadamay sila. Dapat... Ako 'yung mababaril... Dapat ako 'yung critical ngayon... Dapat ako iyong nag-aagaw buhay at hindi sila." Pagsisi ko sa aking sarili habang sinusuntok ang ngayo'y dumudugo kong muli na mga sugat.

Pinigilan ako nila Tita Athena at Tita Aphrodite. Naroroon na rin ang mga pinsan nito maliban kay Frederick na hindi makaalis sa Italia.

"Walang mangyayari kung hihilingin mo iyan Viola. Ginusto ni Cedrick protektahan ka kaya huwag mong sayangin ang sakripisyo niya." Seryosong pahayag ni Clovis.

"Hindi makakatulong sa inyo pag na-stress ka ng husto, dear." Sabad ni Angelica habang pinupulsuhan ako habang ginagamot na naman ako ng mga doktor.

"I-inyo?" Sabay-sabay na tanong nila Phoenix, Raphael, Clovis, Tita Athena at Tita Aphrodite.

"Anong ibig mong sabihin, asawa ko?" Tanong ni Phoenix.

Tumayo si Angelica mula sa pagkakaluhod sa aking harapan at saka ako nito nginitian. "Cheer up dear. Makakasama sa baby niyo ni Cedrick kung maiistress ka ng husto."

Lahat kami ay natulala maliban sa aking ama at kay Angelica. Hinarap ni Angelica ang aking ama at saka nagsalita.

"Why didn't you tell her that she is pregnant?" She asked her.

I looked up to my father and he just winced and answered. "How can I tell her that she is indeed pregnant if she instantly retaliate and run out of her room?" He sarcastically asked while looking at me.

"Y-you are pregnant?" Lahat kami ay napatingin kay Sanya na kakarating lang.

"Walang hiya ka! Bakit naririto kang demonyo ka?! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo kay Gerald bruha ka?!" Puno ng poot na singhal ni Artemis mula sa kung saan.

Susugurin niya sana ito ng pigilan siya ni Clovis na halata ang disgusto sa mukha ng makita ang kapatid ng ex niya. Nagwala si Artemis hanggang sa may gawin si Raphael na nagpatulog dito bigla. Angelica checked her pulse to and as she opened her mouth, everyone is shocked to learn that she is also pregnant.

"Bakit ba buhay ka pang bruha ka? Bakit hindi ka pa namatay? Hindi ba nila pinatama sa ulo mo ang lintik na bala at nabubuhay ka pa?!" Nanggagalaiting tanong ni Sanya sa akin.

And in that statement. I knew it. Siya ay konektado sa mafia na halos pumatay sa akin.

Susugurin ko na sana ito ng marinig namin ang hindi ko pinangarap na tunog na magmumula sa machine na nakakabit kay Cedrick.

That long and flat sound made my knees wobble. That long and flat sound that made my heart broken into pieces.

'Hindi pwede ito!'

Masaganang luha ang dumaloy sa pisngi ko habang patuloy nilang nirerevive si Cedrick. Kasunod nito ay ang pagdating ng mga pulis at paghuli kay Sanya na tinawagan pala ni Artemis bago sugurin ang babae.

Lahat ay magulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naninikip ang dibdib ko. Ang sakit-sakit ng katawan ko. Pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko kay Cedrick. Pero bago pa ako makalapit sa kwarto nito, narinig ko ang tunog na nagbigay sa akin ng pag-asa bago tuluyang magdilim ang paligid.

---------------------

A.N: I know na madami ang naintriga sa naging myday ko sa Facebook ko. Pero mas makabubuti kung walang makakaalam ng tumatakbo sa isipan ko ngayon at sa magiging takbo ng storya ng mga Cross.

Spoiler na naman ang nalabas ni akesh. Haha. May dalawang nakapagtanim ng binhi't namunga. Haha. Ano kayang magandang pangalan? Help me think guys.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon