Chapter 24

90 3 10
                                    


"KAILANGAN mo ba talagang umalis?" Tanong muli ni Cedrick sa akin.

Napabuga ako ng hangin dahil naiirita ako sa paulit-ulit niyang tanong sa akin. Hindi na ba ako pwedeng magkaroon ng oras na tahimik? Pero hindi ko naman magawang magalit kay Cedrick dahil kada titingin ako sa kaniya o kaya ay marinig lamang ang kaniyang boses ay sumusuko na agad ako, natutunaw agad ang inis ko.

Hinarap ko si Cedrick at saka hinawakan ang kamay nito. "Honey, kailangan kong gawin ito. Malaking operation ito laban sa mga mafia members. Sana maintindihan mo ako." Pagsusumamo ko.

Pilit ko man na ipaintindi kay Cedrick na kailangan kong samahan ang mga kapulisan sa operasyong ito, alam ko naman na kaligtasan ko lang ang nasa isip nito. Pero bilang isang pulis, kailangan kong gawin ang tungkulin ko anumang oras o pagkakataon.

At ng hindi sumagot si Cedrick, ni umimik, binitawan ko ang kamay niya at nagpatuloy sa pagbubutones ng aking uniporme na pinaresan ko ng isang leather jacket. Mabigat ang loob ko na lisanin ang kwarto kung saan naroroon si Cedrick.

"Kung may choice lang ako, paulit-ulit kitang pipiliin mahal ko." Bulong ko sa aking sarili habang binabagtas ang daan patungo sa labas ng mansyon.

Matapos ang pag-anunsyo namin ng engagement ay nagkasiyahan ang lahat hanggang sa mapagod na ang mga bata at nag-aya na magsiuwian kasama ang kanilang mga magulang. Samantalang ang mga pinsan nila na hindi pa pamilyado ay piniling magpalipas ng gabi sa mansyon.

Lubos akong nasisiyahan sa mainit nilang pagtanggap sa akin. Pakiramdam ko, may panibagong pamilya na naman ako.

Naabutan ko sa labas si Apollo at ang aking ama na halatang kakagising lang at ako'y hinihintay. Lumapit ako at inabot kay Apollo ang bag ko na naglalaman ng gamit ko tulad ng baril, magazines at bala. Bago ko harapin ang aking ama na halata ang pag-aalala.

"Viola. You don't need to do this. It's dangerous."

"But I need to do this. It's my duty as a police. Please do understand that." Sabi ko rito na nagpabagsak sa mga balikat nito.

Alam ko na hindi ko pa siya mapapatawad sa kaniyang nagawa na hayaang alipustahin at palayasin ng kaniyang asawa. Pero ako na lang ang natitira sa kaniya. Galit ang mga tiyuhin ko sa kaniya sa mga nangyari kaya naman, poprotektahan ko siya at aalagaan dahil iyon pa rin ang isa sa mga tungkulin ko bilang kaniyang anak. Lalo na ngayo't may hinala na ako kung paano nagsimula ang lahat ng ito.

"You're the second one who begged for me not to go. But please, understand that I will come back home safe and sound." Nakangiti kong pahayag bago ko bitawan ang kamay ng aking ama at sumakay sa sasakyan kung saan si Apollo ang nagmamaneho.

"Ano ba sa tingin mo ang puno't dulo nito, Viola?" Tanong ni Apollo.

Tss, kahit kailan talaga wala akong matatago sa lalaking ito. Ngayon, naaalala ko na kung paano ko siya naging matalik na kaibigan.

"The one who drugged me seven years ago, may be connected to this organization." Kongklusyon ko.

At kung hindi ako nagkakamali, isa ang mga Watson sa mga miyembro ng organisasyon na iyon.

"Isang malaking organisasyon ng mga mafia ang babanggain natin, Viola. Kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan." Nanunuyo ang mga labi na saad ni Apollo.

Maging ako ay kinakabahan. Paano kung hindi ko kayanin ang mga matutuklasan ko pa? Paano kung... May mapahamak na iba?

Gabi na rin ng makarating kami ni Apollo sa lugar kung saan kami nagkasundo na magtipon-tipon. Malapit kasi rito ang lugar kung saan gumagawa ng operasyon ang mafia na iyon. Nagready kami, nagsuot ng bulletproof vest, naghanda ng mga baril na gagamitin, pinuno ang mga magazines namin at nagpunta na ss kani-kanilang puwesto ang mga snipers namin at ng agency ng mga Cross na pinamumunuan ni Apollo.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now