Chapter 2

149 5 4
                                    


"LOVE at first sight. Tss. You've got to be kiddin' me." Natatawa kong sabi sa aking sarili habang umiinom ng mag-isa sa bahay ko.

Lumapit sa akin ang tatlo kong aso. Si Hades na isang Labrador, si Poseidon na isang Siberian Husky at si Zeus na isang Golden Retriever. Umupo ito sa harapan ko habang nakalabas ang mga dila nila't kumakawag-kawag ang mga buntot nila.

Napangiti ako. Man's bestfriend nga talaga ang mga aso.

"Anong kailangan n'yo sa akin?" Tanong ko sa mga ito na akala mo ay sasagot sa akin.

Lumapit sila sa akin at parang mag-aaway pa dahil nag-uunahan na ang mga ito sa paglambing sa akin. Natatawa naman na sinaway ko ang mga ito.

"Cedric. Cedric. Cedric." Paulit-ulit na tawag sa akin ni Apollo.

Lumingon ako sa parrot na nakatayo sa kan'yang tuntungan. The three dogs looked at him and bark to him also. Hindi ko malaman kung bakit pero ayaw talaga ng tatlo kong aso sa nilalang na may pangalang Apollo. Kaya nga hindi palagi nagpupunta rito si Apollo eh, si Apollo na kapatid ko.

I named my parrot Apollo dahil iyon ang lumabas sa isip ko. Kaya naman nung nalaman iyon ni Apollo na kapatid ko, galit na galit ito sa akin pero mas galit ito sa katukayo n'ya dahil anuman ang sabihin n'ya ay ginagaya ng ibon.

"Tumigil na kayo at baka magkasakitan pa kayo. Matutulog na ako at may tama na ako." Sabi ko sa mga ito bago ako naupo sa sofa sa loob ng living room.

Napangiti ako habang nanunuod ang mga alaga ko sa telebisyon na akala mo ay naiintindihan nga ang palabas.

I have three birds and three dogs. Sina Poseidon, Hades, Zeus ang mga aso ko samantalang I have Apollo the parrot, Athena the owl at Aphrodite the dove.

Nagmana siguro ako sa aking ina na si Luchia Athena na kapangalan naman ng kuwago ko. Dahil puro Greek gods and goddesses ang lagi kong ipinapangalan sa mga nakikita kong hayop na ligaw na ngayo'y inaalagaan ko sa bahay at sa klinika ko. My mother named my brother and sister into the twin Greek god and goddess Apollo and Artemis, at ako lang ang naging si Cedric Jackson Barron.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong miss na ako ni Mommy. Gayundin ang nararamdaman ko pero natatakot ako, natatakot ako na baka mahusgahan ako pag nalaman nila ang nagawa ko anim na taon na ang nakakalipas.

Kaya nga, sinusubukan kong hanapin ang babaeng iyon. She is my ticket for me to be able to come back home.

"Saan kaya kita makikita? Saan kita hahagilapin? I still want to say sorry... I still want to tell you that... You stole my heart a...way." And everything turned black.

ANG hindi alam ni Cedric, ang babaeng hinahanap n'ya, ay nasa harapan na n'ya, pinapanuod ng mga alaga n'ya. Pero dahil sa pagod at kalasingan, hindi na nagawa pang makita ng binata ang dalaga na pinalalabas ngayon sa balita bilang isang sikat na tao.

WALA ako masyadong appointment sa clinic kaya nama'y hindi na ako nagmadali pa sa pagpasok.

Alas-diyes na ng magising ako at ngayo'y papasok na ako sa aking pribadong klinika. Sa susunod na linggo ay sa opisina ako ng Cross Enterprise Builders pupunta para sa pagmamanage nito, kaso nga lang kakailanganin ko pang lumipad papuntang United Kingdom dahil doon ako in-assign ni Abuelo bago s'ya mamaalam sa mundo.

"Ano ba naman itong buhay kong ito oh." Naiirita kong bulong sa aking sarili ng may nakita ako sa may harapan ko na dalawang kotseng nagbanggaan.

Magmamaniobra na sana ako para maka-iwas pero huli na ang lahat ng mahagip ng aking mata ang isang pusa na duguan at pinagkakaguluhan ng lahat.

Agad akong bumaba at sinaklolohan ang pusa. Napakalambot talaga ng puso ko sa mga hayop to the fact na kahit maabala ako'y ayos lang.

I clicked my wireless earphone at saka kinausap si Ciara sa kabilang linya. "Get ready the emergency room. May dala akong pasyente." Sabi ko rito sa nag-aalala kong boses.

"Yes, Doc."

"I am a veterinarian. Huwag kayong mag-alala. Nasaan ba ang may-ari nito?" Tanong ko habang chinecheck ang vitals ng pusa.

Its eyes are half-open and it is staring at me so I smiled to it and caress its fur to tell that everyrhing will be fine.

"Pusang ligaw lang iyan, big deal ba iyan? Mamamatay rin iyan." Sabi ng lalaki na may-ari ng isang kotse.

"Sino ka ba at nangingialam ka d'yan sa pesteng pusa na iyan. Dapat nga d'yan ay mamatay na. S'ya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng banggaan rito!" Nagdilim ang aura ko sa sinabi ng isa pang lalaki na naaksidente rin.

Tumayo ako habang pinambalot ko ng aking coat ang duguang pusa. I smirked at them and showed them my calling card.

"I... Am... Cedric Jackson Cross Barron, a licensed veterinarian. And one of the CEO of the company your working with, Mister." Sabi ko sa lalaki na may nakakabit na brooch ng Cross Enterprise sa kan'yang coat. "Kilala mo naman siguro ang pinsan ko, 'di ba?" I saw him shake.

"S-si Sir C-Clovis." Anito.

I smirked again and replied, "Yes, indeed. I am his cousin Cedric." I saw that he is now completely pale for what I said. I turned to the other man and said, "Kung ako ang tatanungin, mas maituturing pang tao ang isang hayop kaysa sa iyo na tao nga pero daig pa ang hayop sa pinakikitang ugali." Matapang kong sabi at walang pakialam na tinalikuran ko sila para magmaneho na papunta sa aking klinika.

Pero sa pag-ikot ko, I saw her standing by me, a woman with silver hair with a pair of violet eyes. I gulped but I tried to erase the memories of mine and the vixen.

"How's the cat?" She asked, I can see her worrying too much with the cat.

"If you want to know how is she, then follow me to my clinic, Miss." Sabi ko bago ko s'ya lagpasan.

Nahagip ng aking mata ang pamilyar na tattoo na nasa balikat n'ya. Kita iyon dahil naka-off-shoulder s'ya na dress.

'It can't be!'

A.N: Pasensya na po kung natagalan ang aking pag-update. Medyo naligaw kasi ang utak ko ng kaunti hehe. Salamat po sa paghihintay 😇😇😇

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now