Prologue

323 9 4
                                    


"CONGRATULATIONS, Cedric at sa wakas ay nakapasa ka sa unang subok lamang." Sabi ng aking professor na si Mr. Brace.

"Sa inyo po ako dapat magpasalamat Mr. Brace, dahil kung hindi dahil sa inyo, baka nangangapa pa rin ako dito sa kursong kinuha ko." Nakangiti kong pasasalamat dito.

Inakbayan ako nito, saka naman dumating ang anak nito na si Zero na mainit ang mga mata sa akin dahil sa closeness ko sa kan'yang ama. Kaya ako na lang ang mag-aadjust dahil ayoko namang mag-away pa ang mag-ama.

"Sige Sir Zane, aalis na po ako." Magalang kong paalam dito. Nakita ko ang mumunting lungkot sa kan'yang mga mata pero pilit ko iyong binalewala dahil ayoko naman na magkalabuan na naman ang mag-ama.

"Sige hijo. Mag-ingat ka at pakikumusta na lang ako sa iyong Abuelo. Congrats ulit sa iyong maagang pagtatapos." Anito at saka ako tumango bago ako pumihit para maglakad na papalayo.

Sir Zane Brace is very dear to me. Mula kasi ng mamatay ang aking ama na si Rayver Barron, s'ya ang umalalay sa akin at nagmahal at nag-alaga sa akin na parang tunay n'ya akong anak.

Pero kahit ganu'y may pamilya pa rin ito tulad na lamang ni Zandra at Zero na palagi raw nakikitang nakikipagtalo sa kan'yang ama. Nakakalungkot pero kung ako lang din naman ang dahilan nito'y ako na ang unang lalayo kaya nga kumuha agad ako ng special test kung saan ay sumagot ako ng isang libong tanong para lang sa maaga kong pagtatapos at sa awa ng Diyos, natapos ko ito sa perpektong grado.

"SEVENTEEN pa ako Kuya Ced. Alam mo namang hindi pwedeng uminom ang minors 'di ba? Sila Kuya Clovis na lang at Kuya Raph na lang ang ayain mo. Ayaw kong mapagalitan at makurot ni Mommy sa singit." Bakas ang takot sa boses ni Apollo na inaaya kong uminom para sana ipagdiwang ang aking pagtatapos.

Napabuntong-hininga na lamang ako pero ano pa ba ang magagawa ko? Ayoko namang mapahamak ang kapatid ko.

'Ang hirap talaga pag panganay ka.' Sa isip ko saka pilit na ngumiti kahit walang makakakita sa akin.

"Sige, sige. Ako na lang iinom mag-isa, ayoko namang mapahamak ka pa kay Mommy." Sagot ko rito.

"Kuya Ced." Bakas ang lungkot sa boses ni Apollo pero hindi ko na iyon pinansin at nagpaalam na ako dahil nakarating na ako sa bar kung saan ay dapat makikipagsaya sana ako kasama ang aking kapatid.

Nakakailang baso na ako ng whiskey na in-order ko pero pakiramdam ko, wala naman itong epekto sa akin. Nahihilo man ako, pero hindi pa rin ako malasing-lasing.

'Bakit pakiramdam ko, mag-isa lang ako? Bakit pakiramdam ko, wala akong kwentang tao? Bakit pakiramdam ko...'

"Lasing ka na ata, pogi." Nilingon ko ang isang babae na may magagandang kulay lilang mga mata.

Para akong hinihigop ng mga matang iyin sa kung saan man dahil hindi ko man lang magawang umiwas ng tingin sa kan'ya. She is beautiful with her half-opened eyes, she have this kissable lips na masarap sigurong halikan. She is so sexy with her long silver hair that is touching her curves. She is wearing a reading glasses but it doesn't lessen her charm even an ounce.

Napasinghap na lamang ako ng halikan ako nito. Nalalasahan ko pa ang alkohol na ininom nito. Pero bakit ganoon? May mali sa lasa nito pero napapangibabawan ako ng sarap ng sensasyon na lumulukob sa akin sa bawat galaw ng dila nito at mga kamay na ngayo'y naglalakbay na pababa sa aking pantalon.

'Kailangang pigilan ko s'ya, kung hindi, pareho kami magsisisi sa magiging kahihinatnan nito!'

I tried to push her but she won't budge at all. Tila may mali sa babaeng ito. At sa sulok ng aking mga mata, I saw someone that is watching what we are doing.

'No... Oh tukso bakit ba ang ganda at sexy mo?' Sa isip ko hanggang sa wala na akong naging kontrol sa init ng katawan na lumukog sa aking katauhan sa mapanuksong labi at hagod ng babaeng may pilak na buhok at lilang mga mata.

Ang babaeng pinakaunang nangahas na nakawin sa maikling panahon ang aking puso, ang babaeng sa tingin ko'y hindi ko kailanman makakalimutan.

A.N: Meet Cedric Jackson Barron, the coolest bachelor of the Cross family.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora