Epilogue

187 4 6
                                    


After five years...

SERYOSONG nakaupo sa kaniyang upuan ang Chief of Police ng Area 1 na si Viola Belldandy Bently habang patuloy na binabasa ang isang folder na naglalaman ng mga dokumento ukol sa issng sindikato na bagong naghahasik ng krimen sa lungsod ng matigilan ito sa pagpasok ng kaibigan nito na si Apollo Barron.

"Viol--"

"Lumayas ka rito kung hindi mo man lang ako gagalangin sa opisina ko." Kalmado pero halata ang mainit na ulo na putol ni Viola sa kaibigang matalik.

Pero sa halip na tumalima, umupo ito sa bakanteng silya sa harapan ng mesa ng dalaga. Tumaas ang kilay ni Viola at saka hinampas ng folder ang ulo ng binata.

"Sinabi kong lumayas ka ritong hampaslupa ka!" Singhal ni Viola habang matatalim ang tingin na lumipad na naman sa mukha nito ang trash can na puno ng nilamukos na papel pero sa halip na matamaan ay umiwas ito at malakas na tinawanan ang kaniyang superior.

"Hinay-hinay ka lang my dearest sister-in-law. Sayang naman ang kakisigan ko kung matatamaan ako ng lumilipad na basurahan mo." Pang-aasar nito.

Huminga ng malalim si Viola at saka seryosong tiningnan ang binata. "Ano ba kasi ang masamang hangin na nagdala sa'yo rito?"

"Hangin ng..." Tumigil si Apollo at kunwa'y nag-iisip kasunod ang pagngiti nito na abot-langit na para bang may naisip nga itong kasagutan sa kaharap na pulis. "Hangin ng kakisigan."

Napangiwi naman si Viola sa kahanginan ng kaibigan. Pero aminin man nito o hindi, tunay naman ang sinabi ni Apollo. Siya nga ay makisig at matapang na pulis na kaniyang ipinagmamalaki.

Limang taon na ang nakakalipas ng matapos ang kahindik-hindik na pangyayari para sa kanila. Ang pagkabaril nilang tatlo kasunod ay si Gerald na isa pang matalik na kaibigan ng Hepe na si Viola. Gayundin ang pag-aagaw-buhay ni Cedrick at ang pagkawala naman ni Artemis pagkalabas nito sa ospital.

Mula ng araw na iyon, wala ng nakakaalam kung saan napadpad ang kakambal ni Apollo pero ang pag-aalala nila ay sobra pa sa kanilang naranasan dahil sa pagkakaalam nila'y nagdadalang-tao ang dalaga.

Nawala saglit si Georgina na kapatid ni Gerald. Pero bumalik rin sa hindi mawaring dahilan. Tila walang nangyari sa kanilang lahat, pero kasabay ng pagkawala ng dalawang dalaga ay kasabay ring naglaho si Gerald na parang bula.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang tunay na koneksyon nila Sanya sa sindikato. Gayundin ang pamilyang Watson na iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon kasabay ang pagfafile ng divorce ng ama ni Viola sa asawa nito dahil sa kaso nitong concubinage kasama ang ama ni Rissa na si Gregory. Kasabay rin nito ay ang pagsampa ng kaso ng pamilya ni Cedrick dahil sa pagsunog nito sa klinika ng binata ilang buwan na ang nakakalipas bago ito nabaril.

"Maiba ako. Kumusta na ang buhay may asawa?" Tanong ni Apollo.

Nagkibit-balikat si Viola saka ito sumagot ng, "Pareho lang, wala naman nagbago bukod sa may katabi na ako sa higaan, mas malaki na ang servings ng niluluto ko, mas madami na ang lalabhan at madami na akong kalaban sa pamimili ng panunuoring palabas." Natatawa nitong sagot.

"Oo nga naman. Hayaan mo, sasali ako minsan para sunuko ka na sa buhay at ibigay mo sa akin ang pagiging hepe ng Area 1." Nakangisi nitong sagot.

Naging seryoso si Viola na ikinatahimik ni Apollo. Iniisip niya na, 'ano kaya ang iniisip nito?'

Pero wala siyang nakuhang sagot kundi ang katahimikan at pagbukas ng pinto. Sabay silang napatingin doon at nakangiting sinalubong ni Viola ang limang taong gulang nitong anak na si Cedrick Jackson Barron II o Jack. Kasunod ang matamis na halik sa asawa niya na si Cedrick na hawak naman ang ikalawa nilang anak na si Rebecca Belldandy Barron o Becca na ngayo'y tatlong taong gulang na. Bahagyang yumukod si Cedrick para mahalikan ang tiyan ni Viola na nagsisimula ng mahalata para sa ikatlong anak nila.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now