Chapter 6

117 5 10
                                    


CHIEF Police Viola Belldandy Bently. Iyan ang pangalan ko. I am Apollo's superior sa istasyong ito. Madami ang nagtataka kung bakit ako naging chief of police sa kadahilanang, babae ako.

Everyone's thinking that woman are soft and fragile. Sensitive at sobrang hina. Pero iba ako. Iba ako sa mga babae na sinasabi nila.

"Chief." I turned my gaze from the folder I am holding to one of the police I am working with.

Si Austin Cervantes.

"Yes?"

He saluted at me and waited for my response. I saluted him back then I started to look at him with cold gaze. He gulped before he opened his mouth. But there's no words that came out from his parted lips.

"Why are you here? Wala kang mapapala sa akin kung tititigan mo lang ako." Masungit kong pahayag na ikinaputla ni Austin.

"Sorry po, Chief." He said before he sighed for a moment.

"So, ano nga iyon?" Tanong ko rito.

Ayoko kasi sa lahat ay 'yung sinasayang ang oras ko. 'Time is gold.', ika nga.

"May dumating po kasi na balita tungkol sa isang sindikato na illegal na humuhuli, nag-eexport at pumapatay ng mga hayop. Ilang buwan na po kami nakakatanggap ng balita ukol dito. Sinisikap namin silang mahuli pero 'yung nahuli po naming kasapi nila ay nagpakamatay ng mahuli namin. Wala rin pong magawa masyado ang mga nasa departamento ng wild life and resources dahil rin po sa walang habas na paninira ng isa pang grupo sa gubat ng isang bundok sa norte." Balita nito.

"So, anong sabi ng mga nasa itaas, tungkol dito?" Tanong ko rito.

"Ilapit daw po namin sa inyo chief. Sa hindi malamang dahilan, parang naparalisa po ang mga nasa itaas dahil hindi rin po sila makakilos." Anito na halata ang pag-aalala.

I crossed my legs and laid my elbows on the desk as I started to get depressed dahil hayop na naman at kalikasan na naman ang nakataya.

"Hindi makakilos? O ayaw kumilos?"

Austin gasped with what I asked. Dahil hindi n'ya marahil inaasahang magsasalita ako na laban sa mga nakakataas sa akin.

After I became so attached with my pets, and after I met Cedric a few days ago, lalo akong nagiging sensitive pag hayop na at kalikasan na ang usapan.

I suddenly missed Cedric.

"Investigate into it properly. Saka tayo kikilos sa lalong madaling panahon. Send to me the gathered datas about it at ako na mismo ang mamumuno sa operasyon." Sabi ko at saka ko ito sinenyasan na maaari na s'yang umalis.

He indeed left me alone in my office. At hindi rin nagtagal ay pumasok naman si Apollo na as usual, may bad habit ata sa pagpasok basta-basta sa kwarto ng iba.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko dito.

Umupo ito sa upuang nasa harapan ng mesa ko. Nangalumbaba rin ito at para bang walang naririnig sa mga tinatanong ko.

Napa-irap ako sa hangin dahil sa kagaspangan rin ng ugali nito. 'Ang malas naman ng mapapangasawa mo.' Naisip ko.

Ilang minuto rin na nakatambay lang doon si Apollo na para bang sobrang lalim ng iniisip nito. Sa hindi malamang dahilan, bukod sa pagtataka ay nakaramdam rin ako ng kaba. Curiousity is killing me right now.

"Apollo Kendrick Cross Barron! Lumayas ka nga sa opisina ko kung tatambay ka lamang rito at walang sawang magbubuntong-hininga rito!" Masungit kong singhal rito.

Napangiwi naman ito at masama akong binalingan ng tingin. "Hindi porque mataas ka sa akin ay gaganyanin mo ako Viola. Kitang may iniisip ang tao eh, sisinghalan mo na lang bigla." Kunwa'y nagtatampo nitong saad.

Binato ko ito ng folder na ikinatawa naman nito. "Siraulo!" Sigaw ko pero patuloy lang ito sa pagtawa ng walang humpay.

'Paano ko nga ba naging kaibigan ito?' Tanong ko sa aking sarili.

Limang taon na ang nakakalipas ng maging kaklase ko ito sa police academy. Kilala ito dahil sa pangalan nitong Cross at dahil na rin sa angkin nitong kakisigan at kagwapuhan. Lahat na yata ng mga ka-eskwela ko ay nangangarap na lahat na maging asawa nito. Pero kahit magkanu'n man, hindi ako tinamaan rito dahil sa lalaking kumuha sa kabirhenan ko taon na rin ang nakakalipas.

Apollo became curious about me dahil kahit daw maganda ako at sopistikada sa paningin ng lahat, ay hindi raw ako matama-tamaan ng likas n'yang kahanginan-- este kagwapuhan.

Hindi ko naman maamin sa kan'ya na may inuibig akong iba.

Pero ganu'n na lamang ang pagkagulat ko ng malaman kong nakababata s'yang kapatid ng lalaking iyon. I am surprised and very delighted to learn about everything about him.

Noon, hindi ko alam ang pangalan ng lalaking iyon. Pero ng ipakita ni Apollo ang litrato nilang magkakapatid, nalaman ko na ang lalaking hinahanap ko at pinapangarap na makaharap muli ay may pagkakakilanlan pala, at iyon ay si Cedric Jackson Cross Barron.

Pagkakataon nga naman 'di ba? Maliit lang ang mundo naming dalawa. To the fact that we are connected.

"Pero seryoso Viola. May pinoproblema ako na hindi ko naman dapat problemahin." Nakanguso nitong pahayag.

"Then why are you making everything so complicated? Kung ayaw mo ng problema, edi umiwas ka sa problema." Pabagsak na umupo ako sa swivel chair ko at marahang hinilot ang sumasakit na sentido ko.

"Paano ko iiwasan ang problema kung..."

"Babae ba?" Tanong ko at nakita ko ang pamumula nito.

Tinawanan ko ito na ikinasimangot nito pero nananatili ang pamumula sa mga pisngi nito. "Ano ba Viola!" Anito pero hindi ako natitigil hanggang sa layasan na ako nito.

'Bastos na nilalang. Buti pa ang kapatid mo.'

Apollo Kendrick Barron is having a hard time with a woman? What on earth is going on?

Napatingin ako sa cellphone ko ng maka-receive ako ng text message. I read the message and smiled as I recognized the sender.

My old good friend-- Gerald Coal Castañeda.

'Let's meet up.' He texted.

'Where?' I replied.

'Kahit saan, okay lang.' Anito.

Napangiti na lamang ako saka ko sinabi kung saan kami magkikita.

'It's been a while.' I thought as I continued reading the files on my desk.

A.N: Sana nagustuhan n'yo po ang update na ito. Kinakabahan ako kasi baka hindi n'yo magustuhan kasi wala si Cedric. Hehehe nasa UK kasi. Next update, magkakaroon po ng conflict kaya paka-abangan :)

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedWhere stories live. Discover now