Chapter 36

1.2K 87 32
                                    

"Excuse me, available pa po ba itong upuan na ito?"

"Ah yes po"

Ngumiti ako don sa babae at naupo na sa tabi nya. Andito kami ngayon sa isang mall, 8pm na and ngayon ang performance ni Ace. Bilib nga ako don kay Ace kagabi lang kasi sya nag practice tapos ngayon na agad ang performance nya

Kanina pang umaga dito si Ace kaya solo kami kaninang umaga ni Baby nag-uli, pero naka cap and mask naman ako until now para safe kami at hindi pagkaguluhan if ever na may makakilala sakin

Nang makaupo na ako ng maayos, inayos ko ang pagkakakarga ko kay baby at inuupo sa lap ko. Nang maging maayos na ang pwesto ni Baby ay inilabas ko yung cellphone ko para matawagan si Ace

Ilang segundo lang nag ring at sinagot nya na agad ito, "Hello, Ace andito na kami, nasa medyo dulo kami nakaupo. Uuwi rin kami agad ha pag ka perform mo, baka malamigan si Baby eh"

[*Where are you? Puntahan ko kayo, dito na kayo sa Backstage mag-intay para di ka mahirapan]

"No, I don't want, nakakahiya. We are okay here. Nakaupo naman kami eh, don't worry" tanggi ko. Alam ko kasing busy don baka maka abala lang kami

[*No, Hindi okay para sakin. What if may makakilala saiyo? Pagkaguluhan kayo?... Okay hindi na lang para saiyo para na lang kay baby, so listen to me Esther]

Napabuntong hininga na lang ako kasi natatakot rin ako sa maaaring mangyari pag di ko sya sinunod, ang dami pa namang tao dito para manuod kawawa si Baby non for sure

Tumayo na ako sa pagkakaupo, binaba ko muna yung tawag para mailagay ko ng ayos si Baby sa Carrier nya. Nahihirapan akong ilagay si baby kaya tumayo ako at ibinababa ang ilan kong gamit sa upuan para maayos ko si Baby, napansin ata ako nung katabi naming babae na nahihirapan kaya tinulungan nya na ako

Nang matapos, agad akong nagpa salamat, kinukuha ko na yung bags ko na nasa bangko nang biglang nag likot si Baby at pilit na hinihigit yung mask ko, sa harap ko kasi sya inilagay

Nagsimula na akong mag lakad habang iniiwas ko mukha ko kay Baby. Malapit na kami sa may backstage pero napatigil ako kasi ang daming taong nakaharang, kaya tumawag muna ako kay Ace ayaw kong makipag sapalaran

"Ace, ang daming tao sa dadaanan ko. Natatakot ako para kay baby"

["Nasan na kayong part? Puntahan ko kayo"]

"Baliw ka ba? Baka pagkaguluhan ka. Uwi na lang kaya kami? Natatakot ako Ace. Andito kami sa gilid medyo malapit na naman sa may entrance ng backstage ang kaso ang daming taong nakaharang, halos lahat media pa"

["No, ipapasundo ko na lang kayo. Stay there"]

"Okay" Napabuntong hininga ako ng ibinababa ang cellphone ko

Hindi ko ngayon alam kung saan ako pupwesto, ang dami kasing tao may nasa gilid pa na hindi na nagawang naupo kasi lahat ng bangko ay may tao na, agapan kasi sa mga ganito kung gusto mo maganda ang magiging pwesto mo

"Ahh Miss, okay lang kayo ng baby mo? Upo ka gusto mo?" napalingon ako sa isang babae na kasama ata yung mga friends nya at inaalok nila ako na maupo. Saan?

"Thank you. We are okay may susundo naman samin" sagot ko, pero hindi pumayag yung isang babae

Apat sila at yung dalawa pinagsiksikan ang sarili sa isang monoblock para mag karon ako ng upuan

"Miss, maupo ka na, kawawa naman si Baby oh baka nangangalay na yan.....Hello baby" ngumiti ako sa kanila at naupo na

Habang nakaupo ka text ko si Ace para sabihin na nakaupo kami, intay lang daw kami kasi nag karon ata sila ng problema at kung sino ang susundo samin

A Fan Girl Became An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon