Chapter 29

1.3K 83 24
                                    

"Ay di naman po yon pupwede"

Magalang kong sagot sa CEO. Pilit kasi nila ako na mag panggap na maging mother ng baby ni Jel at mag solo na lang sa showbiz

"Sef, If you accept the favor we ask for, I'll make sure na sisikat ka at di ka papabayaan ng company. Diba friend mo naman si Jel, so think about it please" kumbinsi sakin ni Mr. CEO

Pinipigilan ko na lang na tumaas ang kilay at magalit sa kanya kasi boss parin namin sya. Pero grabe naman ipangsasangkalan ako para hindi masira yung kaibigan ko tao. Hindi ko alam, tumango na lang ako at sinabing pag-iisipan ko muna

Lumabas na ako sa office ng CEO at dumeretso sa elevator. Wala sa sarili kong pinindot ang first floor botton. Mag commute na lang ako ayaw ko ng tumawag ng company driver, bigla kong naramdaman ang pagod sa maghapon dahil sa hinihingi nilang pabor

Sumandal ako sa gilid at pumikit habang iniintay na magsara ang elevator. Ramdam ko ang mga tao na nagsakayan at ramdam ko rin na may tumabi sakin. Nanatili lang ako sa aking posisyon at nanatiling pikit nang magsalita yung katabi ko

"Sorry" He said. Ni open ko ang left eye ko para silipin sya. Si Ace, hindi sya nakatingin sakin nakatungo lang sya at ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa

Di ko sure kung ako kausap nya kaya di ko sya pinansin. Nang mag bukas ang elevator ay agad kong minulat and mata ko at tumayo ng ayos lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Ace, "Wala pa sa first floor" na patingin naman ako sa itaas

Nang makita ko ang number na six ay bumalik ako sa pwesto ko. Kami na lang dalawa ni Ace ang natitira sa loob ng elevator

Nang makaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa ay kinuha ko ang cellphone at nag text kay Lairene

To Ikay: oy babae tulog ka na?

Pagkasend ko saktong bukas ng elevator kaya nag lakad na ako palabas pero agad akong napatigil nang may humawak sa braso ko na ikinalingon ko

"Wait can we talk?"

Ewan ko kung ano ang pag-uusapan namin dalawa pero wala sa ulirat ako tumango. Hinigit nya ako pabalik sa elevator para pumunta sa may parking lot

"What? What do you need?" tanong ko habang nagiintay na mag bukas muli ang elevator

Tiningnan lang nya ako at hindi sumagot. Inirapan ko lang sya at nagbuntong hininga na lang. Bakit ba kasi ako sumama dito masama loob ko dito eh

Nang magbukas ang pinto ng elevator hinigit nya na naman ako papunta sa kotse nya. Wow parang kidnapping na ang nangyayari dito ah

"Sakay" napataas agad ako ng kilay sa sinabi nya. Aba parang galit pa sya. Parang nakakalimutan nya ako dapat ang magalit

"Ay sorry, I don't want to talk to you na pala" sagot ko, "walang modo" bulong ko sa sarili ko at nag simula na mag lakad palayo sakanya

"Can you please listen to me first" sigaw ni Ace na naging dahilan ng pag tigil ko sa paglalakad. "I know it's hard for you. Pero sana maunawaan mo"

Nanatili lang ako nakatalikod sakanya. Hindi ko sya maunawaan kung ano ang gusto nyang iparating. Pero napaka wala nyang kwentang tao. Nag patuloy na ulit ako sa paglalakad, pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ng magsalita ulit sya

"Please naman Sef pakinggan mo naman muna ako" Ace said

Mabigat na ang paghinga ko ng lingunin ko sya. "Bakit ba kailangan kitang unawain?", "Bakit ba ako nadamay sa problema nyo"

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sigawan sya pabalik. Dahil na rin siguro sa sama ng loob at inis sakanila lalo na sa kanya

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now