Chapter 17

1.5K 104 10
                                    

"Nice pose, amazing... Yeaah.. Great... Beautiful"

Lahat kaming nasa studio ay natatawa na lang sa reaction ng photographer. I don't know kung bakit ganon ang reaction nya maybe to help us to boost our confidence, or talagang ganon lahat ng photographer? Di ko alam first time kong mag photoshoot

Andito kami ngayon sa studio to do our photoshoot para sa isang sikat na brand ng mga damit. Ang suot ko ngayon ay a sleeveless white shirt with hoodie, a white maong skirt pinagsuot rin ako ng blue maong na jacket to be more attractive

Iniwan ko na muna sina Lairene sa may waiting area pumunta muna ako ng cr. Lahat kaming twelve ay kabado kasi lahat kami ay first time sumabak sa ganito. Pero we are happy to be part of it, actually I didn't expect myself to be here. Last performance kasi namin talo kami but I was totally shock when Ace announced my name in the twelve names can go to the final and mas nakakagulat pa ako ang nasa top

Well, thanks sa photo at video ko na nag viral because of that kasi nandito ako. Mas ikinatuwa ko pa nang mapasama rin si Lairene sa twelve and she in on the top 5. Siri and Serena didn't make it. Si Jel naman di na sya bumalik nag quit na talaga sya

Nung turn ko na hindi ko alam ang gagawin ko. Ngumiti lang ako, hindi ako gumalaw to pose

Sorry na agad, wala akong alam dito lalo na't naiilang ako kasi saakin sila nakatingin and worse nandito pa si Ace to monitor

"Hey its okay don't be shy do any pose you know" sigaw saakin nung isang photographer

My gosh nakakahiya ako. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hinga at saka nag simula na mag pose

I didn't mind the people arounds me, basta ngumiti na lang ako and theme naman nung shoot ay carefree

Nahiya na lang ako nang ipatingin samin yung mga shots namin. Pinuri naman ako nang isang photographer na babae, ang galing ko raw kahit na first time ko lang to that thing pero still nahihiya parin ako, mukha ata akong ewan eh

May pose kasi ako na umiikot habang naka smile, naka ngiti sa malayo habang naka pikit, sa sobrang carefree ko ay hinubad ko pa yung jacket ko at isinampay sa balikat ko at nag pose na parang naglalakad at nakatingin sa camera

Nang matapos ang shoot ay dumeretso na kami sa isang condominium, malawak sya para na syang isang bahay. Dito kami tutuloy twelve

Dito na gaganapin sa Manila ang Finding Idols hindi na sa Batanes. Twelve na lang kasi kami and next week na rin iaannouce ang seven na mananalo and to be an Idol. Kahit na nasa top ako di parin ako kampante na mapapasama kasi, bilog ang mundo alam kong walang connect pero yon kasi lagi sinasabi ng kuya ko eh

Namiss kong bigla si Kuya. Nag dinner na kaming lahat, pagkatapos kumain yung iba mga nagsitulog na at yung iba nag eexercise. Hinintay ko na mag 1am at sinigurado ko na tulog na lahat ng kasama ko. Sana walang akong makasalubong na staff ng Finding Idols mayayare ako, tatakas kasi ako para bisitahin puntod ni Kuya

Kung tatanungin nyo kung Di ako natatakot, syempre takot ako duh sementeryo yon baka may makasalubong akong katawan na walang ulo don, pero sobrang miss ko na kuya ko eh bawal naman kaming pumunta sa kung saan saan kaya wala akong chance na makapunta manlang sa puntod ni kuya. Hanggat trainee pa kami kontrolado nila galaw namin. Kaya gora na ako ngayon hanggat wala pang gising na dimunyu na pipigil sakin

Nasa elevator na ako pababa, nang mag bukas ito agad akong napatalikod. Shocksss nasa lobby si Ace, isinuot ko agad yung sumbrero na dala ko, buti na lang talaga nakapag dala ako

Dahan dahan akong nag lakad palabas ng building. Busy sya sa cellphone nya, siguro naman hindi nya ako nakita

Sumakay na agad ako ng taxi papunta sa bus terminal. Wala na namang traffic, siguro mga alas dos nasa Lucena na ako, tapos babalik na lang ako sa Manila ng mga 3am para by 4am ay nasa Manila na ako. Wag lang sana ma traffic

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now