Chapter 9

1.6K 82 2
                                    

Ace POV

Tssskkk... Kaya ayaw kong nauulanan ehhh ang sakit ng katawan ko

Mahina kasi resistensya ko kaya ang bilis kong mag kasakit pag nababasa ng ulan

Okay lang kaya si Sef? Sana ok lang siya




FLASHBACK*

"Bakit hindi nyo muna kasi ni check bago kayo nag pa activity ng ganito,.... alam nyo naman palang delikado dito bakit tinuloy nyo pa?" gigil kong sabi sa kabilang linya

Nang maibaba ko ang tawag lumingon ako sa isang trainee na nakalambitin sa may puno

"Are you okay? I'm sorry for what happened" hingi ko ng paumanhin nung maibaba na sya ng mga staff

Ito kasing gubat na ito ay dating pinagkutaan daw ng mga sundalo kaya may ilang patibong

Eh wala naman sumubok na pasukin ito, ngayon lang

Kaya sobra sobra akong galit dahil alam nilang delikado pala bakit ginawa pa itong activity na ito without checking the area

May maipagawa lang eh....

Inis ako bumalik sa station

"Hey call the all trainees, and lahat ng nasa gubat na iyan ay pabalikin nyo na, delikado at lalo na't mukhang uulan" utos ko sa mga staff

Well, may karapatan akong utusan sila at pagalitan lalo na't kapabayaan nila ito

Habang nag aannounce na bumalik na sa main station kumulog ng malakas kaya na takot akong baka di nila narinig

"Pakiulit please ang pag announce" utos kong muli sa staff na nag aanounce

Pero Di na nya ako sinunod ng makita nyang nagdadatingan na ang mga trainees na galing sa gubat na pinasukan nila for the activity

And nag simula nang umulan

Buti na lang medyo maga ginanap itong activity kaya medyo hindi delikado ang pag balik nila

Pinapunta ko silang lahat sa Hall para iannounce ang mangyayari ngayong na tigil ang activity

"Sir, wala pa po si Sef, please makinig naman po kayo sakin" napalingon ako don sa part ng mga staff na nag aayos ng mga gamit

Nakita ko Don si Jel if I'm not mistaken kaibigan sya ni Sef

"Please sir" pag mama kaawa ni Jel don sa isang staff

"Miss baka naman nasa loob na, wala ng naiwan sa loob. Chineck na ng mga staff namin yun" paliwanag nung staff kaya Di na ako naka tiis na lapitan sila

"What's going on?" napalingon sakin si Jel nang mag salita ako

"Ahhmmm sir Ace, Di ko pa po kasi nakikita si Jel. Eh isa po sya sa pumasok Don sa gubat, kaya medyo nag-aalala na po ako" paliwanag ni Jel at makikita mong nag-aalala sya sa kaibigan

"Did you already check her inside? Baka nasa loob na?" tanong ko baka naman kasi nasa loob na kasi pina check na nga namin ang loob ng gubat to make sure na wala ng naiwan, we all need to do is I check sila ngayon kaya nandito kaming lahat sa hall

"Yess sir, pero wala po talaga sya sa loob. Sir ang lakas na po ng ulan, baka kung napano na po ang kaibigan ko"

Lumabas na ako ng Hall, inuli kong ang paningin ko

Medyo madilim na ang kalangitan kahit 11am palang gawa ng malakas na ulan at sinasabayan pa nito ng kulog at kidlat

Napatalon ako nung kumulog ng malakas pero hindi ko ito ipinahalata sumunod kasi sakin ang ilang staff

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now