Chapter 37

1.5K 92 40
                                    

"Yes, okay po Sir. Thank you"

Pagbaba ko ng tawag agad kong binihisan si Baby, may shoot kami ng isang commercial and si Baby Shyla ang kinuha nilang model. Mag five months na si Baby kaya ang bilis na nyang patawanin at ang ganda ng bihisan

Almost two months na ang lumilipas matapos mangyari yung sa Baguio. And kabi kabila ang offer sakin personally and kay baby. Pero mas binibigyan ko ng focus ang pag cocommercial ni baby kesa sa pangarap ko mag perform

Because nanay ako, nanay na ako at may responsibilities ako na dapat magampanan.

Dali dali akong nag ayos ng sarili, konting suklay at pulbo lang di naman ako ang kukunan si Baby naman hindi ako kaya okay lang na di mag ayos, late na rin kami. Ibinigay ko si baby kay Manang, kasama ko kasi sya ngayon para may katulong ako

Ako na ang nagmaneho, wala pa kaming driver eh tapos nasa trabaho pa si Ace. Pagka rating namin san set agad ko binuhat si Baby at lumapit don sa director na nakaupo sa may gilid

"Good Morning Direk, sorry we're late" sabi ko

"No it's okay, mag paassist ka kay Dianne para malaman mo kung ano ang magiging daloy ng shoot"

"Ah sigeh po" huli kong tugon at lumapit na sa sinasabi nyang Dianne

"Miss, you are Dianne right? Sabi ni Direk saiyo daw kami dumeretso"

"Ay Good Morning po Ma'am Sef, ay opo tara po muna sa dressing room nag hahanda pa naman po sila dito. Ayusan ko po muna kayo" sabi ni Dianne na ikinakunot ng noo ko

"Bakit ako aayusan? Si baby lang ang kasama sa commercial" takang tanong ko habang naglalakad kami sa dressing room, na kasunod naman samin si Manang na dala yung bag ni Baby

"Hindi po ba kayo ang sasama kay baby? Mother and child po ang kukunan ah para ipromote yung brand" takang explain ni ate

Nasa harap na kami ng pintuan at pag bukas namin nito nasagot na agad ang tanong ko sa isipan

"Wahhh Baby Shyla baby ko" salubong ni Jel samin pagka bukas palang ng pinto

Bakas kay Dianne ang gulat, ako rin naman gulat sa mga pangyayari na ito. Kahit gulat kami ay pumasok parin kami sa loob. Nasa loob rin ang mommy ni Jel na busy sa kanyang cellphone. Agad kinuha sakin ni Jel si Baby Shyla, na pangiti naman ako ng mapait ng kunin ni Jel sakin si Baby

Nawala ang tingin ko sa mag-ina ng mag salita ang mommy nina Jel na hanggang ngayon Di ko pa alam kung ano ang itatawag ko

"Bakit kayo late?"

"Ahmm... nahirapan lang po akong asikasuhin si Baby pumasok po kasi sa trabaho si Ace" sagot ko

Bago muli sya mag salita at nag sign sya Kay Dianne na umalis muna saglit

"That's not a reason to be late. Be professional, kanina pa kami nandito for this commercial tapos malalate ka? This is not a small brand gusto ko malaman mo" may iritasyon nyang banggit

"Mommy let it pass, wala pa naman isang oras tayo naghihintay. Can you just greet first your apo" singit ni Jel

Hindi ko alam ang irereact ko sa Mommy ni Jel. Hindi naman nila ako masisi, ang hirap kasing bihisan at ayusan ni Baby kanina, iyak sya ng iyak at wala pa akong katulong kasi may trabahong dapat gawin sina Manang

Nanatili akong naka tayo sa may tabi ng table habang pinaghahalkan nila si Baby. Nang mapansin ako ni Manang na nakatulala lang ay agad nya akong tinapik, "Sef, okay lang yan anak pag pasensyahan mo na. Wala kang kasalanan" ngumiti lang ako sa kanya

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now