Chapter 16

1.5K 99 26
                                    

Sef POV

"Sef, Sefiie, Seffiiieee HOYYYY"

Nagising ako sa sigaw ni Lairene, na kanina pa ata ako ginigising

"Bakit baga?"

"Ate ghorl, anong bakit. Gusto ko pong sabihin saiyo na 6am na. Ang flight natin pa Manila ay 7:30. Ano tutulog ka na lang jan? Maeeray ka nan ni Direct sige ka" she said sabay alis

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito sya sa kwarto ko, wag kayong mag alala ako rin. Pano nakapasok dito yung babae na yon

But anyways kailangan ko na nga maligo at magayos. May flight kami pa Manila may performance kasi kaming 20 na natitira don

Di na rin ako nagtagal sa banyo kasi kailangan ko na talaga mag madali, mayayare ako ni Direct kung malalate na naman ako

Pumwesto na ako sa may table ko at humarap sa salamin. Habang nag aayos na pukaw ng isang picture ang atensyon ko

"Finally kuya mapapanood na ako nina Daddy na mag perform hindi lang sa tv, unti-unti ko na po kuya na aabot ang pangarap ko, ang lahat ng ito ay for you kuya"

3months na since mamatay si kuya at mapagdisisyonan na ko na magpatuloy dito sa Finding Idols dahil na rin sa kahilingan ni Kuya

Naging mahirap ang lumaban at magpatuloy kung alam mo ang dahilan kung bakit ka nandito ay iniwan ka na

Pinigilan ko ang mga luhang nag babadya sa aking mata at malalate na ako sa kitaan

Naging maayos naman ang byahe papuntang Airport at flight pa Manila. Nang nasa hotel na kami naupo muna ako sa may lobby habang iniintay na maayos ang room namin

"Hoy anong itsura yan?" tanong sakin ng isang dimunyu

"Maganda, ano aangal ka?"

"Ha.... Kapal naman po"

"Che, sana Di tayo roommate" asar ko kay Lairene

Nakita ko si Ace sa harap ng hotel may kausap na reporter iba talaga pag sikat ka eh pag kakaguluhan ka talaga. Di na ako galit or Inis sakanya, okay na ako sakanya but still we're not friends

3 months ago. Sinamahan nya ako papuntang Lucena at sya rin ang nasa tabi ko nung kailangan ko ng kadamay

I know masama yung impression ko sakanya nung una kasi masungit naman talaga sya, pero ibang Ace yung nakita ko at nakasama ko sa Lucena

Kaya super thankful ako sakanya, although ng dahil rin sakanya muntik na akong mamatay sa Airport, pauwi na kami ng ang bobong dimunyu ay nalimutan mag disguise, alam na artista kahit pangit sya ay pag kakaguluhan talaga sya

Dahil unang araw namin sa Manila ay nag pahinga muna kami. Tinawagan ko na rin yung mga magulang ko na sobrang excited, hindi dahil mag Peperform ako dahil finally daw makikita nila ulit si Ace... Ang galing! Ako ang anak tapos si Ace ang gusto makita ang galing!

Nandito na kami sa arena kung saan pag darausan yung event ngayon. Live kami on National television, 20 trainees na lang kasi kaming natitira so this is the chance para mas mapansin at iboto pa kami ng mga tao

"Heyyy are you okay?" rinig kong tanong ng isang staff Don sa kapwa nya staff habang papasok ako sa backstage

"Nahihilo lang ako"

"Ate you need rest po muna" sabat ko sa pag-uusap nila mukha kasing masama talaga pakiramdam nya, tumango lang sya

Dumeretso na ako sa backstage at nakita na nakaupo na si Lairene upang ayusan siguro, di ko na sana sya papansinin ng tawagin nya ako gamit ang pangalang pang-asar nya sakin

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now