Sef POV
Di ako makapaniwala na tumayo sa pag kakaupo ko at naglakad papunta sa unahan kung nasaan si Ace at yung 60 na napili, nakikita ko mula sa pag kakaupo ni Jel sa unahan na tuwang tuwa sya para sakin may pag talon pa ang luka
"Congratulations Miss Yu, but I just want you to know na alanganin ang posisyon mo, kailangan mo pang galingan next performance para makakuha pa ng maraming votes. Now grab this opportunity na magpasalamat sa bumoto saiyo" He said then inabot nya sakin yung mic
Lumingon ako kay Jel nginitian nya ako, I smiled back
Lumingon at ngumiti rin ako sa camera bago mag salita. "Hello, ahmm... I don't know what to say cause I didn't expect na mapasama sa 60 trainees na magpapatuloy, but I really prayed na sana matawag ako and thank God I'm here still in front of you slaying heheheh kidding aside (*nag-uunahan na yung mga luha ko nan). I know more of you di ako kilala cause I'm just nobody, di ako sikat, di ako ganon ka talented and of course I'm not that beautiful na mapapansin nyo but I really really want to say thank you for voting me, I'll make sure na susuklian ko ito ng magandang performance, I'll do my best para di naman masayang ang pag boto nyo sakin. Thank you, Godbless you all" I smiled perfectly kahit yung mga luha ko Di ko na mapigilan
I didn't expect this, nag bow ako tulad ng naka sanayan ko sa family ko pag may event kami
Lumingon ako kay Ace and tinanguan lang ako it means pwede na ako maupo sa upuan ko na may nakasulat na 60
Maybe, ngayong araw nasa dulo ako but ill do my best para ma punta sa unahan at maging number one
Nag end na yung show, at nagsimula na ang mga eksena na hindi nakikita ng camera
Sa 109 na trainees 49 agad ang aalis, mga nag-iiyakan sila with their friends nakatingin lang ako sa kanila wala naman akong naging kaibigan eh yung tatlo lang na karoommate ko ang nakakausap ko eh di naman sila aalis, pati ang matinding bilin ko sa sarili ko bago ako sumali dito, wag na wag kong icocommit sarili ko sa ibang tao, o makipag close masyado. Ayoko na dumating yung point na nakadepende ako sakanila kahit kaibigan lang kasi in showbiz walang nagtatagal
Mga nag iiyakan sila actually may dalawang dahilan yon eh first, di nila kayang iwan yung friend nila and syempre disappointed sila ang hirap ng feeling na umalis syempre dito kung saan ka umasa na matutupad ang pangarap mo
And second, same rin naman ang kaso nga lang sila yung mga tao na umiiyak dahil di nila matanggap na sila ay di nakapasok at tulad ko na di sikat ang nakapasok
Ewan ko ba kanina pa sila nag-iiyakan at the same time nang iirap sila sakin na parang kasalanan ko kung bakit di sila nakapasok ano? Ahahah nakakainis lang pare parehas namin gusto na makapasok, kaso may different season ang lahat bakit sila nagagalit sakin
Paalis na sana ako para bumalik IH nang sumigaw yung isang trainee na isa 49 na aalis, "Tssskkk....ewan ko kung ano ang ginawa nang isa jan kung bakit nakapasok" lumingon ako at nakita ko sakin sila mga nakatingin, alam ko naman na ako ang pinaparinggan nila, imbes na mainis nginitian ko lang sila para lalo silang magalit sakin haha bahala sila sa buhay nila
Ka boses nya rin pala yung babaeng maarte na nasa CR yung kaibigan nung anak ata ni Mayor na naninira sakin, kaya pala ang laki ng galit sakin
Umalis na akong deretso papunta sa room namin medyo nasama na naman kasi pakiramdam ko
Nang makarating ako sa room namin, naligo na ako at nagtanggal ng make-up para matulog na, wala pa sina Jel dito mga nag iiyakan pa sila sa baba ehh at baka kumain muna pati sila at may pa party para sa mga aalis
Mamaya na siguro ako kakain, at ayaw ko rin talaga sumama don sa party lalo na isa sa aalis yung may galit sakin ahaha
3am na nung magising ako at okay na ang pakiramdam ko pero mainit parin ako. Tumayo ako para mag Cr at uminom ng gamot. Pag labas ko ng Cr nagulat ako ng may pag kain sa table ko at may naka note "Sef, Di ka kumain kanina kaya dinalhan kita, kumain ka pag nagising ka ha. Eat well"
YOU ARE READING
A Fan Girl Became An Idol
Teen FictionThis story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one event may lead to her to be an Idol