Chapter 22

1.6K 97 7
                                    

"Hoy, Esther anak anong problema mo?" tanong sakin ni Daddy habang nasa laot kami. Di kami mangingisda, kami ay liliban sa kabilang isla para mag Scuba diving

"Okay lang po ako Dy" sagot ko at sabay ngiti. Pano naman kasi Di ako magiging komportable eh nandito kasama namin si Ace

Inimbita kasi siya ng magulang ko kagabi na akala ko mga tulog na, mga tumayo pala mula sa pagkakahiga ng marinig daw nila na nandito sa same na beach si Ace. Ayon hinanap nila at ang laki ng ngiti ng magulang ko ng makita kaming nag peperform dalawa

"Di ko tinatanong kung okay ka lang tinatanong ko kung anong problema mo?" na panganga ako sa sinabi ng tatay ko, grabe tatay ko ba ito. Tawang tawa pa sya sa reaction ko

"Problema ko po kayo, Dy naman kasi bakit inimbita mo pa kasi yan" mahinang reklamo ko nasa tapat lang kasi namin si Ace

"Para may kasama ka sa pag scuba diving, alam mo naman na picture lang ang dayo namin ni Mommy mo don. Ayaw ka namin mag-isa" mangangatwiran pa sana ako na may mga guide naman akong kasama don pero di ko na nasabi nang pababain na kami ng makarating na kami sa isla

Unang bumaba si Ace, tssskkkk. Sunod na bumaba si Daddy para alalayan si Mommy sa pagbaba, inaasahan ko na tutulungan rin ako ng tatay ko pero laking gulat ko ng mag lakad na sila ni Mommy paalis. Wahhhhh galing ng magulang ko

Humawak ako sa may kahoy ng bangka para maging suporta ko, nakaalalay naman yung mga tour guide sakin pero distracted sila kasi may nagrereklamong tourista sa kabilang bangka ehh mga chismoso sila kaya wala sakin paningin nila, ang galing!

Dahan dahan akong bumaba, nasa last step na ako pero may naapakan ata akong something na madulas kaya na out of balance ako, at dahil alam kong walang sasalo sakin ni ready ko na sarili kong mabasa, tubig na ng dagat babagsakan ko eh.

Pero nagulat ako ng may humigit sa kamay ko para hindi tuluyan na matumba. Si Ace, pero sana di na nya ginawa. Pano pag higit nya sakin naumpog ako sa may kahoy ng bangka. Nang nakarecover ako sa pagkakauntog ko, medyo naliyo ako don ah. Nakita ko ang magaling na lalaki tawang tawa

"Aysssttt... Salamat ha, salamat sa bukol" sinamaan ko sya ng tingin at nag lakad na, iniwan ko sya na halos mamatay na sa kakatawa

"Hoyyy wait... Ikaw pa galit, ni save nga kita sa pagkakadaplag hahahahah. I love your reaction" inirapan ko lang sya at nag lakad na papunta sa magulang ko

"My let's go" akit ko kina Mommy

"Wait nak. Let's take a picture muna" nag picture picture muna kami background namin ang dagat. Nung una selfie style lang yon ayaw kasi namin mang abala pa ng tao don pero laking gulat ko ng mangalok si Ace na picturan nya daw kami pumayag naman ako. Aba pabor yon samin

"Thanks" sabi ko kay Ace at kuha agad ng Camera ko na pinang picture samin

"Ohhh mag picture din kayong dalawa. Akina ako ang kukuha" sabi ni Daddy na parang excited pa

"Ay okay lang po wag na" magalang na tanggi ni Ace

"Dy wag na. Let's go ang init na po ohh"

"Aysst. Mabilis lang naman ito dali na pwesto na kayo don.... Esther Faith dali na" sabay agaw ng camera sakin, nahihiya at dahan dahan kaming sumunod kay Daddy. Pumuwesto na kami sa harap ng camera. May gap na halos kasing laki ng isang tao sa aming dalawa at ngumiti sa camera, "Ayyy boring ng dalawang ito. Maglapit lapit naman kayo"

Agad na lang namin sinunod si Daddy para matapos na. Nag piece sign lang ako at sya simpleng smile lang. Buti walang pang gasinong tao dito sa isla at halos foreigner pa ang nandito kung hindi tiyak akong maiisue kami parehas pa naman kaming nasa showbiz

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now