Chapter 23

1.4K 86 16
                                    

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko kay Ace, nasa tabing dagat kami ngayon. Malalim na rin ang gabi kaya kampante kaming tumambay sa labas


"I have a business here. Yung restaurant na kinakantahan ko ay akin yon. Pag free ako at walang work nandito ako" kwento nya at naupo sa may buhanginan ganon rin ang ginawa ko


"Ahhh so taga dito ka talaga sa pagbilao?" sunod kong tanong. Bakit ba curious ako eh


"No" maikli nyang sagot


"Ehh? Bakit dito ka nag tayo ng business?" nginitian nya ako


"Wala lang special kasi ito place na ito para sakin eh specially ito beach na ito" tumango na lang ako, di na ako nagtanong pa baka upakan na ako eh. "So how's your foot?"


"Ah okay na naman" ngiti kong sagot. Di na kasi namin tinuloy pa yung ibang activity kasi namitig na talaga ng matindi binti ko pero wala naman akong rayuma wag kayong mag alala di pa ako matanda


"Can I ask you a some question?" tanong ko. Curious kasi talaga ako sakanya


"I thought day off ko ngayon bakit parang may talk show pang magaganap haha. But kidding aside sigeh" biro nya na ikinairap ko. Daming sinasabi papayag din naman


"Bakit parang iba ka ngayon. I don't mean to offend you but iba kasi yung pinapakita mo pag nasa set na tayo or work" tanong ko. Nakatingin sya sa may dagat kaya Di ko makita kung ano ang reaction nya sa tanong ko. Pero pansin ko na tumaas ang side ng lips nya

"Kung ano ako sa set yun talaga ako" sagot nya di parin sya nakatingin sakin


"ohh? Eh bakit iba ka ngayon? I mean ang jolly ko ata ngayon hindi katulad pag nasa set ka ang sungit mo" tiningnan nya ako at ngumiti ng mapang asar


"Masungit ba ako? Ang alam ko di lang ano na ngiti at namamansin pag nasa set" napirap na naman ako sa at tumingin na lang sa dagat. Pinapa init ng lalaki na ito ang ulo ko


Nagbuntong hininga muna ako bago lingonin ulit sya, "Ikaw ba ga ay abno o bobo ka lang talaga? Alam mo bang ang salitang masungit at anong ibig sabihin nito? "


Di ko alam kung anong meron sa lalaki na ito, baliw na po ata sya. Binalik nya ang tingin nya sa dagat habang pinipigilan ang kanyang tawa


"I'm sorry" huminga sya ng malalim para ata hindi matuloy ang tawa nya, sinamaan ko kasi sya ng tingin, "Well, di ko kasi pinapakita other personality sa mga taong Di naman ako komportable and may trust issue ako sa ibang tao eh" sagot nya at sabay lingon nya sakin


"So komportable ka sakin? Ang kulit mo eh. Yan ba ang other side mo?" tanong ko ng may nakakalokong ngiti. Try ko lang syang asarin para patas kami dito


Pero tumango lang sya at tumayo na, ayyy di bumenta ang asar ko sakanya. Better luck next time. Tumayo na rin ako para pumasok na sa bahay na tinutuluyan namin


"Heyyy" napatigil ako ng tawagin ako ni Ace, tinaasan ko sya ng kilay at nagtatanong na expression ang pinakita ko sa kanya. "Thanks for today" sabi nya sabay lakad na paalis, bastos talaga di pa ako muna pinagsalita


Isang lingo kami nag stay sa pagbilao. Nag Island hoping lang ulit at ilang activities tulad ng banana boat and many more na light lang para makasama ko yung dalawang matanda char, yung mga magulang ko. And thanks to Ace sya kasi yung na kasama namin for the whole week and sya na ang nag tour talaga samin o diba naka libre na kami haha


Nakakapanibago lang talaga ang ugali nya ang jolly nya kasi at ang bait nya ibang iba pag nasa tapping kami noong trainee pa ako at pag nakakasama ko sya sa ibang shoot for commercial. Sana lang wag syang mag bago ng pakikitungo sakin pag nasa Manila na kami parehas. Baka kasi pakitang tao lang sya gawa ng parents ko


A Fan Girl Became An IdolTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang