Chapter 27

1.3K 96 8
                                    

"Oy babae manaba ka nan"

Inirapan ko lang si Lairene ng sitahin nya ako sa pagkain ng chocolate. Tumabi sya sakin at nakikagat sa chocolate na hawak ko, pa style lang manghihingi lang naman pala. Nasa sala kami ngayom at kaming dalawa lang ang nandito sa bahay, sabado ngayon at rest day namin kaya yung iba ay umuwi sa kanila o kaya naman naggala

Two weeks na since kainin ko chocolate ni Ace at dahil nga sa text nya kinabukasan non at nagpabili ako ng chocolate pero hanggang ngayon di parin nya kinukuha, kaya kinakain ko na lang ngayon. Baka kasi limot nya na, at bahala pati sya

"May lakad ka?" tanong ko kay Lairene habang nakatingin sa pinapanood kong cartoons

"Meron kaso maiiwan ka dito mag-isa kaya pinag-iisipan ko pa" sagot ni Lairene at kumagat sa hawak kong chocolate

"Gaga, pumunta ka na okay lang ako dito pati may lakad rin ako" pagdadahilan ko. Aayaw nya kasi naiiwan ako dito sa bahay mag-isa kaya kahit walang lakad ay nag kakaron ako bigla para makaalis sya at makapag enjoy

"Sure ka? Saan ka pupunta? Kung wala naman talaga ay sumama ka na lang sakin, If you want" umiling lang ako. Ayaw kong abalahin sya sa lakad nya

Di pa natatapos ang pinapanood namin ay umakyat na sya para maligo at mag bihis para sa kanyang pag-alis. Nang matapos sya at ready ng umalis ay anh dami nyang bilin bago tuluyang umalis. Para syang nanay ko dito sa IH eh

Habang nanonood ako ng TV ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. At nang magising ako ay magtatanghali na, at dahil tinatamad akong mag luto ay pumunta ako sa resto dito ng subdivision. Nag shorts lang ako at loose shirt. Wala naman sigurong media don ano, oh kaya fan na magpapapicture

Nang makarating ako ay agad akong umorder, habang naghihintay ay inilabas ko Cellphone ko at pinunta sa app na wattpad, hinai para magbasa kundi mag sulat. Pamatay oras ko lang ito at nag update lang ako pag break time namin. Itinigil ko lang ang pagsusulat ng dumating ang order ko

Patapos na akong kumain ng may maramdaman akong tao sa gilid ko, waiter ata para sa bill ko. Inilagad ko ang kamay ko without looking, abala kasi mata ko sa cellphone ko at nag babasa ng comments sa picture naming pito, may maganda at di mawawala ang pambabash

Nang marealize ko na walang nag aabot ng Bill ko sa kamay ko at nang maramdaman ko ang ngawit sa pag iintay ay lumingon na ako sa taong nasa gilid ko. Nang makita ko mukha ni Ace agad ko inialis ang paningin ko sakanya at nag focus ulit sa cellphone ko

"Asan na chocolate ko?" tanong sakin ni Ace pero di ko parin sya pinansin and still nasa cellphone parin ang atensyon ko, "Hoy,,, gusto mo bang itali ko sa mukha mo yang cellphone mo?"

Labag sa loob kong nilingon si Ace, "Alam mo kung chocolate lang gusto mamaya ibibili kita ng Factory basta wag mo lang akong abalahin ha, please lang" mataray kong sagot at inirapan sya

Pinatay ko na Cellphone ko at tinapos ang pag kain. Tinawag ko ang waiter without even looking Ace. Nang makapagbayad ako ay agad akong umalis ng resto nya. Nasa labas na ako ng may umimik sa likod ko, "Tskkk... Grabe matapos kainin ang chocolate ko hindi ako papansinin" nilingon ko sya at inirapan ko lang sya

Ewan wala kasi ako sa mood makipag asaran ngayon. Pa balik ako sa bahay namin ng may sasakyan na tumigil sa gilid ko kaya napatigil din ako sa paglakad baka kasi magtatanong ng way. Nag ibaba yung window ng sasakyan ay agad akong nag lakad ng mabilis

Bwisit na Ace bakit ba ako sinusundan nito. "Hoy Miss baka nakakalimutan mo nakipagkita ka sa fan mo sa parking lot" sigaw ni Ace na ikinatigil ko

"Ano bang gusto mo?" iritado kong tanong, pinag cross ko pa ang arm ko at itinaas ang kilay ko para makita nya kung gano ako ka bwisit sa kanya

"Sakay" sagot nya, at walang ano ano ay sumakay na rin ako. Tiwala naman ako na Di nya ako rarape-in or what, gusto ko lang matapos na agad ang gusto nitong mangyari

A Fan Girl Became An IdolUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum