Chapter 19

1.6K 98 14
                                    

"Hoy girl sikat ka na naman, how to be you po hahaha" inirapan ko lang si Lairene bilang sagot, baliw talaga itong babae na ito

Nag papack kami ngayon ng relief goods para sa mga nasunugan sa may Tondo, and we will go there to have a small gift giving event since mag papasko na rin

Habang nag papack marami ang nagcocongratulate sakin, nag viral na naman kasi yung video ko habang na tula ako kagabi sa event and maging yung tula ko eh sumikat at naging way sya para mag testify yung mga nakaranas ng ganong pangyayari sa buhay

Ngiti lang ang tanging sagot ko sakanila. Nang natapos kami sa pagpapack ay bumyahe na kami papunta sa tondo. 3days na lang malalaman na namin kung sino ang 7 na masuwerte na mananalo. At 3days parin kaming magiging busy, ibat ibang event kasi ang pupuntahan namin para mas makilala kami ng mga tao


Nung nasa Tondo na kami nagulat ako na makita ko ang Mentors namin na sina M. Ella, M. Sophia and M. Jony, lumapit kami sa kanila para bumati. Nandito kami sa isang court na pagdarausan at kami palang ang tao, lahat ng tao na makakatanggap ay nasa labas pa at nagiintay na mag simula


Pinaupo muna kaming lahat habang nag iintay ng announcement na magsisimula ang program. Kita ko sina M. Jony at M. Ella na busy sa kanilang cellphone, ganon rin naman si M. Sophia pero di tulad nung dalawa sya ay may katawagan sa cellphone at mababasa mo sa reaction nya na inis sya at parang nag rereklamo sya sa kausap nya, but anyways wala na akong pakialam don


Hindi na rin naman nag tagal ay nagsimula na ang program dumating din si Ace nung kalagitnaan na ng program


"Oy sis, ngumiti ka naman jan, kita ka sa camera" bulong sakin ni Lairene na katabi ko ngayon habang namimigay ng pag kain sa mga bata


Hindi kasi ako ng ngumingiti simula kanina pa, hindi dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko pero ang sama talaga ng pakiramdam ko, Hindi ko rin alam kung bakit siguro dahil sa mainit na panahon

"Ang sama kasi ng pakiramdam ko"

"Ay maupo ka na lang muna Don sa tabi mamaya mahimatay ka pa, ipagsasabi na lang kita kay Direk", tumango ako kay Lairene at naupo sa may isang tabi kung saan wala masyadong tao


Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig para mawala kahit konti yung init at sama ng pakiramdam ko, pumunta ako sa may pwesto ng mga mentors, nandon kasi ang mga tubig eh

"Hey, Sef right? Are you okay, namumutla ka ata" tanong sakin ni M. Jony nang mapansin nya ako na kumuha ng tubig

"Ah opo okay lang po ako" ngiting sagot ko, kinilig naman ako ng kauntian Don haha pogi nya ang bait nya pa. Umalis din ako agad kaya busy kasi sila sa pag entertain ng tao at ng media

Uminom ako ng tubig nang may lumapit saking batang babae, "Ayeee, pabukat plleeeaaatttt" agad naman na nagpangiti sakin, ang cute nya kasi kahit pautal utal sya ay nagawa nya parin magsabi ng please

"Sure, akina... Ilang taon ka na?" ngiti kong kinuha yung Zesto nyang pinapabuksan sakin

"Three po" wahhh cute nya talaga

"Wahhh Big girl ka na pala, asan mommy mo?" nalimutan ko yung sama ng pakiramdam ko ng makita ko sya

Pinaupo ko muna sya sa isang bangkuan na nasa harap ko, "Wala na po tila, nata bahay po tila nung matunog ang bahay namin" napatigil ako at nawala yung ngiti ko nang malaman ko na namatay ang magulang nya sa sunog na nangyari dito

"Bebang anong ginagawa mo dyan, ay sorry po sa abala ha makulit po kasi talaga ang bata na ito" paumanhin sakin nanh isang babae na nasa mid aged na siguro

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now