Chapter 4

2.1K 105 3
                                    

"Universe Idol Company" basa ko don sa pangalan nung building na sinabi nung lalaki na tumawag sakin kagabi.

Sabi nya pumunta ako dito ng 8am pero dakilang mabagal ako kumilos at Filipino time kahit di purong Filipino late ako, 8:45am na di ko alam kung may aabutan ako. Bahala na di ko naman sila gets eh

"Good Morning Miss what floor po yung para sa Finding Idol?" tanong ko don babae na nasa front desk nitong building

"Ay Good Morning Ma'am, it is on the seventh floor po" sagot sakin ni ate girl at turo sakin kung saan ang elevator

Ang lawak ng building naito at hanggang 10th floor sya kaya kung tatalon ka from rooftop ay ateh sureness deadbol ka

Nang marating ko ang 7th floor nakita ko ang mga babae na nakapila parang may namimigay na ayuda hahaha kidding aside lumapit ako don sa girl na nasa dulo nung pila

"Miss dito ba yung sa Finding Idols" mahinhin Kong tanong nahihiya kasi ako kay ate girl parang mataray

"Ayy hindi pila ito para sa mabibigyan ng ayuda" ay may pagirap pa si ate girl

"ahh sige thank you" paalis na sana ako aba namimigay daw ng ayuda eh

"Hoy bobo, joke lang Di naman ito mabiro" higit nya sakin

Aba ako pa ang Bobo ha?

"Mukha ba kami hihingi ng ayuda dito eh mga naka porma kami? " turo nya Don sa mga babae na halatang inip na sa kakaintay

Pero sabagay oo nga ano, ang Bobo ko nga

"Ay sorry naman Miss, so dito nga? Yung sa Finding Idol?" pagkaklaro ko malay ba natin kung para saan itong pila na ito

Inirapan na lang ako ni ate girl at higit sakin paupo sa tabi nya

Nilibot ko yung mata ko.

Mukha nga na Di ito para sa ayuda ang gaganda ng suot nila at parang may pupuntahan silang concert sa mga suot nila

Na patingin naman ako sa suot ko

Naka crop top na blue akong long sleeve na may hoodie at naka sulat na sexy sa gitna at sa ilalim nito sports bra na Black, tapos bottom naman naka skinny jeans lang ako na Black at sneakers at naka high ponytail lang ako

Nahiya naman ako, wala kasing sinabi sakin na pabonggahan ng suot pala dito basta sabi sakin suotin ko kung saan ako komportable pag magsasayaw

Eh yung mga kasama ko bongga, tulad na lang nito na katabi ko naka crop top na jacket sya na color gold at shining shimmering pa at katerno nito yung pants nya sa ilalim ng jacket nya naka Nike na sports bra sya

I'm feeling so alone dito gurl lahat sila nag kikintaban

Paalis na sana ako ng may tumawag sakin

"Miss Sofia Esther Faith Yu?" hinanap ko yung tumawag sakin

Babae na naka headphone na may mic pala yung nag salita, at parang staff sya dito may logo yung shirt nya eh

"Yess po? " lingon ko sakanya

"You can go inside, you're next" sabay turo nya sa pintuan na blue oh matching kami

Bago ako pumasok kumatok muna ako, at sumilip ako ng konti

Nakita ko si kuya taray Don sa event nakaupo sya don mahabang mesa katabi nito ang dalawang babae at isang lalaki

Kinabahan naman ako parang sasabak ako ng audition nito ah

"Come in" rinig Kong wika nung babae na medyo may edad na siguro na sa mids 30 na sya pero ang ganda nya parin

"Ah good morning po" sabay bow sakanila

A Fan Girl Became An IdolOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz