Chapter 10

1.7K 94 8
                                    

Sef POV

"Seffffffff..... Huhuhu buti okay ka na girl. Pinag-alala mo ako" salubong sakin ni Jel nung pumasok ako sa room ko

Pinayagan ako ni Ate Rose isa sa nurse don sa clinic. Though Di pa masyado magaling ang ankle ko at may sinat pa ako dahil sa incidents kahapon, pinayagan na nila ako dahil nagmamakaawa ako kasi today is a big day

Ngayon na kasi yung unang stage na may matatanggal, may uuwi na at di na magkakaron ng chance to be a winner and become an idol

"Sorry and thank you Jel. I appreciate your concern" I said while doing my things, kailangan namin mag ayos for this event

"No worries, okay ka na ba talaga? May sinat ka pa girl" sabi sakin ni Jel habang pilit na hinahawakan ang noo ko

"Okay na ako, sinat na lang naman yan. Ayaw ko naman na manatili sa clinic eh alam mo naman na tanggalan na ngayon baka isa ako sa matanggal eh, nakakakaba" sagot ko sakanya at dumeretso na sa cr baka maya maya magtawag na yung staff para lumabas na

Sinundan ako ni Jel pero di ko sya pinansin busy kasi ako sa pag lalagay ng make up sa mukha ko. Mas malaki kasi ang salamin dito sa cr kaysa Don sa table ko, at para iwasan na rin yung mga tanong ni Jel pero sumunod rin naman ang babae

"Hayst... Mamamatay na ata ako sa kaba girl, One thing for sure iiyak ako mamaya to think na may aalis at baka ako pa ang maalis huhuhu,,,,, girl I need ambulance,,,, mah heart" haha Di ko alam kung matatawa ako o maaawa dito kay Jel eh ang OA mag inarte

Iniwan ko sya Don sa CR at pumunta sa table ko para I curl yung dulo ng buhok ko. Color light brown buhok ko, trip kong mag curl ngayon. Live kasi kami sa TV ngayon

Tuwing mag tatanggalan naka Live kami, mag kakaron kasi ng online voting and meron ring text vote

Kaya kinakabahan rin talaga ako, parang kailangan ko rin ng ambulance ah ahahaha char

Di kasi ako kilalang tao Di ko nga alam kung napapansin nila ako dito sa show na ito

Twice palang kami nag perform on cam and sa bawat performance namin may points kaming makukuha don, unang performance namin eh di maganda performance ko Don kaya nasa level C ako

Yung second namin na labas sa TV group performance sya, sobra akong hiyang hiya noong time na yun kasi na dulas ako, nangyari kasi yun ay the day after ng activity na nabalian ako sa ankle, medyo masakit pa sya and madulas ang stage, kaya I don't know kung saan ako hahanap at kakapit ng suporta. Si Lidy lang naman kaibigan ko sa labas. Ka plastican ko na halos yung iba kaya di ko na talaga alam

Kaya kagabi todo ang pag darasal ko para di matanggal, kailangan kong manalo para sa kuya ko

Nung matapos akong mag ayos sakto naman na tinawag kami. Bago ako lumabas uminom muna ako ng gamot para sure, baka mahilo ako eh nakakahiya yun, strike two na ako non pag nagkataon live pa kami

Suot namin ngayon yung uniform namin. Blouse na long sleeve na puti na may gray na coat tapos may necktie rin na gray, at mini skirt na gray din. Naka snickers lang ako, makikita rin yung anklet na bigay ni kuya ko sakin

Isa isa na kaming nag pa kilala. Full of energy ako nagpakilala para makuha ko ang pansin at attention ng manonood, malay natin ivote nila ako kung masaya akong ipapakilala ang sarili

"Sis no matter what happen, walang kalimutan ha. If matanggal ako at maging idol at sikat ka na don't snob me ha" maarteng bilin sakin Jel haha teary eyed pa sya

Tinawanan ko na lang sya, actually sure naman ako na makakapasok sya sa 60 na pipiliin

Sikat kasi sya at kilala sa mundo ng showbiz at super talented pa kaya sure na mapapasama sya

A Fan Girl Became An IdolWhere stories live. Discover now