Chapter 20

1.5K 102 7
                                    

"Good Evening Viewers, are you excited for today? Are you feeling nervous for your own Idols? This evening we will finally know who are the lucky seven among the remaining trainees will be an Idol and be a part of a group na tiyak na hahangaan at aabangan nating lahat. So tonight I will be your host so please wag kayong aalis sa harap ng TV nyo at be excited for more announcements and pasabog and keep on voting. Before that let's give around of applause the performance of our three mentors" Tssskkk...bigay todo naman itong lalaki na ito

Oo, this is the daaaaayyyyy... Final na, announcement na kung sino ang mananalo saming twelve. At ako ay kinakabahan na hindi ko maipaliwanag, pero hindi ito yung kaba nung ibinalita ni direk yung about kay kuya. Normal lang naman yung kaba ko pero di ko maipaliwanag kasi at the same time excited ako and masaya sa magiging result na alam kong deserved naming lahat

"Sef, can you fix my hair natanggal kasi yung hairpin ko eh pleaasssee..." ginawa pa akong hairstylist nitong babae na ito

"Lairene ang arte mo di naman magulo"

"Ehhh,,, kabit mo na lang itong clip ko para pansin agad ako sa TV" sabay abot sakin nung clip nyang bulaklak na sobrang tingkad ng kulay, pansin nga agad sya nito mukha ng syang Garden. Pano yung dress na suot nya floral kitang kita talaga sya.

By the way suot ko nga pala ay blue na dress na below the knee fit sya sa may bewang ko pero bagsak na sya pababa, ang ganda nga nung design sa likod butterfly kaya nag messy bun ako para kita talaga sya. Naka silver na heels ako 2inches lang sya para di ako madapa at suot ko yung anklet na bigay ni kuya

Wala na yung pasa ko. Two days na ang nakakalipas kaya nag hilom na sya, nilalagyan ko rin kasi ng treatment na pinapahid

Ang daming nangyari sa two days naming yun. Muntikan pa akong ma kick sa event gawa ni Sophia. Nung isang araw kasi may inattendan kaming event para mag perform as a trainee, ready kami for our performance ng makita ko yung damit ko natapunan ng juice eh color white pa naman sya, grabe yung iyak ko non kasi yung iba producer ng event sinisigawan na ako

Hindi naman sa sinisisi ko si Sophia pero sigurado akong sya ang may gawa non kasi nung araw na rin na yon may dala syang juice at pumasok sya sa dressing room namin. Buti na lang talaga nandon ang butihing kong kaibigan na si Lidy pinabili ko sya ng madali sa may SM ng damit, ang hassle talaga pag may galit saiyo kahit wala kang ginagawang masama sakanya

The next day naman sumabak kami sa isang interview nakakailang ngan sumagot pano ikaw ba naman ang tanungin kung ano ang lamang ko sa ibang trainee, syempre ayaw kong mag brag kaya ang sagot ko, wala kasi deserved naman namin lahat na manalo, walang nakakalamang at walang nakakababa

"Sef, how many percent are you sure na mananalo ka?" na patingin ako kay Sydney sa tanong nya. Andito kami ngayon sa back stage, commercial break kasi

"I Don't know, maybe 50 percent? Di ko sure, basta ang alam ko 100 percent akong masaya sa ginagawa ko yun ang mas mahalaga" ngiti kong sagot kay Sydney na ikinatawa nya

"Ano kaya yon, pa humble pa eh alam naman natin na mas sikat ka. Wala ka bang sugat gawa nung kahapon?"

"Wala naman heheh" kahapon kasi pagkatapos ng interview namin nagulat kami lahat ang daming tao na naghihintay samin ang dami ring nagpapa picture syempre ako pumapayag ako pero ang ending na pagalitan ako

Pinagkaguluhan kasi ako muntikan pang magka gulo gawa na may nanulak sakin eh nagalit yung babae na nagpapa picture sakin that time buti na lang na pigilan agad ng mga guard. Pagkarating namin sa condo pinagalitan ako ng manager namin, dapat pag ganon daw wag daw masyadong mag entertain ng tao. Pero thankful parin ako at di ako nagka sugat

"Trainees, get ready" agad kaming tumayo sa aming pagkaka-upo ng sumigaw na yung isang staff

"Ayyyy pangit na kalabaw.... Ahhhhhh Lairene naman" gulat kong sigaw, bigla kasing dumamba sakin na liay tuloy ako naka heels pa naman ako

A Fan Girl Became An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon