26

17.5K 517 52
                                    


"DON'T tell me, let me guess," ani Concordia na umiling matapos paglipat-lipatin ang tingin sa dalawa, humakbang ito palapit sa anak. "Hindi pa man, nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ninyong datawa, am I right?"

Walang parehong kumibo. Si Drew ay itinaas sa bibig ang hawak na goblet at inubos ang laman.

"Wala bang magsasalita?" wika ni Nick, his voice deceptively calm.

"Napalo mo na bang minsan man lang ang anak mo, Tito Nick?" ani Jace na tila siya limang taong gulang. "And talking again of compulsion—" Sinulyapan siya nito sa nakakalokong paraan bago muling ibinalik ang tingin kay Nick "—why, I'm compelled to spank your daughter right at this moment..."

"You swi—!"

"Enough, Drew!" Nick's tone had a cutting edge.

"Ano na ang napag-usapan ninyo tungkol sa inyong kasal?" patuloy ni Concordia.

"Gusto niya ng marangyang kasal!"

"Gusto niyang tumakas na tila magnanakaw sa gabi!"Halos sabay na nagsalita ang dalawa.

"Tumakas?" kunot-noong wika ni Nick sa anak sa hindi makapaniwalang tono. "Gusto mong magtanan kayo?"

"Of course not!" She stomped her foot angrily. "I only said I want a simple wedding. No fuss, no frills, no nothing!"Binalingan ni Nick si Jace na tahimik na sumisimsim ng alak. "While you, Jace, want a splashy wedding?"

"Not at all," pagtutuwid nito. "I also want a simple wedding. But it seems your daughter has a different definition of the phrase 'simple wedding.' Ang gusto niya'y sa Las Vegas kami pakasal... na kaming dalawa lang."

"Las Vegas!" magkapanabay na bulalas nina Nick at Concordia.


"HINDI ko alam kung tama itong gusto mong mangyari," ani Concordia sa naguguluhan at nag-aalalang tinig nang pauwi na silang mag-ina. "I know your time's running out, na hindi ko naman maintindihan kung bakit pinatagal mo pa nang ganito. Pero hindi nangangahulugang kailangan mong isakripisyo ang sarili sa pagpapakasal kay Drew nang dahil sa akin, hijo. We can live elsewhere—"

"Hindi mawawala sa iyo ang Villa del Mare, Mama," mariing sagot nito. "And do you think marrying that spoiled brat is a sacrifice?" lingon niya sa ina, a small smile played his lips.

"She's very spoiled, nakikita ko ngayon iyan. Pinalayaw ni Nick at lumaki sa luho at karangyaan. How could anyone like her make a good wife?" patuloy nito.

"Huwag mong husgahan si Drew sa nakikita mo lang, Mama.""She seems to... to hate you," patuloy ni Concordia, uncertainty in her voice.

"That's a harsh word to describe what she feels for me. But I assure you, she doesn't hate me. Hindi lang umuubra ang kalokohan niya sa akin. Sa bawat pagkakataon, she wants to call the shot. My god, that woman needs taming."

"Challenge doesn't make marriage, Leandro. Kung magpapakasal ka sa isang babae ay dahil gusto mo at mahal mo."

Hindi niya sinagot iyon. Then after a long moment, said with determination, "I will marry her..."

Hindi na kumibo si Concordia. His chest rose slightly in a silent sigh. As in every facet of his life, when a decision was made, he carried it through with ruthless determination.Nang unang imungkahi sa kanya ni Nick na magpakasal sila ni Drew mahigit isang taon na ang nakalipas ay atubili siya. Bagaman hindi pa niya nakita nang personal si Drew, sapat na ang mga bali-balita upang hindi niya pangarapin ang isang tulad nito ang makasama sa habang-buhay.

Ni hindi siya nagbigay ng pagsang-ayon o pagtanggi man dahil na rin sa proviso ni Gerardo del Mare sa testamento nito. Gusto niyang mag-iwan ng maraming options. But Nick took his silence as acquiescence. Then Nick made the announcement of his daughter's engagement to him. Hindi niya gusto ang ginawa nito subalit nagsawalang-kibo siya. Bentahe sa kanya iyon kung ang proviso ni Gerardo del Mare ang pagbabasehan.

Then he met her. Call it twist of fate, na siya mismo ang magligtas dito mula sa mga kamay ni Grant. Unang pagkakita pa lamang niya rito sa corridor ng hotel ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Nanghihinayang na isa itong masamang babae—ang una niyang inakala.She aroused in him his protective instinct. He wanted to kill Grant for hurting her. Kahit siya ay nagulat sa sariling damdamin.

And then she offered him that crazy proposal. He was amused... and irritated at the same time. She was right, he intentionally misled her, gusto niyang ipakita kay Drew na hindi lahat ay kaya nitong paikutin sa palad nito.

At nang malasing ito, and recklessly entrusted herself to him, he was furious. Pinagselosan niya ang mga lalaking pinagkatiwalaan nito sa nakalipas na mga panahon ng buhay nito. And that moment a decision was made, no other man would touch her... again.

And brat or not, tame or wild, she would be his



*********************MY GOD napakabait ko naman char hahahaha. New Year Gift ko na ito sa inyo char hahahaha . Sana maging happy ang New Year n'yo at balitaan n'yo ako next year char hahahaha. Matutulog lang kasi ako sa New Year eh i'm so pagod much na kasi eh char hahahaha. Gumaganda na ang mga ganap kina Drew at Jace , hayss nalulungkot na ako at malapit na si bebe Renz ko :( - Admin A ****************************

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon