27

21.7K 572 66
                                    


"WHERE'S the ring?" the marriage celebrant asked impatiently.Parehong nagkatitigan sina Jace at Drew nang marinig ang hinihingi ng marriage celebrant sa kanila. Hindi nila naisip iyon. Dalawang araw matapos ang mahabang pagtatalong namagitan sa penthouse tungkol sa kanilang kasal ay lumipad sila ni Jace patungong Nevada.Nick had pointed out determinedly that he wanted everyone in his family to be present; that the wedding should be according to tradition; na nag-iisa siyang anak at marapat lamang na isang maayos na kasal ang magaganap.

Hindi na niya inaasahang mangyayari ang gusto niya, the odds were three against one. Out of sheer stubborness, she insisted that she wanted their wedding to be held in Las Vegas, nang sila lang dalawa ni Jace. Subalit sa pagtataka niya ay biglang nag-about-face si Jace. Pumayag ito sa gusto niyang mangyari nang hindi sinabi sa dalawang magulang ang totoo niyang dahilan.

"Drew wants us to be married in a place where we first met," wika nito, isang malamig na ngiti ang namutawi sa mga labi. "She's a sucker for romance, you know."Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito, ganoon man ay lihim na nagpasalamat. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay sapilitang pumayag si Nick. Na sapilitan ding sinang-ayunan ni Concordia.

"Ano ang motibo mo sa biglang pagpayag na sa Vegas tayo pakakasal?" nagdududang tanong niya nang mapag-isa na lang silang muli. "You were against it when I suggested it to you."

He stared at her cooly. "Perhaps you're right, after the wedding, everybody's happy. Our marriage had served its purpose. Then we can plan annulment afterwards..."

"O-okay lang sa iyo?" hindi makapaniwalang taong niya.

"Perhaps I don't want to stay married to you, too."Nasisiraan na marahil siya ng bait dahil hindi niya maintindihan kung bakit may bahagi sa dibdib niya ang biglang gustong magrebelde sa pagsang-ayon nito sa ideyang siya naman sana ang nagbigay at ipinagpilitan.Pride? She had no idea.

"DON'T you have a ring at all?" muling tanong ng nagkakasal na ikinabalik ng atensiyon ni Drew dito.

Tumikhim si Jace at itinaas ang dalawang kamay sa batok. "This would do..." anas nito at tinanggal ang suot na kuwintas. May nakapalawit doong gold band ring.

Nang matanggal ay muling ikinabit ang kuwintas sa leeg at walang sabi-sabing inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot sa palasingsingan niya. It fitted her perfectly. Gusto niyang magprotesta subalit nakita niyang kumunot na ang noo ng nagkakasal sa pagkainip.

"Wear this ring while I'm married to you," utos nito sa pabulong na paraan subalit hindi nakaila kay Drew ang warning sa ilalim ng tinig nito.

"Hmp... actually, there's no need to—"

Payukong muling bumulong si Jace. "Let's make this real as much as possible, okay? Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo sa akin? Magpapakasal tayo pero singsing lang, hindi ko pa kayang bilhin?"

Naniningkit ang mga matang tumingala siya rito dahil sa painsultong tono nito. Subalit wala na sa kanya ang pansin nito at nasa nagkakasal na.

Natapos ang rituals, in what must have been more or less five minutes.

"You may now kiss the bride," wika ng marriage celebrant.

"That's not necessary," mabilis niyang sabi. "Let's have that documents now and be done with it."

She attached her signature on the marriage contract at pagkatapos ay ibinigay iyon kay Jace. Ni hindi niya ito hinintay na matapos pumirma at mabilis na lumakad patungo sa exit.

Subalit bago niya mabuksan ang pinto ay naabutan siya nito. "Hey... hey... hey!" Inabot nito ang braso niya at hinila siya pabalik. Napaharap siya rito.

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon