7

19.1K 516 37
                                    

"WHY WOULD you want a man who only loves you for your money, Drew? Don't you have any self-respect and dignity at all?"


Damn your money, Daddy! Why can't a man love me for what I am and not because I am your daughter? she thought miserably.


A bitter sob came out of her throat.


"Are you unwell, Miss Navarro?"


Marahang napasinghap si Drew. For a while, she held her breath. Kinakabahan siyang magmulat ng mga mata. Because she was certain who the voice belonged to.


"Gusto mo raw akong makausap."


Muli'y nagulat siya. He was a Filipino. Subalit hindi nito naitago ang Texan drawl sa tinig. And she thought it sounded sexy.


She opened her eyes slowly and met those compelling jet-black eyes. Nakatayo ito sa munting pasilyo sa pagitan ng dalawang hilerang upuan ng eroplano at nakatunghay sa kanya. He was big and tall na tila ang loob ng eroplano ay biglang naging masikip.


At para sa isang malaking taong katulad nito, nakapagtatakang hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. She would always know kung lumalapit si Hopkins o kahit ang pilotong si Carillo.


She swallowed. "Kaninang umaga... sa hotel, alam mo ba kung sino ako?"


"No, ma'am," sagot nito. Ang pagkakasabi ng "ma'am" ay sa paraang tila siya iniinsulto. "I had no idea."


"Bakit ka nasa hotel kanina? Although, I'm glad you were there."


Muli'y umangat ang kilay ng kaharap. At kung sinagot siya nito ng "wala kang pakialam doon" ay hindi, siya magtataka.


"I visited a friend."


The even and darkly textured voice was toneless. At pinigil niya ang sariling itanong kung ang "friend" na sinasabi nito ay babae. But of course it must be a woman. At marahil ay doon ito nagpalipas ng gabi.


"Fly this jet back to—what's your name?"


The corner of his mouth twisted upward in a mocking smile. "Jace. Jace del Mare, Miss Navarro.""Del Mare?" pag-ulit niya kasabay ng pagkunot ng noo. The name sounded familiar. "At pamangkin ka ni Carillo?"


"Not by blood. We've known each other for a long period of time. Magkamag-anak na ang turingan namin sa isa't isa."


Tumango si Drew. Iniwas ang mga mata sa pagkakatitig nito. Itinuon iyon sa maliit na bintana ng jet. She was about to say something nang mula sa cockpit ay lumabas si Hopkins at humakbang palapit.


"Jace, telephone." Tinapunan nito ng alanganing sulyap si Drew at halos ayaw salubungin ang tingin ng dalaga.


"Is it my father, Hopkins?"


"No, ma'am. It's Mrs. Blanco, your father's secretary."

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon