30

21.3K 520 64
                                    

HINDI niya gustong gumising, may pakiramdam siyang noon lamang siya pumikit. Bukod pa roon, may isang magandang panaginip siyang gustong hulihing muli. And if she woke up, tuluyan iyong mawawala. It wasn't every night that she dreamt of something wild and erotic.Subalit hindi humihinto ang ingay na naririnig niya. Kinapa niya ang bahaging pinanggagalingan ng ingay. Her hand connected with something smooth and cool. She fumbled with it, her fingers curling around a handle and pulling. It was the phone. Sapilitan niyang sinagot iyon sa nakapikit pang mga mata.

"Hello." Her voice sounded thick and fuzzy, tulad ng pakiramdam niya. Narinig niyang tumikhim ang nasa kabilang linya bago nagsalita iyon.

"M-Mrs. del Mare, good morning... Ma'am, si Hopkins ho ito..."Si Hopkins ang nasa linya, ang copilot ng Lear Jet. She opened her mouth to give him a tongue lashing for waking her up. Nang biglang mahagip ng isip niya ang unang sinabi nito.

Mrs. del Mare.

Mrs. del Mare!Napamulat siya. And cursed silently when the pain in her head intensified. Dumulas sa kamay niya ang telepono patungo sa dibdib niya. Kumunot ang noo niya nang mapunang hubad ang katawan niya mula baywang pataas.

That was odd. Hindi siya natutulog nang hubad!

Sinisikap niyang hilahin ang kumot mula sa baywang niya pataas upang takpan ang sarili subalit tila may umiipit doon. Surely it wasn't her legs, dahil malaya iyong nakagagalaw.Ang atensiyon niya ay muling natuon sa telepono dahil naulinigan niyang muling tumikhim at nag-hello ang nasa kabilang linya. Idinikit niya iyon sa tainga.

"Yes, Hopkins?"

"I–I'm sorry, Ma'am," wika nito sa alanganing tinig. He ought to be sorry. Bakit siya kailangang gisingin nito? "Ang sabi po kasi ni Jace ay aalis tayo makapananghali pabalik ng Pilipinas. Ala-una pasado na ho pero wala pa ho akong natatanggap na instruction."Jace! Tuluyang nagising ang diwa niya.

"I'll call you back, Hopkins!" wika niya at mabilis na ibinaba ang telepono sa cradle nito.

May ilang sandaling tumitig siya sa kisame. Inikot ang paningin niya sa buong silid. It was big and spacious. Ang interior decoration ay ginawa ayon sa isang maganda at mamahaling panlasa. Even the settee was a reproduction of a Queen Anne style. Everything around the spacious room was expensive.

Sinikap niyang bumangon subalit ang sakit ng ulo ay tumindi pang higit. The pain seemed to be centered right behind her eyes, radiating outward from there to make her entire body ache.

Bakit kailangang pati kabuuan ng katawan niya ay sumakit nang dahil lang sa sakit ng ulo? Lalo na sa bahaging—

Isang ungol ang naririnig niya sa kabilang panig ng kama. She froze, feeling her heart nearly stopped beating.

Her head was aching. Her body was tender in... some parts.Wine. Dancing. Laughter.Jace. Wedding. Mrs. del Mare.

Hardly daring to breathe, Drew turned slowly. Humihiling na ang narinig at ang alaalang unti-unting sumisiksik sa isip ay bahagi lamang ng panaginip niya.

Tumambad sa kanya ang isang matipunong likod. The tanned back contrasted with the snowy white sheets. Tanned, muscular, and very bare.

Sa nanlalaking mga mata ay naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ng hubad at nakadapang katawan. She had an uninterrupted view of his tanned shoulders, and the long, naked length of his back before stopping at the sheet that was draped low on a pair of masculine hips.

May pakiramdam si Drew na unti-unti siyang kinakapos ng paghinga. Hindi siya magtataka kung anumang sandali ay mauupos siyang parang kandila.Ang nangyari ay hindi isang panaginip! It had been all too real. Pinahintulutan niya ang sariling malasing. And then she and Jace...

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon