1

29.4K 595 119
                                    


Houston

"I DON'T think this is the time to flirt with another man, Andrea Monica," ani Cameron habang tumatakbo sa treadmill.

Umikot ang mga mata niya sa pagbuo nito sa pangalan niya at sa tonong tila ba ito ang matanda. And she smiled to herself dahil mas bata ang pinsan sa kanya ng dalawang taon at kasalukuyan pang nasa unibersidad.

"And why so?" Tumaas ang mga kilay niya, tested the twenty kilos dumbbell, nang mabigatan ay ibinaba. "Besides, this isn't a flirtation, my dearest cousin. I think I'm really in love!"

Cameron rolled her eyes. "For the nth time! Anyway, paano si Leandro?"Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Kumunot ang noo. Leandro. The name was giving her nightmares. Ni hindi pa niya ito nakakatagpo subalit sa nakalipas na siyam na buwan ay tila aninong laging nakasunod sa kanya ang pangalang iyon.

"What about him?" She almost snapped at her cousin.

"Nakalimutan mo na bang nasa graduation party mo ako nang sabihin ni Uncle Nick sa ilang reporter na engaged ka na kay Leandro?"

"Leandro. Leandro!" she spat the name.

Nang ianunsiyo iyon ng ama ay siyam na buwan na ang nakalilipas. She even thought it then as her father's joke to ward off unwanted suitors. But she was wrong. Her father had never been more serious.

At hindi siya nawalan ng mga manliligaw sa kabila ng anunsiyong iyon. Dahil kahit minsan sa nakalipas na siyam na buwan ay hindi niya nakita kahit na anino ng lalaking inihayag ng ama niyang ipakakasal sa kanya.

"At sinong kaibigan ng pamilya? Paanong hindi ko kilala ang kaibigang ito ni Daddy?" dugtong niya. Ayon sa ama'y anak si Leandro ng kaibigan ng pamilya.

"May mga malalapit na kaibigan ang ating pamilya na hindi natin kilala, Drew, alam mo iyan. Ito iyong mga kaibigang hindi nakikisakay sa katayuan ng ating pamilya sa buhay. Yaong mga taong kung tawagin nina Daddy at Mommy na totoong mga kaibigan at naroroon sa panahon ng krisis."

"My god, Cam, I don't even know if the man exists. For all I know, paraan na naman iyan ni Daddy para huwag akong makipag-boyfriend."

"Though it didn't work, you can't blame your father," wika nito at binilisan ang pag-agapay sa treadmill dahil bumibilis na rin iyon. "The press tagged you as the playgirl heiress. Sa taong ito lang ay tatlong beses kang nagpalit ng boyfriend. And can you imagine Uncle Nick's horror when you went dating with Brad Pitt?"

Malakas na tawa ang pinakawalan niya. "You call it a date? Gosh. He's my friend and I just watched his commercial shoot. That was just it. And goodness, he's married!"Cameron rolled her eyes. "Kaya nga nasindak ang daddy mo, eh." Unti-unti na itong naghahabol ng hininga, the treadmill went faster every three minutes. "Anyway, back to Leandro, I'm really intrigued with this man. We do not know anything about him, do we? Maliban sa salitang nanggagaling sa daddy mo. And for months now, you are engaged to a phantom."

"A very rich phantom, I'm sure," matabang niyang sabi.

Natitiyak niyang hindi siya ipagkakasundo ng ama sa isang hindi masalapi. That way, makatitiyak si Nick na hindi ang mamanahin niya ang pag-iinteresan nito.

"And the man's conceited," patuloy niya sa iritadong tono. "Sa loob ng nakalipas na mga buwan mula nang ianunsiyo ni Daddy ang engagement namin ay ni hindi siya gumawa ng paraan na makita o makausap man lang ako!"

"That surprised me, too," Cameron said breathlessly. "To be engaged to an heiress isn't an ordinary thing. At ano ang malay natin, baka naman tulad mo'y hindi rin niya gustong ipinagkakasundo siya ng mga magulang niya?"

"I only hope so."

"Pero may palagay akong seryoso si Uncle Nick sa pagkakataong ito, my dear cousin. Hindi sasabihin ng daddy mo sa press ang tungkol sa engagement mo kung hindi siya seryoso."

"Oh, I won't be manipulated by my father, Cam," paniniyak niya sa pinsan. "And I'm getting married, all right, pero hindi sa lalaking gusto ni Daddy para sa akin. Ako ang pipili ng lalaking pakakasalan ko."

"Kasalanan mo rin naman kung bakit nagiging drastic si Uncle Nick sa pag-iisip na ipagkasundo ka sa anak ng kaibigan niya. Lahat ng ipinakilala mo sa kanya'y napatunayang iisa lang ang gusto sa iyo, ang mamanahin mo."

"Ikaw ba? Sa palagay mo ba'y makatitiyak kang ang mga nanliligaw sa iyo'y hindi rin kayamanan ng pamilya ang gusto?" Hindi niya intensiyon ang counterattack na iyon. Ni walang halong galit ang tinig niya. She was bitterly stating a fact.

Cameron sighed her understanding. Ini-off ang treadmill, inabot ang nakasabit na tuwalya at umupo sandali upang bawiin ang paghinga.

"We're learning from you, my dearest cousin," she said cocking her head. "When do you think was the last time I attended family gatherings and parties na dinadaluhan ng mga taong nakakakilala sa atin?"

"Oh, well..." Mabilis na gumana ang isip niya subalit wala siyang matandaang social gatherings na present ang pinsan, malibang iyon ay pampamilya at sa mismong Alta tierra ginanap.And Cameron attended her graduation party nine months ago. Pero iilan lang ang mga bisita at kung tutuusin ay hindi naman ito nakihalubilo. Dinaluhan nito ang party niya dahil pinilit niya. At nakiusap pa ito sa kanyang huwag niya itong ipakilala bilang Navarro-Fortalejo na ipinagkibit lamang niya ng mga balikat.

"Ang huling pagkakatanda ko na nakikipagsosyalan ay noong nasa high school ako, Drew," wika nito nang hindi siya makahagilap ng sasabihin. "Wala akong intensiyong ipakilala ang sarili ko bilang anak ni Zandro Fortalejo at Jennifer Navarro. And I'm enjoying it, my dear. And though Dad's really against it, sinusuportahan ako ni Mommy."

"Lucky you. Bakit ba hindi ko naisip iyon?" she said thoughtfully.

"Admit it, you love the social life, the glitters and the intrigues created by the press. Paraan mo iyon ng rebellion mo sa daddy mo. Na kung maaari mo lang gastahin ang lahat ng salapi ni Uncle Nick sa loob ng beinte-kuwatro oras ay ginawa mo na."

"I'm so bored, Cam." Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya at sinang-ayunan ang pinsan. Sumakay sa stationary bicycle at marahang pine-pedal iyon. "And to tell you frankly, I hated those guys na nabayaran ni Daddy!" And hurt, too, gusto niyang idugtong subalit inawat ang sarili.

Cameron laughed. "My poor, dear cousin. Well, at least, sa Leandro na ito ay nakatitiyak kang hindi ang mamanahin mo ang gusto niya."

"Do you really think so?" Naghahamon ang tinig niya."I think so. Hindi ka ipagkakasundo ni Uncle Nick sa isang lalaking hindi katulad mo ang katayuan sa buhay."Hindi siya sumagot. Isinatinig lang ni Cameron ang iniisip niya.


*******************Mukhang marami ata ang naguguluhan sa inyo kung bakit sa notes ay may nakalagay na Tristan at Monte Falco Series. Ang totoo niyan ay Part ang Monte Falco series ng Kristine Series nasa bandang huli parte na sila lalo na sila Tristan At Jose kung tama ako ah, di ko sinasabing tama ako sa lahat pero ayon sa pagkakaalala ko tama yang sinasabi ko. char hahahaha. Basta then si Jace naman ay kapatid nila kaya lang siya nauna sa tatlo ay partner siya ni Monica kaya andito tayo ngayon. Bilang si Monica ay anak ni Nick. So sana hindi kayo naguluhan kasi kung naguluhan kayo ay maguguluhan na rin ako bakit kayo naguguluhan basta wag tayo maguluhan kasi magulo na nga ang mundo at makikigulo pa ba tayo char hahahahah. Basta yun na yun hahahaha. Sa mga nagtatanong naman kung mababasa ba nila ang Kwento ng mga Monte Falco ang sagot ko dyan ay oo at ito na nga ang unang parte sa series nila. Tapos abangan na na lang natin ang mga susunod na kwento tingin ko nasa part 32 at 33 ang kwento nila Tristan at Jose. So sana hindi tayo mag skip ng pagbabasa para di kayo lalong maguluhan. So ayun lang kung naguluhan pa kayo ay guluhin na lang natin lalo char hahahahaha. Magtanong na lang tayo sa mga beshies natin para malinawan tayo. SO ayun lang, malamig na hapon para lumamig ang ating mga ulo. At pahabol lang pala. Binabati ko ang aking sarili kasi ang ganda ganda ko char hahahaha , binabati ko kayong lahat kasi andito na tayo at malapit na tayong matapos sa Kristine Series nasa half na tayo. Sana tuloy-tuloy lang tayo. Thank you sa inyong lahat. Love lots. - Admin A **********************************************************************************************

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon