IF JACE had always been in control of his emotions, ay hindi nang mga sandaling iyon. Nakita ni Drew ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito.He opened his mouth to say something, subalit inunahan niya agad ito at nagpatuloy sa sinasabi.
"Gusto kong malaman ni Daddy na ginamit ko lang si Grant upang hindi niya matukoy kung sino talaga ang lalaking pakakasalan ko. At tumutugma ang pangyayaring narito ka bilang reliever pilot. Maniniwala siya."
Ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito'y nahalinhan ng amusement. His mouth twitched.
"Kung hindi ko mismo narinig sa bibig mo'y hindi ako maniniwala! You live up to your reputation, princess." He amazingly shook his head.
"And what do you mean by that?"
He chuckled. Kauna-unahan mula nang makita niya ito. He had perfect white teeth. Grant's teeth were capped. And she wondered what attracted her to him.
"Huwag mo akong pagtawanan, del Mare! Hindi ako nagbibiro!"
"And you're being ridiculous. Tinatanggihan mong magpakasal sa lalaking hindi mo pa man lang nakikilala, pero heto at inaalok mo akong magpakasal tayo gayong hindi mo naman ako kilala? Kung nakakalimutan mo'y ipaaalala ko sa iyo, princess, we're perfectly strangers. Hindi dahil naipagtanggol kita kay Grant, you already thought I could be your hero."
"Oh, I will never think of such thing," she said acidly. "Ang lamang mo lang sa Leandro na iyon ay nakilala na kita." She didn't voice out that Leandro could be hideous or old or fat or had bad habits.
"And Hopkins vouched for you," patuloy niya. "At itinuturing kang pamangkin ni Carillo. He's been under my father's employ for ten years now. And he's trustworthy."
"And so you assumed I am trustworthy, too. Well, you're wrong, princess." He grinned mockingly. "I am the devil incarnate."
"Correct," sang-ayon niya at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "So you see, it's a choice I am forced to make—a choice between the devil and the deep blue sea. Ikaw ang pipiliin ko, del Mare."
Pumormal si Jace. "I'm sure you're upset, matapos ang ginawa sa iyo ni Grant. Now, calm down, and tell me where to fly this jet."
Gusto niyang tumili sa indulgement na nasa tinig nito. "Hindi ako pakakasal sa Leandro na iyon! Kahit na si Carillo ay babayaran ko para pakasalan ako at natitiyak kong hindi siya tatanggi!"
For a long moment he didn't say a word. Tulad sa isang tahimik na panahon bago ang namumuong bagyo.
"Oh, don't look at me like that as if I've grown two heads. I am offering you a job, del Mare, odd it maybe. But it is still a job." Nangungumbinsi ang tinig niya.
"Meaning to say, babayaran mo ako para pakasalan kita?"
"Naturally," wika niya, her chin lifted. "Now let's discuss your compensation. Magkano ang gusto mong ibayad ko sa iyo?"
For an instant, Drew saw something deadly in Jace's eyes. Naisip niyang bigla ang tigreng nasa likod ng pinto na inihalintulad niya rito kanina sa hotel.
A muscle in his jaw flexed. "Natitiyak mo bang..." He paused for a moment. "Ang ibig kong sabihin ay kung nasa matino kang kaisipan?"
Gusto niyang mainsulto. Walang nagsasalita nang ganoon sa kanya minsan man sa buhay niya. Subalit wala rin naman siyang inalok na lalaking pakasalan siya sa mismong araw na nakilala niya ito. So she couldn't really be angry at him.Umiling ito habang titig na titig sa kanya. "Inaantala mo ang paglipad ng jet na ito, Miss Navarro."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceKristine Series 20 - My Wild Heiress By Martha Cecilia "And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasun...