14

20.4K 537 66
                                    


NAGISING si Drew sa mumunting ingay na hindi niya mawari. Inaantok pa siya at ibinaon ang mukha sa unan, but the noise was persistent. Napaungol siya at nagmulat ng mga mata.

For a while, she was disoriented. Nakabukas ang dalawang malalaking bintana at malamig na hanging pang-umaga ang pumapasok doon. Nakadama siya ng ginaw at agad na hinila ang isang malaking unan at niyakap.

From the open windows, she could see the evergreen tropical trees. She saw rays of sunshine penetrating through the leaves and branches of the trees. It was like watching a painting by the masters. Ang bintana ang pinaka-frame. Then her eyes moved to the window sill, caught a moving object.

Oh. Isang ibon ang naroroon. Another one flew from the outside and joined the first.

Iyon ang narinig at nagpagising sa kanya. Ang huni ng mga ibon sa pasamano ng bintana at sa paligid. Mula sa bintanang capiz ay lumipad ang mga ibon papasok sa silid.Ibon? Bintanang capiz?Nasa Sto. Cristo ba siya?

No, mabilis din niyang kinontra ang sarili. Ang Sto. Cristo ancestral home ay pina-renovate na. Hindi na capiz ang mga bintana roon kundi windowpanes.

Bagaman may mga puno sa paligid ng ancestral home, hindi iyon malapit sa bahay. Mas na mga puno ng niyog ang matatanaw sa paligid.

Nanatili siyang hindi kumikilos sa pagkakahiga habang umiikot ang paningin niya. Yari sa malalaking kahoy at tabla ang buong silid. Walang pintura kundi natural na flat varnish. Wala ring kisame ang silid na kinaroroonan niya. Ang malalaking kulay-itim na beams at trusses ay nagsala-salabat sa ibabaw niya, giving it an appearance of a generation house. At nagpadapo-dapo sa mga beams at trusses ang dalawang naghahabulang ibon.

Roofings were red, parang tisa.Sa kabilang bahagi ng silid ay may malaking television set, a stereo component, CDs and VCDs na nakalagay sa rack ng isang antique cabinet. May natanaw rin siyang micropone.Tinutop niya ang noo at sinikap alalahanin ang pangyayari nang nagdaang gabi. Iisang tao lang ang agad pumasok sa isip niya.Jace.

Oh.

Mabilis siyang bumangon at agad na napuna ang suot. She was wearing an oversized white shirt. Kay Jace ba ang suot niyang T-shirt? Agad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib at pinakiramdaman at niyuko ang sarili. She still had her panties on.

And of course, she would know. Malalaman niya kung may ginawa itong masama sa kanya.

At kung nagkataon mang may ginawa itong masama sa kanya'y kasalanan din niya. Kahit pa siya nalasing ay hindi siya pababayaan ng mga empleyado. Ihahatid siya ng mga iyon sa pribadong suite nilang mag-ama sa fifteenth floor.

But she'd trusted Jace last night. Hindi niya alam kung bakit, subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagkatiwala niya ang sarili sa isang taong kung tutuusin ay estranghero sa kanya. Which was so very foolish.

At kung malalaman ito ni Cameron, she would be horrified. What more, kung malalaman ng pinsan na inalok niya si Jace na pakasalan siya sa unang araw na makilala niya ito?Muli niyang sinuri ang sarili. Ito ba ang naghubad ng damit sa kanya at binihisan siya?

Agad ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa kaisipang iyon. Hindi siya makapaniwalang hinubaran siya nito. Na habang natutulog siya'y may mga matang naglalandas sa buong kahubdan niya. At paano kung... kung...

Hindi niya gustong isipin iyon. She was beginning to seriously doubt her sanity for trusting this stranger.

Tumayo siya at bumaba ng kama. Hindi malaman kung ano ang gagawin nang matanaw ang dalawang panel na pintong yari sa kahoy at salamin. Natatanaw niya mula sa salamin ang labas.

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon