9

18.4K 524 85
                                    


MAY KUNG ilang beses siyang nagbuntong-hininga na tila ba hirap makalabas sa bibig niya ang mga salita.

"Bakit hindi mo sabihin sa ama mo ang totoong nangyari?" wika nito nang manatili siyang nag-iisip ng sasabihin.

"Hindi ko gagawin iyon! Nawalan ng trabaho si Grant at natuklasan ko kung ano ang uri ng pagkatao niya. Tama na iyon. I don't want my father to take any unnecessary action against him. It was no big deal."

"You call what Grant did to you as 'no big deal'? Kung wala ako sa hotel nang sandaling iyon ay malamang na napagsamantalahan ka na niya," he said harshly.

Again, she took a deep breath, tumingala rito at banayad na umusal. "Aside from the few bruises, no harm done. Thank you."He whistled. "The lady thanked me at last."

"Anyway," patuloy niya, binale-wala ang panunudyo sa tinig nito, "dahil hindi ko gustong sabihin kay Daddy ang tungkol sa ginawa ni Grant, iisipin niyang natakot akong mawalan ng mana kaya hindi natuloy ang pagpapakasal ko."

"At hindi ba ganoon, Miss Navarro?" nanunuyang sabi ni Jace. "Lumaki at nasanay ka sa luho. How do you think you can live without your father's financial support?"

"Do not underestimate me, del Mare!" she said angrily. "Lalong magkakaroon ng malaking dahilan ang Daddy na igiit ang gusto niya. Sa Pilipinas ay naghihintay si Leandro..." Tumingala siya rito at idinagdag, "he's the man he wants me to marry."

Walang reaksiyon mula rito. His face didn't even move a muscle.

"My god, I do not ever know who the hell he is. Kung kanino siyang anak... at kung anong uri ang pagkatao niya. For all I know, he is another fortune hunter that wormed his way into my father's favor."

"Bakit hindi mo itinanong sa ama mo kung anong uri ng pagkatao mayroon ang lalaking ipinagkasundo niya sa iyo? Natitiyak kong kilala niya ang... Leandro na ito."

"Do you think I did not?" she sneered. "My father won't listen. And imagine the man didn't even bother to meet his supposedly intended? Not once!"

"He got so busy."Umangat ang mga mata niya rito. "What?"

"I mean, this man, he's probably too busy. Besides, naisip mo bang baka hindi rin naman niya gustong magpakasal sa iyo at hindi rin niya gustong manipulahin ng kanyang ina ang buhay niya?"

"How do you know it's his mother who's trying to marry him off to me?"Nagkibit ito ng mga balikat. "Wild guess."

"Siguro'y tama ka," she said thoughtfully, "lyon din ang sabi ni Cameron sa akin... oh, that's my cousin, na baka hindi rin niya gustong magpakasal sa akin. And if that's the case, I hope he'd be man enough and refuse his parents firmly. Though I doubt it very much."

"Bakit mo nasabi iyan?"

"Hindi pa man kami nakakasal, may pribilehiyo na siyang tinanggap mula sa Daddy. He is now the new ranch manager. My father gave him full power with my inheritance. I've seen and read the contract." Hindi niya naitago ang galit at pagdaramdam sa tinig. "Ang dating manager, si Manong Hilarion, ay sa rancho na tumanda, pero hindi nagkaroon ng ganoong lubos na kapangyarihan." She took a deep hurting breath.

"Enough of this man," wika nito, his dark eyes surveyed her. Natitiyak ni Drew na may galit siyang nakitang nakiraan sa mga mata nito. Subalit bigla ring naglaho iyon. Nahalinhan ng tila pagkahapo. "So, paano kita matutulungan?"May kung ilang sandali ang pinalipas ni Drew bago sumagot. Nag-aalangang tumingin siyang muli rito.

"G-gusto kong malaman ni Daddy na totoong nagpakasal ako nang sa ganoon ay hindi niya na ako mapipilit na ipagkasundo sa lalaking iyon."

"You want me to lie to your father, is that it? And what made you think you could easily fool your own father?"

"You are right, of course. I can't. This is where I need your help."

"And how will I exactly do that?"

"I want you to... to marry me." Ang huling sinabi'y napakabilis lumabas sa bibig niya. Na tila ba kapag nag-isip pa siya'y hindi makuhang lumabas ng mga salita sa bibig niya.



***************************************************Grabe ka Drew ang bilis mo hahahahaha. Sorry pala sa last AN ko ang haba pala nun di ko napansin hahahaha. - Admin A ****************************************************************************************

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon