32

23.4K 588 79
                                    

SANDALI niyang nilinga ang loob ng ferry boat. Si Manang Saling ay naiwan sa loob ng pribadong deck sa ibaba dahil nahihilo.

Maliban sa discomfort ng mahabang biyahe sa daan, she was actually enjoying it. At isa lamang ang napatunayan niyang hindi niya kayang iwasan nang makarating sila ng pier sa Infanta—ang sulyap ng mga tao sa tuwing naglalakad siya. Mapababae man iyon o mapalalaki. Sa mga babae ay naroon ang paghanga, sa mga lalaki ay ang pagnanasa.

Ang ilan ay bumabati ng magandang araw. Ni isa ay wala siyang pinagkaabalahang pansinin. At nagtuloy-tuloy siya sa upper deck.

"Nakita kita kanina nang batiin ka ng isang matandang babae." Mula sa likuran niya ay pumukaw sa pag-iisip niya ang mahinang tinig ni Jace.

She was aware of the broad chest that touched her back; sa nakakakiliting init ng hininga nito sa tainga niya. Agad ang pagdaloy ng alaala ng unang gabi... ng halik na iginawad nito sa kanya kahapon, sapat upang manayo ang balahibong pusa niya sa katawan.Sinikap niyang lagyan ng renda ang daloy ng pagnanasa at pinairal ang iritasyon. "So?" she said haughtily. "Hindi ako politician para ngitian at batiin ang lahat ng taong makasalubong ko."

"You don't have to be a politician to be polite, Drew," wika nito. Nasa tinig nito ang bahagyang galit. "Halos lahat ng sakay ng ferry boat na ito ay mga taga-Sto. Cristo. Kung hindi man mga tagabayan ay natitiyak kong ang ilan ay mga pamilya ng mga tauhan ninyo sa asyenda."

"I don't feel like smiling back!" she snapped unreasonably.

"My god, you're a snob! And to think you have expressed your desire to manage the Hacienda Montano." Bagaman mahina lang ang tinig nito ay hindi maipagkakaila ang tuluyang pag-ahon ng galit. "Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ka pinagbigyan ng ama mo. Gusto mong pamahalaan ang rancho nang dahil lang sa kapritso!"

Nanlaki ang mga mata niya roon at mabilis na humarap dito. Isang pagkakamali dahil dibdib nito ang nalingunan niya at nang ihawak ni Jace ang mga braso sa barandilya ay nakulong siya sa mga bisig nito. But she was too angry to notice.

"How dare you to—!"

"Kung intensiyon mong pamahalaan ang asyenda ay kailangang bumaba ka sa kinalalagyan mo, Drew," putol nito sa sinasabi niya. "Ang matandang bumati sa iyo ay ang tiyahin ni Manong Hilarion, ang dating katiwala ninyo. Ano sa palagay mo ang iisipin niya gayong kahit kapirasong ngiti ay hindi mo tinugon ang pagbati niya?"

"At kaninong kasalanan iyon? Ikaw ang may gustong dito tayo sumakay!" Her voice a note angrier for making her feel guilty. Inilagay ang dalawang kamay sa dibdib nito at marahas na itinulak.

But Jace held both her hands forcefully. "We're in public, my dear!" marahan subalit mariing paalala nito. "Unless you want to hang our dirty linens in public."

Drew opened her mouth to say something scathing but his words sunk in. Nang ihayon niya ang mga mata sa paligid ay may ilang taong nasa kanila ang paningin. Ang iba ay curiosity ang nasa mukha, at ang iba naman ay mga nakangiti, hinihinuhang magkasintahan silang nagkakagalit.

For a while she seemed to be lost... confused. Had she been in a party, it would be easier to tilt her head and walk out of the room. Pero wala siya sa party na ang mga naroroon ay kapwa niya mga taga-alta sociedad. Ang nakapaligid sa kanila ay tulad nga ng sinabi ni Jace, mga taga-Sto. Cristo. At karamihan sa mga iyon ay mga tauhan ng asyenda.

At nang ibalik niya ang paningin sa asawa ay nakatitig ito sa kanya, wala na sa mga mata nito ang galit at panunuya. In his eyes was understanding. Or was it?

Kung anuman ang dahilan, ang igting sa mga braso niya ay iglap na nanghina. Sapat upang luwagan ni Jace ang pagkakawak sa kanya. Her hands unwittingly moved to the lapel of her shirt, sa mga mata ng maaaring makakita, a sign of a lover's surrender.He gave her a lopsided smile as he gazed down at her with a mixture of teasing and tenderness in his eyes. "When I first saw you, I thought I could tame you, Drew..."Muling naningkit ang mga mata niya. Her hands grasped on his lapel. "Tame?" she hissed. "Ano ang tingin mo sa akin? Mailap na hayop?!"

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon