31

19.4K 516 43
                                    


MULA sa barandilya ng ferry boat ay tahimik na pinagmamasdan ni Drew ang karagatan. Sa paligid ay natatanaw niya ang ilang isla. Ni wala siyang ideya kung ano ang mga islang iyon. But she could see cottages lining along the shore. Siguro ay pribadong beach resort at nararating lamang sa pamamagitan ng ferry boat o bangka mula sa pantalan ng Infanta.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakasakay siya ng isang pampublikong sasakyang pandagat, kung hindi ibibilang ang pangyayaring iniuwi siya ni Jace sa Sto. Cristo nang tulog siya. Buong buhay niya ay ang chopper ng kompanya ang paraan nila ng transportation sa pagpaparoon at parito mula Maynila at Sto. Cristo, kung hindi man ay ang lantsa ng Tito Alvaro niya.

Mula sa airport ay ilang oras lang siyang hinayaang magpahinga ni Jace bago ito nagyayang umuwi ng Sto. Cristo.

"Alam kong pagod ka sa biyahe at may jet lag pa. Pero kailangan nating umuwi ng Sto. Cristo, Drew," wika nito. "Tumawag ang Mama at may problema roon simula pa nang umalis tayo ng Pilipinas."

"Sure." sinabayan niya iyon ng kibit ng mga balikat, ni hindi nag-angat ng mukha mula sa binabasang fashion magazine. "I'll be fine here."Lumapit si Jace. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Natin. Plural. Ibig sabihin, kasama kita."

"So, okay," she said defiantly. "Sasama akong pauwi ng Sto. Cristo pero sa Hacienda Montano ako tutuloy."

"Asawa kita, Drew. Ayoko ng long distance relationship. Kung saan ako naroroon ay naroroon ka rin," he said patiently.

Padabog niyang inihagis sa carpet ang magazine. "You're being ridiculous, Jace! It isn't as if we're besotted to each other. Now that we've satisfied the lawyers and my father, we can both go our separate ways."

"Really?" sarkastikong nag-angat ito ng mga kilay. "And have we, too, satisfied the lust we have for each other in just one night?"

Her face flushed, umiwas ng tingin. "Ang... nangyari sa hotel ay isang... temporary aberration."

"Temporary aberration," ulit nito. At sa isang matagal na sandali ay tinitigan siya nito bago, "I beg to disagree, princess. Ngayon lang mismo, if I so much as touch you, alam nating pareho kung saan iyon hahantong."

"Sumobra ang tiwala mo sa sarili—" Ang sasabihin niya ay nahalinhan ng pagsinghap nang ang kamay ni Jace ay dumako sa baywang niya at itaas siya nito mula sa upuan. He stared straight into her eyes before he slammed his mouth over hers.

Drew curled her hands into fists against his broad shoulders, stunned by the intensity of his kiss. It was a bold, openmouthed assault that scorched her body all the way down to her toes.His scent swirled through her senses. And she groaned deep in her throat as waves of sensation flooded her body, until she was trembling in his arms. At namangha pa siya nang bitiwan siya nitong bigla at muli siyang mapaupo sa upuan.

"Beast..." ang nausal niya nang wala siyang mahagilap na salita at nakatunghay ito sa kanya sa nang-uuyam na ngiti.

"And you, my lovely Drew, is a hypocrite, if we are to hurl names at each other. At kung hindi lang kailangan akong makausap ng daddy mo ay malamang na kahit sa carpet ay may mangyari sa atin."

Drew bit her lips to keep herself from saying anything. Mapapahiya siyang higit. Humakbang ito palayo sa kanya.

"Matatagalan tayo sa Sto. Cristo." Nagbuntong-hininga ito. "Binigyan ko na ng instruction si Yaya Saling. Inihahanda na niya ang mga gamit mo. Magbibiyahe tayo patungong Infanta bukas nang madaling-araw para maliwanag pa ay nasa Villa del Mare na tayo."

Mula sa sofa ay napatayo siya. "Mahabang oras na biyahe iyon! We could use the chopper. I'm sure my father will—"

"Oh, nakalimutan kong isa nga palang milyonarya ang napangasawa ko," putol nito sa sinasabi niya, "at hindi sanay sa ordinaryong paraan ng pagbibiyahe," he mocked. "But I'm sorry, princess, hindi ako sanay sa ganoong luho. Magbibiyahe tayo pauwi ng Sto. Cristo sa pampublikong transportasyon. At simulan mo na ring mabuhay tulad ng isang karaniwang tao dahil karaniwang tao lamang ang asawa mo!"

At wala siyang nagawa sa gusto nitong mangyari. Kaya heto at nagbibiyahe sila sakay ng ferry boat kasama ng maraming mga tao matapos ang mahabang oras na biyahe sa Cherokee Jeep nito mula kaninang madaling-araw. At sa kabila ng maaari naman siyang matulog sa durasyon ng biyahe ay nanatili siyang gising. Gayong tulog sa likod ng jeep si Yaya Saling.

Kung sa ibang pagkakataon ay katatakutan niya ang biyaheng iyon dahil madilim ang kabundukang nakapaligid sa kanila. At maliban sa mangilan-ngilan at napakadalang na sasakyang nakakasalubong nila ay puro kadiliman ang nakikita niya. At alam niyang nakapangalat sa kabundukang iyon ang mga taong-labas.

Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. She was very much aware of the man behind the wheels; ang lakas sa mga bisig nito habang minamaniobra nito ang manibela sa bawat pag-ikot at pagliko ng sasakyan. At hindi miminsang sumagi sa isip niya ang ginawang pag-aangkin nito sa kanya sa unang gabi ng kanilang kasal. At sa tuwina ay may masarap na kilabot siyang nararamdaman... at isang pangangailangang hindi niya gustong tanggapin.

"Are you cold?" tanong nito kasabay ng paglingon sa kanya at huling-huli siyang nakatitig nang husto rito.

Mabilis niyang ibinaling ang pansin sa kadiliman sa labas at umiling at ipinagkrus ang mga braso sa katawan.

"Kanina mo pa ako tinitigan. And everytime you do it, you seemed to shiver..." There was a knowing smile on his lips.

"You're being ridiculous," naiiritang sabi niya at napasinghap nang abutin nito ang isang kamay niya at dalhin sa mga labi. And to her horror, he erotically sucked one finger.

"Don't do that!" she screamed, marahas na binawi ang kamay sa paraang tila siya nadikit sa isang nagbabagang bakal.

A soft chuckle rumbled in his chest. "You'll wake the dead, princess."

Ang anumang sasabihin niya ay napigil nang agad na dumukwang sa lugar niya si Yaya Saling. 

"T-tumili ka ba, Drew?" naalimpungatang tanong nito.

Umalingawngaw sa katahimikan ng paligid ang malakas na halakhak ni Jace. At padabog niyang isinandal ang sarili sa sandalan ng jeep at naglabas ng naiiritang paghinga.




**********************HAHAHAHHAA kakaloka ka talaga Drew para kang yung kakilala ko eh akala mo talaga eh char hahahaha. - Admin A *********************

Happy birthday pala sa mga beshie natin dyan di ko na kayo nabati, belated sa inyo at sa mga magdidiwang pa. Happy birthday in advance. Libre n'yo na lang ako sagot ko na ang update n'yo char hahahaha. - Admin A *********************************************

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon