20

20.2K 523 20
                                    


"'MORNING, Yaya," bungad ni Drew pagkapasok sa dining room. Hinila ang silya at naupo. "Anong breakfast?"

"Kalimutan mo na ang almusal at alas-onse y media na," sagot ni Saling. "Ipinahahanda ko na itong mesa para sa tanghalian." Nagbukas ito ng ref at kinuha ang pitsel ng fresh mandarin juice at sinalinan ang isang baso at inilagay sa harap niya.

Inabot niya ang baso ng juice at inaantok pang tumikim. "Umalis na ba si Daddy, Yaya?"

"Maagang nagising si Nick at binibisita ang asyenda, hija. Makapananghali na ang balik ng ama mo sa Maynila." Nasisiyahang ngumiti ang matanda at tinitigan siya. "Ni hindi ka nagising sa ingay ng paglapag ng helicopter na susundo sa daddy mo."

She smiled back. She felt rested. Napasarap ang tulog niya.

"Totoong tanghali ka na kung gumigising pero ang abutin ka ng alas-onse sa higaan ay hindi pa nangyayari malibang napuyat ka sa magdamagang party nang sinundang gabi. Epekto iyan ng hanging-probinsiya."

Pinangalahati na muna niya ang juice bago nakangiting sumagot. "At isipin ninyong hindi ako nagbukas ng aircon, Yaya. Napakalamig ng hanging pumapasok sa silid ko. Oh, how I missed this place."

Magkahalong pananabik at lungkot ang nasa tinig niya. Inikot ang paningin sa maluwang na kusina. It was just as she remembered. Bagaman renovated na ang buong villa ay naroroon pa rin ang antigong mga gamit.

Sa dirty kitchen, sa labas ay naroon pa rin ang old-fashioned oven. Kung tawagin ay ang pugon na ginagamitan ng kusot. Isang alaala ang gumuhit sa isip niya. She was six years old, naakit siyang paglaruan ang nag-aapoy na kusot. Para iyong lusis tuwing pasko.

Sa paghukay niya sa nag-aapoy na kusot ay tumilamsik sa kamay niya ang baga niyon at napaso siya. She screamed the whole house down. Hindi malaman ng matandang katiwala ng villa na si Nana Tonya kung ano ang gagawin dahil nataranta si Nick. At napagalitan ng daddy niya si Saling na noon ay kabibiyuda pa lamang.

Her mother Alaina was calmer. Ito ang naglagay ng yelo sa napasong daliri niya para sa first aid bago siya dinala ng mga magulang sa doktor sa bayan.

Niyuko niya ang kanang kamay, sa may puno ng thumbfinger, isang malabong pilat ang naroroon sanhi ng pagkapaso niya. She smiled at the memory.

Then her eyes went to the old stove and refrigerator. Ayon sa yaya niya ay matanda pa sa kanya ang mga iyon at mahusay pang gumagana. Napinturahan na muli ang ref.

Ang dating lumang tiled sink counter ay granite na ngayon. At ang granolithic flooring ay pinalitan ng terra cotta tiles. Cabinets and cupboards were new in pristine white.

"Sino bang darating na bisita at narinig kong nagbilin ang daddy mo sa kusinera na dagdagan ang lulutuin, hija?" untag ni Saling sa paglalakbay ng isip niya.The nostalgic smile was suddenly wiped off from her lips. Naningkit ang mga mata. Isa lang ang naiisip niyang darating.

"Kung hindi ako nagkakamali'y si Jace, Yaya... o si Leandro del Mare."

Bahagyang nag-isip si Saling sa pangalang narinig. "Del Mare ba 'kamo? Ang tinutukoy mo ba'y ang apo ng namayapang Gerardo?"

"Wala nang iba!" Tinitigan niya ang baso ng juice na bahagya lang nabawasan. Nawalan na siya ng ganang inumin iyon. "Siya ang bagong manager ng asyenda. Hindi ko siya makakasundo at hindi ko alam kung paano lilipas ang mga araw sa pagitan naming dalawa!"

"Ano ba ang ibig mong sabihin diyan sa sinasabi mong bata ka? Bakit hindi mo makakasundo si Leandro?"

"Kilala n'yo ba ang lalaking hahalili sa puwesto ni Manong Hilarion, Yaya?"

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon