34

21.9K 579 18
                                    


"HEY, SLEEPYHEAD, wake up." Umungol si Drew at isinubsob ang mukha sa unan.Isang tawa ang pinakawalan ni Jace. "We've missed dinner last night, sweetheart. And we've missed breakfast this morning. If we are going to miss lunch altogether, natitiyak kong hindi mo kayang humarap sa Mama at kay Yaya Saling."

Sukat doon ay napabangong bigla si Drew at nang mapunang wala siyang saplot maski na ano ay hinagilap ang kumot at itinakip sa sarili. "What time is it?"

"Quarter to twelve."

She groaned. "At kaninong kasalanan kung bakit ngayon lang ako nagising?!"

He smiled tenderly at her. She looked soft, warm, and devastatingly beautiful. Pagkatapos ay napangiwi nang makita ang namumulang puno ng dibdib niya. Banayad nito iyong dinama. "Ginawa ko ba ito?"

Niyuko niya ang sarili and wrinkled her nose. "Tatlong araw na ang stubbles mo."

"Okay, I promise to shave after lunch. Pumasok ka na sa banyo at hihintayin kita sa dining room pagkatapos." He bent and kissed her and went out of the room.

NASA ikalawang palapag na si Drew nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Binilisan niya ang pagbaba.

"Pag-aari ko ang lupaing iyon, Leandro. At karapatan ko ang anumang naisin ko, and those people have squatted on my property!"

"Hindi ka pa isinisilang ay nakatira na sa Baybayin ang mga taong iyon! Inalis mo sila roon nang dahil lang sa galit mo sa amin ng Mama!"

Nahinto sandali sa paghakbang pababa si Drew. Tinig iyon ni Grant. Hindi siya maaaring magkamali.

"Dahil ang isang ampon na tulad ninyo ni Concordia ay walang karapatan sa pag-aari ng matandang del Mare!"

Napasinghap si Drew doon. Ampon? Ano ang ibig sabihin ni Grant?

"Besides," patuloy ni Grant, "ipinagbili ko na ang lupang iyon at hindi ninyo mabibiling muli dahil kasama iyon sa kontrata." Isang ismid ang pinakawalan nito. "Bukod pa sa wala ka namang salaping ipambibili! At kahapon ay ang unang anibersaryo ng kamatayan ng matanda. At tulad ng nakalagay sa testamento ay mauuwi sa akin ang buong del Mare Woods kapag hindi ka nag-asawa."

"Grant..." It was Concordia's voice.

"Sa akin pa rin mauuwi ang lahat ng ito, Concordia. Dahil ako ang tunay na apo... ang tunay na del Mare. Ang isang ampon na tulad ninyo ay walang karapatan kahit na kapirasong lupa sa propriedad ng matanda!"

"Hinati ng... ng Papa Gerardo ang lupain niya sa inyo ni Leandro, Grant, at—""Mas nakalamang ang ampon mo sa hatiang nangyari na hindi dapat!" asik nito, hinarap si Jace. 


"Hindi ipinahihintulot ng proviso na mag-asawa ka sa kung sino na lang, Leandro. Maliwanag ang nakalagay sa testamento. Dapat ay kilala ninyo ni Concordia ang pakakasalan mo, and your engagement must be announced, six months in the least. And you couldn't just marry any woman, my lawyers would see to that."

"You've been neglecting your homework, Grant," ani Jace. Nilingon ang bahagi ng hagdan. "Meet my wife. No further introduction needed because you've known each other."Napalingon si Grant sa itinuro ng kamay ni Jace. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakatayo sa puno ng hagdan si Drew. "Ikaw!" bulalas nito. Ang pagkamangha at gulat ay lumatay sa mukha. Na tila ba isang aparisyon ang nakita nito.

"Hello, Grant."

"What are you doing here?" Danger laced his voice."I live here, Jace's my husband. We've married four days ago."

"What?" Magkahalo ang kalituhan at galit sa mukha nito. Umiling ito. "No. This couldn't be! Bago pa man mamatay ang matandang Gerardo ay namirmihan na si Leandro dito. At ikaw, Drew, ay matagal nang sa ibang bansa naglagi. You could have not known each other. Ang lupain ng matandang del Mare at ng mga Navarro ay magkabilang dulo ng isla! Hindi kayo magkakilala. Isang masamang pagkakamali lamang ang pagkikita ninyo sa hotel!"

"That is where you're wrong, Grant," ani Concordia. "Magkaibigan sina Papa Gerardo at ang mga magulang ni Nick. Ang Sto. Cristo ay totoong isang malaking isla subalit ang mga Montano at del Mare ay taal na mga tagarito."

Sa isang mahabang sandali ay nanatiling parang estatuwang nakatayo si Grant. He was deathly pale.

"Kung nagbabasa ka ng peryodiko," Drew said drily, "sa halip na maghanap ng mayayamang maloloko mo, di sana'y nabasa mo ang engagement namin ni Jace almost a year ago."

"Y-you were engaged to him prior to our meeting?"

Kung hindi niya pinigil ang sarili ay magtatawa siya sa anyo nito... "The... announcement was made by my father on my graduation party, Grant."

"At pinaglaruan mo ako! You bitch!"

"You know that's not true," depensa niya, biglang kinabahan sa panlilisik ng mga mata nito. "We would have been married by now, kung hindi ka lang naging gahaman at—" Napigil ang mga salita sa bibig niya nang marahas itong humakbang patungo sa kanya.Napaakyat paatras ng isang baitang si Drew sa ginawa nito. Ang alaala ng pagtatangka at pananakit nito sa kanya ay sapat upang matakot siya.

"Lay a finger on her and I'll kill you."

The warning was spoken softly but Grant went dead still. Sumisingasing sa galit na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"You'll both pay for this!" banta nito kasabay ng marahas na hakbang palabas ng villa.

Inilabas ni Drew ang pinipigil na paghinga habang sinusundan ng tingin ang paglabas ni Grant ng villa.

"Are you all right?" tanong ni Jace nang makita ang pamumutla niya. Bahagya lang siyang tumango. Inabot ni Jace ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa balustre ng hagdanan at pinakawalan iyon.

"Grant can't hurt you again, Drew," wika nito, nasa tinig ang paniniyak.



**************Ingat-ingat din Drew naku malapit na talaga itong matapos parang ayaw ko na tuloy mag-update hahahaha. -Admin A *************************

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon