"PAANO mong nalaman na Tristan ang pangalan niya?" tanong ni Drew nang pababa na sila."Before we got married, Matilda called my mother. Sinabi niya ang tungkol sa pagdating ng mag-asawa sa Las Vegas. Nagkasalisi kami. A matter of twenty minutes. Kung hindi tumawag si Henry ay baka nag-abot kami. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi ko muna gustong umuwi tayo sa asyenda. Inaasahan ko ang pagdating nila anumang araw."
"We would have come earlier." si Meredith sa likod nila. "But both the twins caught some virus. But they're okay now."
Nasa ibaba na sila nang ipakilala ni Jace si Drew kay Tristan. "My wife, Drew..."
"Si Meredith, ang aking asawa." For a long moment no one spoke. The brothers stared at each other awkwardly. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Then Tristan cleared his throat. At sa gumagaralgal na tinig ay, "Hinanap kita... matagal na kitang hinahanap..." he whispered emotionally.
Jace smiled through misty eyes. "What took you so long?"
"Kailan lang ako nagmana ng malaking salapi," ani Tristan, nilingon ang asawa. "Malaking tulong sa paghahanap ko sa iyo."
Ginagap ni Jace ang kamay ni Drew at itinaas. "Mother's ring."Sa smallest finger ni Tristan ay ipinakita nito ang kakambal na singsing. "Ang singsing ni Itay."Nagtatanong ang mga mata ni Jace. Hindi kayang iusal ang nasa puso at isip. Naroon ang pag-asa... at pananabik. Subalit malungkot na umiling si Tristan.
"Namatay sila kinabukasan din matapos ka naming iwan sa ospital. Inabot sila ng bagyo sa dagat..."
Tumingala sa langit si Jace at pinuno ng hangin ang dibdib. Lumapit si Tristan at nagyakap ang magkapatid. Both women gazed at the twins with tears in their eyes.
"We have a lot of catching up to do..." ani Jace, pinisil sa balikat ang kapatid.
Tumango si Tristan. "Naghihintay ang Monte Falco sa iyo, Leandro." Ibinabadya ng tinig nito na hindi nito inaasahan ang anumang pagtutol.Leandro Jace smiled. "Iniimbitahan ko nga pala kayo sa kasal ko..." dugtong nito at inakbayan si Drew.
"Kasal?" si Tristan. "Akala ko ba'y mag-asawa kayo?"
"Oh, we are," nakangising sagot ni Jace. "But we want a proper wedding. You, my big brother is my best man. And your wife's the matron of honor."
"At dalawa ang magiging ring bearers mo!" ani Meredith. "Come and see your nephews, Leandro."
"Very soon," sagot ni Jace. Hinayon ng tingin ang Cherokee. "Gamitin ninyo ang jeep at mauna na kayo sa bahay. May pag-uusapan lang kami ng asawa ko habang naglalakad."
"PAANO mong nalaman ang nangyari?" tanong ni Drew, ang kamay ay nakahawak sa baywang ni Jace.
"I was so angry with you, Drew. Pero nang makaalis na kayo ay nag-isip-isip ako. Hindi ko magagawang hayaan kang umuwi at iwan ako. My god, I was willing to agree to your terms, huwag ka lang umalis."
"I'm sorry, Jace..."
"Sumunod ako at alam kong aabutan kita dahil hindi mo kayang magmaneho nang mabilis sa hindi mo kabisadong lugar. Basa ang daan at nagulat ako nang makita kong hindi patungong bayan ang tracks ng pickup. I was sure you got lost. At nang matanaw ko ang pickup sa daan ay naisip kong nawalan ka ng gas. Pero nang makita ko ang nakahandusay na si Yaya Saling ay tila nawalang lahat ang dugo ko sa katawan. Isinakay ko siya sa pickup at sinundan ang bakas ng Jeep ni Grant."
"I'm glad you came. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pag-alis, Jace... please forgive me."
He cupped her face and raised it to him. "Why, Drew?" he asked. Hurt in his voice. "Sinabi mo nang mahal mo ako... bakit mo ako iiwan?"The pain in his voice knifed through her. "Kaninang umaga, nakita ko kayo ni Violy. You were kissing her..."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceKristine Series 20 - My Wild Heiress By Martha Cecilia "And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasun...