8

17.9K 504 31
                                    


HUMAKBANG siya pabalik sa kinauupuan at sa pagkakataong iyo'y umatras sa isang hilera ng mga upuan si Jace upang makaraan siya nang maluwag.

Kinuha niya ang shoulder bag sa upuan at humakbang patungo sa labasan ng jet nang hawakan siya nito sa braso. Napasinghap siya sa pagkakadikit ng kamay nito sa balat niya. As if a live wire touched her skin.

"What did your father mean when he said 'without you'?"Marahas niyang binawi ang braso, mas sa pagkamangha sa biglang naramdaman kaysa sa pag-iwas. "Wala kang pakialam!"

"Tell me, Miss Navarro. And I'll decide whether to leave you here in Las Vegas or not."

Her eyes went wide for a fraction. Banayad ang tono nito. Kauna-unahan mula kanina sa hotel. At mas kaya niyang pakitunguhan ang pagiging pormal, walang emosyon nitong pagsasalita, at ang pahaging na panunuya nito.But not tenderness.

And lord, at gusto niyang bumulalas ng iyak anumang sandali kung hindi niya aawatin ang sarili. Hindi niya kailangan ang simpatya mula sa isang estranghero.

Not when her scalp still ached, mula sa pagkakahila ni Grant sa buhok niya; ang braso niyang mahigpit na kinuyumos nito kanina'y nananakit pa rin; higit sa lahat, ang humiliation na naramdaman niya para sa sarili sa ganoong uri ng pagtrato.Subalit hindi niya kayang isang tao na naman ang mawawalan ng trabaho dahil sa kanya.

"Y-you're under my father's employ, del Mare. Hindi mo siya masusuway."

"I'll determine that," wika nito. Ang mga mata'y tila naglalagos sa kaibuturan ng mga buto niya sa pagkakatitig sa kanya.

Nagsisikip ang dibdib na umupo siya sa upuang malapit sa exit. Hindi niya gustong magpaliwanag dito, but she was so vulnerable at the moment, at hindi niya napigil ang sarili.

"N-nagpunta kami ni... ni Grant dito sa Las Vegas sa planong magpapakasal..." Tumingala siya rito. Kung ano man ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito'y hindi niya alam.But his face remained passive.

"Dad warned me about him. H-hindi ako nakinig." Nagkibit siya ng mga balikat, then added ruefully, "So okay, nagkamali ako ng pagkakakilala kay Grant. At napatunayan na naman ng ama kong mali na naman ang desisyon ko..." Itinaas niya ang dalawang kamay, in a helpless gesture.

She sniffed. "Pero hindi tamang manipulahin niya ang buhay ko. Na para bang wala na akong ginawang tama... na para bang isa akong bata!" tuloy-tuloy ang litanya niya, sinisikap pigilin ang pag-alpas ng luha.

Nagsama-sama ang sama ng loob at galit sa tinig. Kung kay Grant, o kay Nick, o sa sarili niya'y hindi niya matiyak. Marahil ay sa lahat na.

"Perhaps you are behaving as if you were a child," sagot ni Jace. A hint of amusement in his voice.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Pero sandali lang iyon. Umiwas siya ng tingin at may ilang sandaling hindi kumibo. Sinisikap paganahin ang isip.

"I'm... almost twenty-three," anas niya. "My father loves me, I know that for sure. Pero gusto kong makawala sa hawlang pinagkukulungan ni Daddy sa akin. Nasasakal ako sa pagiging overprotective niya. Naintindihan mo ba ako?" Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya iyon sa isang estranghero. Perhaps she was really upset.

"Poor little rich girl."

It was a terrible cliche, at lalo pa yatang gumasgas sa paraan ng pagkakasabi nito.

"Don't patronize me, del Mare," she said, gritting her teeth. Tinitigan niya ito. Ang sinag ng panghapong araw na naglagos sa maliit na bintana ng jet ay tumama sa mukha nito.

Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon