CHAPTER 34❤️

180 14 3
                                    

ZEIDEN'S POV

"So tayo na?" tanong ko kay Cena at nanlaki naman bigla ang mata niya. Anong nakakagulat 'don? Tinanong ko lang naman kung kami na eh tapos ganyan ekspresyon niya.

"A-Agad?" gulat na sabi niya sabay iniwas ang paningin niya sa akin.

"Di'ba gusto kita tapos gusto mo na din ako, edi tayo na" nakangusong sabi ko at nanlaki lalo ang mga mata ni Cena.

"Tangek, hindi pa tayo," napapailing na sabi niya, nagulat ako. "Hindi ka pa nga nanliligaw eh" dagdag niya dahilan para bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit sa ganong salita niya pa lang parang kinikilig ako. Ang sarap pakinggan!

"N-Nililigawan na kita" sabi ko at tumingin siya sa akin at nagtama ang paningin namin. May kung ano sa titig niyang kinakausap ako pero hindi ko alam 'yon. "Hindi mo kasi napansin iyon." sabi ko.

Tumawa siya. "Eh hindi ko naman alam na may gusto ka pala sa akin eh, sana sinabihan mo ako"

"Akala mo gano'n lang kadaling magconfess ang isang lalaki sa babae" usal ko. "Hindi kaya noh" dagdag ko at natigilan siya. Bumuntong-hininga ako. "Hindi gano'n kadali magconfess ng nararamdaman mo para sa isang tao," seryosong sabi ko at nilingon siya. "Mahal kita" hindi ko alam kung paano napasok iyon sa usapan namin at basta ko na lang naibigkas sa kaniya.

Nagulat siya nang bigla kong hapitin ang bewang niya at inilapit sa akin. Nanatiling malapit ang titigan naming dalawa. Ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso niya at kita ko rin ang sunod-sunod na paglunok niya dahil sa hindi inaasahang ginawa ko.

Inayos ko ang hibla ng buhok niya at nginitian siya. "Ang ganda mo" nakangiting sabi ko at napaiwas siya ng tingin sa akin. Ahh kinilig!

"T-Thank you" utal na saad niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Yakap na matagal ko nang gustong gawin sa kaniya. "Thank you Cena" usal ko.

"Ang baho," biglang usal niya at natigilan ako. Kumalas kaagad ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at gulat na tiningnan siya.

"A-Anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ang baho," usal niya sabay tawa. Bigla akong nahiya sa sarili ko.

Inamoy ko ang damit ko. Wala naman!. Natigilan ako lalo nang makita ko ang alak sa gilid ko. Naalala ko nga pala na uminom ako, tila nawala ang lasing ko dahil sa mga nangyayare.

Wala akong pakelam kahit na mangamoy ako dito basta nahalikan at nayakap ko siya. Ang sarap ng labi niya!

"Cena" tawag ko sa kaniya at lumingon siya sa akin.

"Bakit?"

"Mahal na mahal kita" nakangiting sabi ko. Ngumiti siya.

"Tara na" yaya niya.

Natigilan ako sa biglang pagyaya niya. Hindi niya man lang ako sasabihan na mahal din kita? Nah nevermind.

"Uy, tara na" ulit niya saka naunang naglakad papalabas ng room. Sumunod na din ako.

Pagkalabas namin ay dumeretso na kaagad ako kotse namin at sumakay na.

"Ang init" sabi niya at napaamang ako.

Agad kong binuksan ang aircon at nilakasan ito. Full.

Tumingin siya sa akin. "Ang OA mo naman, kailangan talaga malakas" natatawang saad niya.

Ngumisi ako. "Para hindi ka mainitan"

Mabuti na lang at may extra akong damit na dala at nalalagkitan na ako sa suot ko dahil sa alak.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora