CHAPTER 32❤️

150 13 1
                                    

CENA'S POV

KINABUKASAN nagising ako dahil sa liwanag na sinag ng araw. Naihilamos ko pa ang palad ko sa mukha ko sabay bumangon ngunit agad din akong natigilan nang muli kong maalala ang nangyare kagabi.

Masyadong magulo na ang mga nangyayare ngayon at mas lalong gumulo ang isipan ko dahil sa pagconfess ni Zeiden sa akin kagabi.

Hindi ko alam kung bakit bumilis kaagad ang tibok ng puso ko.

Napapikit ako ng mariin at inalala ang nangyare kagabi.

FLASHBACK

Nang makaalis na si Levin ay kakaibang kirot ang naramdaman ko sa puso ko. Kirot na nagpapaalala sa akin kung paano niya ako nagawang lokohin noon. Pinunasan ko ang luha ko, ngunit naramdaman ko nang tumingin sa akin si Zeiden kaya dali ko itong ginawa at humarap sa kaniya. Ngunit agad din akong natigilan nang manlaki ang mga mata niya nang humarap ako sa kaniya. Anong kinagugulat mo? Ngunit agad din akong natigilan nang muli kong maalala ang mga sinabi niya kanina.

'Oo... Oo gusto ko siya!'

Hindi ko alam kung bakit nung narinig ko ang sinabi niya parang bumilis ang tibok ng puso ko at nanghina ang mga tuhod ko.

Nanatiling magkatitigan lang kaming dalawa. Bumuntong-hininga siya.

"A-alis na ako--"

"Sandali" pigil ko  sa kaniya nang akmang sasakay siya sa kotse.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin

"B-Bakit?" tanong niya

"Ulitin mo ang sinabi mo kanina" sabi ko  dahilan para matigilan siya.

Nanatiling magkatitigan na naman kaming dalawa ni Zeiden.

"H-Ha?!" maang-maangan na tanong niya.

"Ulitin mo ang sinabi mo kanina" mahinahong sabi ko pero ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok!

"Ano ba yung sinabi ko?" tanong niya   sabay iwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit umiiwas siya ng tingin sa akin. Baliw ba siya!

"Sasabihin mo o hindi" sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata niya at  natutulirong tumingin sa akin. .

"H-Hindi ko nga alam yung sinasabi mo" utal na sabi niya dahilan para lalong sumalubong ang mga tingin ko.

'Ayaw mong sabihin? Edi wag! Bahala ka!'

"Sige umuwi ka na, magkita na lang tayo buk--"

"Sandali" pigil niya  sa akin  nang akmang tatalikod ako.

Humarap ako sa kaniya ,seryoso ang mukha dahilan para natutulirong tumingin siya sa akin.

'Ang tagal inaantok na ako!'

Bumuntong-hininga siya  sabay inilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya saka deretsong tiningnan ako.

"Oo"

"Anong oo?" tanong ko pero ang kaba ay hindi mawala sa puso ko.

"Oo--"

"Anong oo Zeiden?" tanong ko ulit

'Pota puro oo ayaw na lang deretsuhin!'

"Oo Cena gusto kita" usal niya sa akin dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kaniya.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa kaniya. Paano niya ako nagustuhan? Ano bang meron sa akin?

"Nung una pa lang kita nakita alam kong gusto na kita"usal niya dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Gusto kita Cena, gustong-gusto" usal niya saka umiwas ng tingin sa akin.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now