CHAPTER 21💙

150 16 5
                                    

ZEIDEN'S POV

Dumaan ang linggo, nanatiling nasa kwarto lang ako. Bababa lang ako kakain saka aakyat ulit sa taas para magmukmok.

LUNES..

Napaigtad ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Bumangon ako saka tumingin sa lamesa nang nakapikit ang isang mata. Nakangusong iniabot ko ang cellphone ko.

KWAGO'S CALLING...

Bumuntong-hininga muna ako. "Hello?" malamyang usal ko.

"Zeiden ano ba! Anong oras na seven na late ka na sa practice! Galit na galit si coach!" galit na usal ni Cedrick dahilan para mamulat ko nang malaki ang dalawang mata ko.

"Shit!" mahinang usal ko.

"Shit talaga!" sigaw sa akin ni Cedrick. "Bilisan mo diyan Zeiden"

"Eto na" sabi ko saka agad na ibinaba ang line.

Agad-agad akong bumangon saka dumeretso sa banyo tapos maligo.

Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis ng pang jersey kong damit.

Lalabas na sana akong kwarto nang makita ko ulit yung kwintas na infinity-sign. Napangiti ako saka lumapit don at kinuha iyon.

Sandali kong tinitigan ang kwintas na iyon. Hinaplos-haplos ko iyon habang nakatitig don at nakangiti.

"Aalis na'ko ha" nakangiting sabi ko ang paningin ay nasa kwintas. "Mag-iingat ka" sabi ko saka ibinalik ko yung kwintas ko sa lamesa ulit saka lumabas na ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay taka akong napalingon sa mga katabing kwarto ko dahil sa katahimikan.

Agad akong bumaba saka nagtungo sa sala. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng sala ngunit kataka-taka dahil wala ang mga tao dito.

'Nasaan ang mga to?!'

Inilapag ko ang bag ko sa sofa. "Yaya!" tawag ko.

"Yes po sir" sagot ng yaya ng makalapit.

"Nasaan na ang mga tao dito?!" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Hindi niya na ako sinagot saka nagbaba ng tingin. Taka naman akong tumingin sa yaya.

"Nasaan si Ate?" tanong ko sa kanya.

"Ahh sir kasama po nila ma--"

"Hep!" pigil ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. "Okay na... una na ako" paalam ko sa kanya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

'Tsh! Hindi na naman ako sinama'

Dali-dali akong sumakay sa kotse saka mabilis na pinaandar yon.

Habang nasa byahe ako, nalulutang ang isip ko. Maraming tumatakbo sa isipan ko na talagang nakakapagpainit ng ulo ko. Parang tumataas ang dugo ko papunta sa utak ko.

Maya-maya ay nakarating na ako sa school.

'Parking Lot'

Inihinto ko ang kotse ko nang makarating ako sa parking lot. Pababa na sana ako ng kotse ng makita ko si....

'Cena'

Tahimik siyang naglalakad habang magkakrus ang kanyang mga braso. Bahagya ding nakalapat ang kanyang mga labi.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa passenger seat saka bumaba.

"Cena" nakangiting tawag ko sa kanya. Pero nagtaka ako nang huminto siya pero hindi man lang niya ako nilingon.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon