CHAPTER TWENTY💙

139 18 4
                                    

CENA'S POV

"L-Levin" gulat na usal ko.

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko nang muli ko siyang makita.

Bumuntong-hininga siya saka dahan-dahang lumapit sa akin.

Nanatiling gulat na mapatitig lang ako sa kanya.

Habang isang hakbang niya ay siya din paatras na hakbang ko.

Tumigil siya. "C-Cen--"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang ang mga kamay ko ay kumukuyom na, pinipigilan ang mga luha na lalabas sa aking mga mata. Nanatiling nakatitig siya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" pag uulit ko.

Ngumiti siya. "Gusto kitang makausap"

Napapikit ako dahil sa ngiti niya. Ngiti niyang matagal ko nang hindi nakita, ngiti niyang matagal ko nang gustong makita,ngiti niyang hinahanap-hanap ko, ngiti niyang minahal ko ng lubusan pero sa tuwing makikita ko siya naaalala ko ang sakit na ginawa niya sa akin.. Kung paano niya ako nagawang lokohin, kung paano niya ako nagawang saktan, kung paano niya akong nagawang ganituhin ng sobramg sakit.

Bago ko pa namalayan ang sarili ay sunod-sunod na ang patulo ng mga luha ko.

Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mata ko saka pilit na ngumiti sa kanya. "Wag na" usal ko saka akmang tatalikod nang mabilis niyang kunin ang kamay ko.

Napapikit ako nang muling maramdaman ang kamay niyang malambot na nagdudulot sa akin ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Kamay niyang isa sa mga nagustuhan ko, kamay niyang hinahanap-hanap ko noon pero sa tuwing maalala ko kung paano niya ako niloko nung araw na iyon. Kung paano niya hawakan sa pisngi ang babae habang kahalikan niya.

Nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang pinakamasakit na nangyare sa aming dalawa. Nasasaktan ako.

Agad kong binawi ang kamay ko saka inis na humarap sa kanya. "Ano bang problema mo?!" inis na tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siyang mapatingin sa'kin.

"C-Cena"

"Pwede ba umalis ka na lang" nangingilid na luhang usal ko.

"Please Cena i'm sorry" usal niya dahilan para matigilan ako.

Levin...

"I'm sorry kung nasaktan kita noon.. Im sorry kung niloko kita noon.. Im sorry kung ginago kita noon at pinagsisisihan ko yon Cena" nangingilid na luhang usal niya. "Patawarin mo ako pero sa maniwala ka man o hindi... Hindi ko sinasadya yon" dagdag na aniya dahilan para sunod-sunod na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Umalis ka na" mahinang usal ko saka tumingin sa mga mata niya.

"C-Cena"

"Please Levin umalis ka na"

"Pero Cen--"

"Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya sabay tulak ko sa kanya. "Leave!" sigaw ko sa kanya habang tinutulak siyang papalayo.

"C-Cena please"

"Leave!"

"Cena"

"Wag na wag ka nang magpapakita sa akin" umiiyak na usal ko habang dinuduro siya. "Sapat na yong nakita ko para kalimutan ka"

"C-Cena" umiiyak na tawag niya.

"Tama na Levin...Para mo nang awa, ayoko nang paniwalaan yang sinasabi mo! Umalis ka na!" sabi ko na tinutulak-tulak siya papalayo.

"Ate"

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now