CHAPTER 29❤️

164 15 3
                                    

PAIGE'S POV

Pagkapasok namin sa loob tatlo ay napaigtad ako nang may humawak bigla sa braso. Gulat akong mapalingon sa likuran ko. Si Cedrick. Agad niya akong hinila papalabas sa ospital, kunot-noo namang lumingon sa akin sina Autumn at Thea.

Pagkalabas namin sa ospital kaagad akong binitawan ni Cedrick.

Bumuntong-hininga ako. "Bakit?" tanong ko sa kaniya sabay iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka nagreply sa mga messages ko?" tanong niya dahilan para matigilan ako saka kunot-noo siyang tingnan.

"Nag-text ka ba?" tanong ko.

"Magtatanong ba ako kung hindi ako nag text sa'yo?" mahinahon pero sarlastikong sabi niya.

Inirapan ko lang siya saka kinuha sa bag ko ang cellphone ko. At nanlaki ang mata ko nang makita kung ilang beses siyang nagmessage.

13 messages..

Napalunok ako sabay tumingin sa kaniya. Deretso lang siyang nakatingin sa akin habang mag kakrus ang mga braso.

Napakurap pa ako habang nakatitig sa kaniya.

Biglang tumahimik ang paligid. Napabuntong-hininga na lang ako. "S-Sorry... Nakalimutan ko kasi" sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. "Kasama ko kasi si Yves eh yung kaklase ko na lalaki" sabi ko at nanatiling nakatitig siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko sinabi iyon.

Nanataling magkatitigan lang kami ni Cedrick sa isa't-isa.

Bumuntong-hininga siya saka umiwas ng tingin sa akin, nakita ko pa ang paglunok niya. "Okay" usal niya.

"Tara na" aniya sabay akmang papasok sa loob nang mabilis kong nahawakan ang braso niya.

Napalingon siya sa akin, nakakunot ang noo. "Bakit?" tanong niya.

"Saan ka pupunta?" kinakabahang tanong ko dahilan para matigilan siya.

Taka akong tumingin sa kaniya. Anong katigil-tigil sa sinabi ko?!

Bumuntong-hininga siya. "Papasok na" sabi niya at muling tumalikod at akmang aalis nang pigilan ko ulit siya.

"May problema ba?" tanong ko.

Nanatiling nakatitig lang siya sa akin at gano'n na lang ang gulat ko nang mabilis niyang bawiin ang braso niya saka salubong ang kilay akong tiningnan.

"Tara na" seryosong sabi niya.

"Ano bang nangyayare sa'yo?" inis na tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "Wala, kaya tara n--"

"Are you jealous?" biglang tanong ko dahilan para matigilan siya sa akmang paglakad.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at gano'n na lang ang pagkakunot ng noo ko nang makita ang itsura niya. Magkasalubong ang kilay habang nakanguso. Napangiwi ako.

'Ano na namang iningunguso-nguso nito?'

"Anong ginaganyan-ganyan mo?" tanong ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya sabay iniwas ang paningin sa akin. "Wala" usal niya. "Tara na" yaya niya ulit.

"Nagugutom ako" usal ko para lang hindi siya umalis.

Natigilan siya at napatitig sa akin sabay iniwas ulit ang paningin sa akin.

'Ano bang iniiwas-iwas ng paningin nito?'

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now