CHAPTER 30❤️

125 15 1
                                    

CENA'S POV

Nang makalabas na sila Autumn at Zion sa ospital ay nanatiling tahimik na naman kami.

Muli akong tumayo at lumapit sa salamin para tingnan si Mommy na kasalukuyan pa ring inooperahan.

Nang makita ko si Mommy na nakahiga don at nakapikit, eto na naman ang mga luha kong kumakawala na sa mata ko.

Hinaplos ko ang salamin na para bang hinahaplos si Mommy.

"Mom, please wake up" bulong ko at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

'Please Mom wake up for us please Mom please mom'

Napaatras na lang ako nang lumapit ang nurse at hawiin ang kurtina pasara.

Nanatiling nakatayo lang ako roon.

Ngunit napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Zeiden na nakangiti na sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya sabay nagbaba ng tingin.

Ngunit napatingin kaming lahat sa pintuan nang bumukas ito.

Dali-dali kaming pumunta 'don. "Doc kamusta na po ang Mommy ko?" tanong ko.

Ngumiti lang ang doktor sa amin sabay tumingin sa likuran. Nagtaka ako kung bakit ngumingiti itong doktor na ito.

Napatingin kaming lahat sa likuran niya at nakita namin ang mga nurse at si Mommy na nakahiga roon sa bed.

Nagtaka ako sabay tumingin sa doktor at nagtama ang paningin namin.

Tumango siya. "Okay na po ang pasyente"

Bahagyang nakahinga kaming lahat ng maluwag at wala sa sariling napayakap ako sa katabi ko.

Ngunit agad kong naimulat ang aking mata at nag-angat ng tingin at ganon na lang ang gulat ko nang makitang si Zeiden ang kayakap ko, si Zeiden ang niyakap ko.

Agad akong humiwalay sa kaniya at umiwas ng tingin ngunit agad napuno ng kahihiyan ang sarili ko nang makita silang lahat na nakatingin sa akin, nagtataka.

Tumingin ako kay Thea at Carl na gulat na gulat sa aking ginawa sabay nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Zieden.

Napatingin din ako kila Jester at Daddy na kunot-noong nakatingin sa akin.

Muli akong tumingin sa Doktor. "Doc thank you po, thank you po" sabi ko para maiba ang usapan.

Dinala na nila si Mommy sa room para makapagpahinga don, hindi pa rin gising si Mommy pero ang sabi ng doktor ay maayos na daw siya kaya naman ay nakahinga na din ako ng maluwag.

'Thank you Lord for saving my mother'

Sumunod na kami sa room at sinamahan sila Mommy. Lumabas kami ni Zeiden, Thea at Carl habang sina Jester at Daddy ay naroon sa loob.

Pagkalabas namin ay napayakap ako kay Thea. Yumakap din siya sa akin.

Agad din akong kumalas sa pagkakayakap kay Thea at nakangiting hinarap silang magjowa.

"Salamat sa inyo ha" sabi ko at ngumiti silang dalawa.

"Walang anuman atleast ngayon ay okay na si tita" usal ni Carl.

"Sasabihan ko na lang sila Autumn, Paige, Cedrick at Zion tungkol dito para naman makahinga na sila ng maluwag" sabi ni Thea.

Ngumiti lang ako sa kanila at tumango.

"So paano Cena una na kami" paalam ni Thea.

Tumango ako. "Sige mag-iingat kayo"

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now