CHAPTER 28❤️

145 16 3
                                    

ZEIDEN'S POV

"What?!" gulat na usal ni Cena sabay lumingon sa akin,tumutulo na ang luha. "Oh sige papunta na ako diyan" usal niya saka binaba ang linya. Tumingin muna siya sa akin sabay nagmamadaling kuhain ang kaniyang gamit.

Lalabas na sana siya ng pinto nang hawakan ko bigla ang kaniyang braso. Napalingon siya sa akin.

"Sasama ako" sabi ko,tumango na siya at walang ano-ano'y lumabas ng DP room.

Nang makalabas na kami sa bahay ay agad kong pinatunog ang kotse ko at pinagbuksan siya ng pinto.

Isinara ko iyon at sumakay na din sa driver seat. Binusinahan ko yung guard para pagbuksan kami ng gate. Pagkabukas niyon ay dali-dali kong pinaandar yung kotse.

Habang nasa byahe kami ay patingin-tingin ako kay Cena. Nakatulala lang siya sa bintana habang nakalagay ang isang kamay niya sa baba niya,hindi mapakali.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Cena pati na rin sa Mommy niya. Sinabi sa akin ni Cena kung saan ospital dinala ang Mommy niya.

At maya-maya lang din ay nakarating na kami sa ospital.

Agad kami pumunta sa Information. "Mrs Alluriana?" tanong ni Cena sa mga nurse na nandon.

"Ma'am nasa ICU pa po siya ma--"

"Shit!" hindi na pintapos ni Cena ang sasabihin ng Nurse at nagmamadaling pumunta sa ICU.

Pagkarating namin. Napalingon sa amin ang Daddy at yaya niya at tumayo nang papalapit na kami sa kanila. "Where's my mom?!" agad na tanong ni Cena sa Daddy niya sabay lumingon sa pintuan at pumunta don. Binubuksan niya iyon pero nakalock perp gano'n na lang ang gulat ko nang hampasin ni Cena ang pintuan ng ICU.

Dali-dali akong lumapit para pigilan siya pero nagpupumiglas siya.

"Cena calm down"

"Paano ako kakalma Dad!" umiiyak na sigaw ni Cena sa Daddy niya.

"Cena please" umiiyak na sabi ng Daddy niya sa kaniya.

"I want to see my Mom!" sigaw niya.

Napatingin kami sa bintana nang hawiin ng nurse ang kurtina. Pumunta kaming lahat don at nakita namin ang Mommy niya. May oxygen na nakasaksak sa kaniya at nakita ko rin ang mga aparatus na nakakabit sa katawan niya.

Anim na tao ang naroon at inaalis anv bubog na nasa katawan ng Mommy niya.

"Mom" mahinang usal ni Cena habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa salamin.

Pumunta ulit si Cena sa pintuan at binubuksan ito pero naka lock pa rin.

"Fuck!" nasapo ni Cena ang noo niya. Hinawakan ko siya sa likuran para aluin.

"Shhh.. Gagaling din ang Mommy mo" usal ko.

Humarap siya sa Daddy niya dahilan para mapatingin ang Daddy niya sa kaniya. Sa titigan nilang iyon ay nagismula na namang tumulo ang mga luha nila sa mata.

"Dad ano bang nangyare?" tanong ni Cena sa kaniya.

Hindi nakasagot ang Daddy niya sa kaniya.

"Dad answer me" umiiyak na sabi ni Cena sa Daddy niya. Nakita ko pa kung paano kumuyom ang mga palad ni Cena habang nakatingin sa Daddy niya.

"Dad answer me" si Cena.

Bumuntong-hininga yung Daddy niya pero ang luha ay hindi tumitigil sa pagtulo.

"Nawalan ng preno ang Mommy mo" umiiyak na sabi ng Daddy niya.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ