CHAPTER 22💙

133 17 4
                                    

PAIGE'S POV

Nakapagtataka ang pagiging tahimik ni Cena nang makabalik kamj sa room galing sa Cafeteria.

Masyadong seryoso ang mukha niya at halos hi di maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang tahimik.

Umupo ako sa tabi niya. "Cena okay ka lang?" matamlay niya akong nilingon.

"Oo naman" kaswal na sagot niya. Agad na natigilan ako.

Nasagot ka na niya Paige ano pa bang gusto mong marinig sa kanya?

Nakaramdam kaagad ako ng pagkaba dahil sa hindi maipaliwanag na kilos at salitang inuusal ni Cena.

"A-Ahh o-okay hehehe" napapahiyang sabi ko.

"Bakit?" tanong niya dahilan para agad na lingunin siya.

"Kanina ka pa kasi tahimik eh" sabi ko na napakamot pa sa ulo.

"Mmm"

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ko ulit sa kanya.

Hinawakan niya ako sa balikat sabay tapik nito. "Oo nga" usal niya.

"Baka kasi mamay--"

"Okay lang ako... may iniisip lang"

Gulat na napatingin ako sa kanya. Okay tapos may iniisip lang? Ano kaya yon? Tss!

Hinawakan ko siya sa balikat."Kilala kita Cena, alam kong may problema ka.. sige na sabihin mo na ano ba yun?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Wala nga"

Bumuntong-hininga ako. "Cena kilala kita sabihin mo na ano yon?"

Tinitigan niya lang ako saka bumuntong-hininga. "Okay fine..p-pumunta s-si L-Levin sa bahay kagabi" utal na sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

S-Si Levin?? Yung ex niya? Yung taong iniwan siya? Yung taong niloko siya? Ang kapal naman ng mukha niyon para magpakita pa kay Cena!

Nakaramdam kaagad ako ng pag-init ng ulo. Hindi ko makakalimutan ang kagaguhan na ginawa ni Levin kay Cena. Pagkatapos niyang lokohin si Cena. Magpapakita na lang siya na parang walang nangyare! Hindi pwede yon!

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kila Thea at Autumn na kasalukuyang nakaawang ang labi habang nakatitig kay Cena.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Autumn. "Ano?!" sigaw ni Autumn kay Cena dahilan para mapatingin ang mga iba naming kaklase.

Tumabi si Autumn sa kanya. "Bumalik ex mo?!" nagpipigil na inis na usal niya. Tumango naman si Cena.

"Ano yung kailangan niya sa'yo?" tanong ni Thea.

"Ano pa nga ba edi ayan!" biglang sabat ko na itinuro pa si Cena.

Hindi ko talagang maiwasang magalit kay Levin dahil sa ginawa niya kay Cena.

Gago siya! Oo gago siya! At kahit anong eksplenasyon niya sa amin, kahit anong pagmamakaawa niya sa amin, kahit anong gawin niyang mabuti sa amin... HINDING HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD! GAGO SIYA!

"Anong sabi niya sa'yo?"tanong ni Autumn.

Bumuntong-hininga si Cena."Na mahal niya pa rin ako... Nag sorry siya sa akin, hindi niya daw sinasadya yon" natatawang usal ni Cena. "Mahal niya pa rin daw ako" sabi niya.

Parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa huling salita na isinambit ni Cena. Kahit na natatawa siya habang sinasabi niya sa amin iyon, alam ko na nalulungkot pa rin siya, alam ko na nasasaktan pa rin siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin niya maalis yon. Kung nalilipat lang ang sakit na nararamdaman ng isang tao, kinuha ko na yung kay Cena para hindi niya na maranasan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now