CHAPTER 25💙

161 16 7
                                    

ZEIDEN'S POV

Nanatiling magkatitigan lang kami ni Tito Christopher. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko siya at bigla na lang umiinit ang ulo ko. Umaakyat ang mga dugo sa ulo ko,nandidilim ang mga paningin ko.

Agad kong tiningnan si Cena,nakababa na ang paningin niya habang nasa likuran ang kanyang dalawang kamay. Nakaramdam kaagad ako ng ilang sa kanya pero hindi ko iyon ipinapahalata dahil sa tito kong nandito. Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa ang tito at hindi ko rin alam kung ano yung ginagawa niya.

"Cena"tawag ko sa kanya pero ang paningin ay nasa tiyuhin ko. 

"Yes" 

"Tara na" 

 Bumuntong-hininga ang tiyuhin ko. "Well,sana makapasok kayo sa Audtion" nakangiting usal niya pero alam ko sa sarili ko na kaplastikan lang iyon at hindi ito.

"P-Paano niyo po nalaman na magkakaaudtion?" tanong ni Cena sa kanya.

Taka naman akong tumingin sa tito ko. "Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya dahilan para magtama ang paningin namin.

Ngumiti siya. "Ako ang magdedesisyon kung sino ang makakapasok sa Audition" nakangiting usal niya dahilan para mag-angat ng tingin si Cena sa akin pero hindi ko na iyon nilingon.

Nanatiling deretso lang ang tingin ko sa tiyuhin ko. Bumuntong-hininga ako sabay matunog na ngumisi. "Ang galing mo noh?pati pag jujudge pinasok mo na" sarkastikong usal ko sa kanya.

Bahagya pa siyang natawa.Nagbaba pa muna siya ng tingin bago muling tumingin sa akin at ngumisi. "Bakit may problema ba Zeiden?"

Ngumiti ako. "Wala naman tito" usal ko. "Nakakatawa lang talaga hahahahaha" pekeng tawa ko na napahawak pa sa bibig ko saka unti-unting sumeryoso. "Anyway tito we have to go" usal ko na tiningnan pa si Cena. 

"Well,ingat kayo and goodluck to your audition" nakangiting sabi ni tito na tiningnan pa si Cena at tumango saka muling tumingin sa akin. 

Sinulyapan niya pa ulit si Cena saka takang tumingin sa akin. "Is this your girlfriend?" tanong ni tito dahil para gulat na mapatingin ako sa kanya saka tumingin kay Cena na gulat na gulat din ang reaksyon dahil sa tanong ni tito.

WTF! 

Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko.Para akong tumatakbo sa isang malaking field dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.Ang kaninang galit na nararamdaman ko ngayon ay napalitan ng pagkailang at kaba kapag si Cena na ang pinaguusapan.

Ano bang nangyayare sa'kin? Bakit ba ako nagiging ganito?

Tumingin ako kay tito sabay ngisi. "Saan mo naman nakuha yang tanong na yan?"

"Im just asking" nakangiting usal niya.

"No" agap na sagot ko. "Hindi ko siya girlfriend" dagdag ko. "Mauuna na kami" usal ko saka mabilis na hinila si Cena at dali-daling lumabas ng office.

Pagkalabas namin sa office ay dun ko na binitawan si Cena at nagdere-deretsong naglakad. Aligaga naman siyang sumunod sa akin.

"Zeiden" tawag niya, natigilan ako saka dahan dahan nilingon siya.

Kumukurap-kurap ang mata niya sabay baba ng tingin. "O-Okay ka lang?" tanong niya dahilan para kumalabog na naman ang dibdib ko.

Bakit ba kapag ikaw Cena nagsasabi sa akin niyan... Lagi na lang ganito! Ang hina mo Zeiden, mahina ka talaga

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now