CHAPTER SEVEN💙

254 17 3
                                    


ZEIDEN'S POV

"Cena"
"Cena!" muling pagtawag ko sa kanya.

"Whaaaaaaaaaa!"

Napaiwas ako sa kanya. "Ayos ka lang?" gulat na tanong ko sa kanya.

Batid kong hingal na hingal siya. "Nasaan tayo?" takang tanong niya na tumitingin pa sa labas ng kotse na akala mo'y may hinahanap.

"Nandito tayo sa kotse" inosenteng tugon ko nang magtama ang paningin namin. "Nanaginip ka, ayos ka lang ba?" tanong ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Nananaginip ako?....nananaginip ako?... na.. na.. naginip.. ako" pahina na pahina niyang usal sabay lingon sa akin.

"Oo, nananaginip ka.. Kaya tinatanong kita kung ayos ka lang?" sabi ko na nakatingin sa kanyang mga mata.

Ano bang mangyayare dito?

Hindi siya nakapagsalita saka niya iniwas ang paningin sa akin. "Bakit tayo nandito sa kotse?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "Muntikan  ka nang mamanyak kanina ng dalawang lalaki" sabi ko at napatingin naman siya sa akin. "Tapos nung mahuli na yung dalawang lalaki na yon, dinala kita sa labas kasama pa nga natin sina Paige, Thea, Carl, Cedrick at Autumn nung bigla kang himatayin" sabi ko.

"Hinimatay ako?" nanalalaking matang tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Yes, kaya dinala muna kita dito sa kotse para makapagpahinga ka"

Kunot-noo niya naman akong tiningnan na para bang nagtatanong. "Nasaan si Zion?" tanong niya dahilan para mag iba ang mood ko.

"Wala si Zion dito!" inis na sabi ko saka inis na iniwas ang paningin ko sa kanya.

Takteng yan! Ako nagligtas sayo sa mga hayop na lalaki na yon, nasapak na ako lahat lahat si Zion parin hinahanap mo!

Ewan nga sayo!

Bahala ka!

Hmp!

"Bakit ka galit?" gulat na tanong niya.

"Hindi ako galit!" sabi ko sabay pinagkrus ko ang mga braso tapos padabog na sumandal sa upuan ko.

"Galit ka e?" tanong niya.

"Hindi nga ako galit!" sabi ko.

"Tss! Yan ba ang hindi galit, naninigaw" malumanay na sabi niya.

Galit na ako lahat-lahat tapos malumanay ka parin magsalita?

Tss!

CENA!

"Sorry na" sabi niya.

Inis na tumingin ako sa kanya, pero nagbago lang ang reaksiyon nang makita siyang nakangiti na sa akin.

Yung mga ngiti mo Cena please!

Not now!

Atsaka yung mga tingin mo!

"Oo na" sabi ko sabay tawa.

"Ewan hehe" sabi niya sabay sumandal na sa upuan.

"So lahat pala yon panaginip lang?" mahinang usal niya pero dinig na dinig ko.

Salubong ang kiloy kong sinulyapan siya. "Huh?" sabi ko dahilan para gulat na mapatingin siya sa akin. "Anong sinasabi mong 'Lahat pala yon panaginip lang?' chuchu" panggagaya ko sa sinabi niya.

"Wala yon" sabi niya.

"Ano nga yon?"

"Wala yon Zeiden"

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now