CHAPTER SIXTEEN💙

198 19 6
                                    

ZEIDEN'S POV

Hindi ko maitago ang saya dahil magkasama kami ulit ni Cena. Kahit ilang oras ko siyang hindi nakita o nakausap man lang. Para akong mababaliw. Siya lang ang hinahanap-hanap ng puso ko, ang tinatawag-tawag ng isipan ko. Siya lang talaga.

Napakasaya ko dahil sa ganda ng kanyang mukha at pananamit. Naiisip ko na talagang bagay na bagay kami.

Parang naghuhurumintado ang puso ko dahil sa galak.

Bawat segundo, minuto at oras, hindi siya nawala sa isipan ko. Palagi na lang siyang sumisingit.

Ganto na ba ang pakiramdam kapag inlove ka na? Ganto ba ang nararamdaman mo? Yung tipong pagkagising mo ng umaga ay siya na kaagad ang hinahanap-hanap mo,sa pagkain mo siya lang ang laman ng isipan mo. Hanggang sa pagtulog mo ay siya lang ng siya ang nasa utak mo.

Napakasaya ko talaga, pakiramdam ko ako na ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. Kahit hindi pa kami ni Cena ay parang napapasok na sa isipan ko na parang kami na talaga.

Zeiden! Ang advance mo magisip!

Hindi ka pa nga nagcoconfess kay Cena eh!

Zeiden!

Tss! Mag confess ka na kasi!

Para naman kahit papano maramdaman niya ang nararamdaman mo sa kanya!

Mahina ka Zeiden! Mahina ka!

Unti-unting nawala nag mga ngiti ko sa labi dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.

Dapat na ba akong magconfess sa kanya?

Pero paano?

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan! Hindi ko alam!

Paano ako makakapagconfess sa kanya? Hindi pa naman kami gaano magkakilala! Paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko kung gayong dito pa lang ay napaoaatras na ako. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya gayong hindi ko naman din alam ang nararamdaman niya? Paano ko ipapadama sa kanya ang nararamdaman ko gayon'g may bumabalik sa kanya.

Paano pa ako makakapasok sa eksena gayong hindi pa siya nakakamove-on sa ex niya.

Paano? Paano ba talaga?

Napakamot ako sa sentido dahil sa mga gumugulo sa isipan ko.

Arghh! Badtrip!

"Sama mo naman ako sa iniisip mo"

*BREAK!!*

Natigilan ako sa pagddrive dahil sa tinig na iyon na alam ko naman kung kanino nagmumula iyon. Dahan dahan ako napalingon kay. Cena!

Gulat na napatingin ako sa kanya habang siya naman ay inosente akong tinitingnan. Nakalapat ang mga labi niya habang nakatingin sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nagaganap ngayon. Bahagyang naawang ang labi ko. Hindi ko agad nagawang makapagsalita sa kanya.

Mas lalong naghurumintado ang puso ko nang biglang ngumiti sa akin. Shiya!!!

Nanghina ang mga tuhod ko at nanginginig naman ang mga kamay ko. Shit bakit ba ganito!

Bakit ka ba ganyang ngumiti sa akin Cena? Hindi normal!

"......" napipi ako, nangangapa ng isasagot gayu'ng kaya naman lusutan iyon pero bakit hindi ko magawa yon sa kanya. Tss! Badtrip!

Tumawa siya dahilan para lalong manlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" dun na ako naglakas ng loob magsalita.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now