CHAPTER NINE💙

223 22 3
                                    

CENA'S POV

K I N A B U K A S A N

Nagising ako, naihilamos ko pa ang mukha ko saka sinulyapan ang kama ni Zeiden..tulog pa siya nakataklob sa kanya ang itim na kumot.

Napangiti ako habang nakasulyap sa kanya saka tumayo.

Dahan dahan akong kumilos, para hindi maistorbo sa tulog so Zeiden saka dumeretso sa banyo upang maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush ay lumabas na ako ng banyo.

Gulat na napaigtad ako nang makita ko si Zeiden na nakatayo na sa harap ng pintuan ng banyo.

Wala siyang pangitaas na damit dahilan para makita ko ang nagpuputiang katawan niya at six pack abs niya.

Bahagyang bumilis kaagad yung tibok ng puso ko saka nag-angat ng tingin sa kanya, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin.

Sandaling nagkatitigan kami saka ko iniwas ang paningin ko napalunok pa ako saka nagsalita. "G-Good morning" bati ko sa kanya,nagtaka ako kung bakit hindi niya man lang ako binati dahilan para tumingin ako sa kanya.

Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakangiting nakatingin sa akin.

"B-Bakit?" tanong ko. "Maghilamos ka na" sabi ko saka siya tinalikuran, napaigtad ako nung bigla niya akong hilain saka isinandal sa pader.

Naiharang niya ang dalawang kamay niya sa tagiliran ko dahilan para ma corner ako.

Inis na tumingin ako sa kanya pero nawala ang inis sa mukha ko at napailitan ng gulat nang makita siyang nakangiting nakatingin sa akin.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Good morning" nakangiting sabi niya sa akin dahilan para maamoy ko ang hininga niya.

Nakapagtataka... Ang bango ng hininga niya, bagong gising yan ha!

Umayos siya ng tayo saka pumasok ng banyo.

Naiwang tulala ako, hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Pesteng yan!

Mag gogood morning lang tapos May paganto-ganto pang nalalaman!

Zeiden!

Bumuntong-hininga muna ako saka pumunta sa kama ko at naupo.

Pero ganon na lang ang pagkunot ng noo ko nang maalala ko ang nangyare kagabi.

Bakit pa kasi kita kailangan makita duon?

Kinalimutan na kita!

Hindi ko lang aakalain na makikita pa kita dun.... Levin!

Mahigit apat na taon kami ni Levin legal kaming pareho. Masaya ang pagsasama namin, nagmamahalan kami, walang problema.. sweet si Levin, mandalas niya akong sinusundo sa school... madalas niya rin akong i date kung saan-saan... Pero lahat yon nagbago nang mahuli ko siyang nambabae.. hindi ko alam kung ano ang pagkukulang ko sa kanya, binigay ko na lahat lahat sa kanya maliban lang sa virginity ko. Hindi ko alam kung paano ako nagawang lokohin ng taong iyon.

F L A S H B A C K

2 years Ago

Anniversarry namin ni Levin kaya pupuntahan ko siya sa apartment niya para sorpresahin.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Paige.

"Pupuntahan ko si Levin" nakangiting sabi ko.

Ngumiwi siya. "Eh diba magkaaway kayo?"

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now