CHAPTER 33❤️

148 14 6
                                    

A/N: Sorry guys ngayon lang ako nakapagupdate peace po tayo hehehe! Love lots guys! Pasensya na at ayan lang naisulat ko hehe. Stay safe guys mwaa! Enjoy reading!!





ZEIDEN'S POV

Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. Hindi ko masyadong magalaw ang mga kamay at paa ko kaya dahan-dahan ko itong ginalaw. Napangiwi ako dahil sa ngalay na aking nararamdaman ngayon.

Nang tuluyang maiunat ang katawan ko ay umupo muna ako sa higaan at isinadal ang katawan sa headboard ng kama. Lumingon ako sa tabi ko at kinuha ang cellphone ko.

Tiningnan ko kung may nag-message ba sa'kin o wala. Wala nga!

Inilapag ko ulit ang cellphone ko sa tabi ko at inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko sabay buntong-hininga.

Akma na akong tatayo sa kama nang bigla kong maalala ang nangyare kagabi. Ang pagtatapat ko ng nararamdaman kay Cena.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kaniya iyon kagabi! Nakakainis!

Bumuntong-hininga ulit ako saka tuluyang tumayo na at dumeretso na sa banyo. Naligo na kaagad ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng jogging pants at white t-shirt dahil practice lang naman namin ni Cena sa school.

Natigilan lang ako sa naisip ko. Paano pa 'ko haharap sa kaniya? Paano ko siya kakausapin? Baka mailang siya sa'kin.

Natatakot ako sa mga naiisip ko. Baka tuluyan nang lumayo sa'kin si Cena pero anong magmagawa ko kung iyon ang gawin niya? Paano ko pa siya mapipigilan niyan?

Bumuntong-hininga muli ako saka tuluyang lumabas na ng kwarto.

"Nahanap mo na ba siya?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mommy sa kwarto niya. Mukhang may kinakausap. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ko ng maayos.

"Yes po ma'am, nasa hospital po siya ma'am pinuntahan ang Mommy niya" tinig ng isang lalaki.

"Okay, sige pupuntahan natin 'din ngayon ang babaeng iyon" sabi ni Mommy dahilan para magtaka ako. "Hindi ko hahayaang makalapit siya sa anak ko, isa lang siyang salot" seryosong sabi ni Mommy.

'Sinong anak?'

"Sige na, lumabas ka na, hintayin mo na lang ako sa labas at susunod ako." sabi ni Mommy kaya naman dali-dali akong bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at isinandal ang sarili sa likod ng pintuan. Ni-lock ko pa ito para tuluyang hindi makapasok si Mommy or yung kasama niyang lalaki.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ni Mommy, nasisiguro kong lumabas na ang lalaking kausap niya. Narinig ko ang pagsara niyon.

Bumilang muna ako ng sampung segundo saka dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Maliit lang ang pagkakabukas ko para hindi nila ako makita.

Sinara ko ulit ang pintuan ng kwarto ko nang  muli itong bumukas, lumabas na si Mommy.

Narinig ko din ang tunog ng heels niya pababa sa hagdanan. Kaya naman, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Sumilip ako para siguraduhin na wala nang tao. Dali-dali akong bumaba para sundan sila Mommy.

Mabilis na lumabas ako ng bahay at pinatunog na kaagad ang kotse ko at sumakay na 'don.

Binusinahan ko ang guard para pagbuksan ako ng gate at nang mabuksan na ay lumabas na ako at mabilis na pinaandar ang kotse ko.

Nakita ko ang kotse ni Mommy kaya naman ay sinundan ko ito. Humihinto ako para hindi nila ako mahalata na sinusundan ko sila.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now