Chapter 4

175 19 0
                                    

"Mamamatay na ako

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

"Mamamatay na ako."

Mas lalong humaba ang nguso ko nang makarinig ako ng tawa. Sinamaan ko ng tingin ang nagma-may ari ng boses na iyon.

"Ang tapang mo kasi tumanggap ng ita-translate sa gitna ng gabundok mong commission," pagde-depensa ni Levy sa sarili na mas lalong kong ikinasimangot, "Tapos pumayag ka pang one month ang deadline. Ano ka si Superman?"

"Back pain ang nirereklamo ko, hindi mo ba alam iyon eh parehas na tayong magte-trenta?" madrama kong sabi. "Tsaka hayaan mo nga ako! I love the pressure!"

Napailing si Levy at nagpatuloy sa pag guhit sa drawing tablet, "Sabi ko naman saiyo ay mag youtube ka na."

"Wala akong matinong content na naiisip."

"Bakit hindi ka gumawa ng istorya then i-animate mo?"

"Marunong ako mag translate ng nobela from different language at mag animate, pero hindi ako marunong gumawa ng content mismo."

"Eh di maghanap ka ng writer."

"Akala mo ba madali? Oo, madaling maghanap, pero mahihirap kausapin!" reklamo ko sabay untog ulit ng noo sa center table ng sala. "Una sa lahat kailangan may common understanding kami sa creativity. Pangalawa dapat click ang content sa taste ko."

"Tapos sasabihin mong hindi ka artist?" sarkastikong sabi ni Levy. Bahagya pa siyang tumigil sa pag guhit at supladong tinitigan muli ako. "Isa pa, bakit ikaw ang magde-decide sa content? Ikaw ang gipit, ikaw pa choosy? Desisyon ka?"

"I mean, dapat yung story ay pasok din sa interes ko," pabulong kong sabi habang nakanguso, "Ang hirap mag animate at mag design kung hindi ko feel ang story. Baka masira lang rin ang product."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Levy, "Kung ganiyan ang mindset mo ay mas mabuting magpa-commission at mag translate ka na lang ng mga nobela."

"Ako ba nag recommend na mag tayo ng channel?"

Hindi na sumagot si Levy. Ako naman ay nagpatuloy na sa pagta-translate ng nobela.

Maulap na byirnes ang bumabalot ngayon sa buong Quezon City. Narito ako sa bahay nila Levy de Asis, kaklase ko simula pa noong high school. Hindi talaga kami close sa isa't isa hanggang sa naging magka-grupo kami sa mini research noong third year, kami lang halos kumikilos noon kaya naging malapit kami.

Noong grumaduate kami ng high school, mas lalo kaming naging malapit dahil pinalayas ako sa bahay. Noong sinabi ko kasi na balak ko maging cadet ng AFP, halos mawala sa katinuan ang mama at mga kuya ko. Determinado akong pumasok sa force noon kaya habang inaasikaso ko ang mga requirements ay kila Levy ako nakituloy. Malugod naman akong tinanggap sa tahanan nila dahil matagal na ring nag ha-hangad ng anak na babae si Tita May, mama ni Levy.

Bago ako mag undergo ng training ay binuksan ni Levy ang isip ko sa digital arts at mga foreign novel, which is na enjoy ko naman. 

Noong na dismissed ako sa army dahil hindi na ako fit mag serve, isa si Levy sa mga tao na nakikipag duet kila kuya sa pag papaalala saakin na uminom ng anti depressants sa tamang oras. Ang risk kasi ng hindi pag sunod ay mabigat bigat na panic attacks at iba pang worst scenarios na dala ng PTSD. 

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora