Chapter 6

178 15 0
                                    

"Paano kung napahamak ka? Paano mo nagawang iwanan yung gamot mo?!" 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Paano kung napahamak ka? Paano mo nagawang iwanan yung gamot mo?!" 

Hindi ko alam kung ilang beses sinabi iyon ni kuya Gael pero hindi ito ang oras para sabihin sakaniya iyon. Nag-alala siya at kasalanan ko ang nangyari.

Napatingin ako sa gilid ko at natagpuan ko ang nakakrus na mga braso ni kuya Gray, magka-kalahating oras na rin nang makauwi siya galing sa trabaho pero hindi pa rin siya nagbibihis. Dama ko na galit rin siya sa nangyari, na gusto niya rin akong pagsabihan pero masyado nang nagu-uyam sa galit ang panganay para sumawsaw pa. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagpakalma ng sarili. Sadyang hindi muna ako umuwi dahil nag-ayos muna ako ng sarili at nagpatuyo ng pawis para hindi nila mahalata, pero katulad nga ng kasalukuyang nangyayari, hindi ako nakalusot.

Natagpuan ni kuya Gael ang gamot ko sa kwarto, at dahil nakasubaybay silang dalawa ni kuya Gray sa oras ng pag-inom ko at bilang nila ang gamot ay agad nilang nalaman na hindi ako nakainom.

Naisip kong magsinungaling, na dalawang gamot ang binili ko pero alam na ng dalawa kong nakakatandang kapatid ang pasikot sikot ng personalidad ko. Dating myembro ng Commercial Crime Division si kuya Gael, marami na siyang kriminal na nainterview na mas batikan pa sa pagsisinungaling kaysa sa akin. Si kuya Gray naman ay isang Editor-in-Chief sa sikat na limbagan sa buong Pilipinas, nakakasalamuha siya ng mga pulitiko at mga batugan na journalist na hindi nagseseryoso sa deadlines. 

Sa madaling salita, bukod sa may ibedensya sila laban sa magiging palusot ko, sa mata nila ay hindi ako magaling mag sinungaling.

"Tapos nung makakalma ka na, hindi ka man lang tumawag saamin? Ilang beses ba kita tinawagan at pinapatay mo lang?"

"Alam ko kasi na magagalit kayo..."

"Talagang magagalit kami!" napakurap ako nang padabog na sinara ni kuya ang lagayan ng pagkain ni Baste. Maging ang aso namin ay napaatras sa lakas, nagda-dalawang isip kung kakainin pa ang nilagay na pagkain ng kuya ko sa kainan niya, "Paano kung tarantado iyong nalapitan mo? Anong magagawa mo? Anong magagawa namin? Saan ka namin hahanapin?"

Kagat labi kong ipinagtanggol ang sarili ko, "Kuya, buhay naman ako."

"Kung ganoon ay magagalit na lang kami kapag patay ka na? Ganoon ba?" hindi na napigilan ni kuya Gray ang sumabat. Nag-uyam ang loob ko pero wala akong maisip na panapat sa sinabi niya.

Katahimikan...

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha ko kaya naman napayuko na ako. Pakiramdam ko? Pinagtu-tulungan nila akong dalawa. Alam ko naman na kasalanan ko, na nagagalit sila dahil sobra silang nag-alala, pero hindi ko mapigilan. Siguro maraming magtataka na former cadet ako pero ganito ako, mababaw ang luha, pero ang hindi nila alam ay hindi naman talaga ako ganito. 

Naging mababaw ang luha ko dahil sa naranasan ko. Naging mainitin ang ulo, naging iritable ng sobra, naging emosyonal ng sobra dahil sa naranasan ko...

Napahikbi ako ng isa. 

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Where stories live. Discover now